JIMIN'S POV'
"Chim! C'mon let's take a selfie." Tsk.
Lagi nalang siyang nakadikit sakin, bwisit talaga 'tong Amerikanang babae na 'to. Sipain ko kaya 'to pabalik sa America 'no?
"No." I said to her. Nasa dressing room na kami ngayon at naghahanda para sa M Countdown. We're still on Rank 1 however this crazy woman beside me is in Rank 4.
She's wearing a cute mickey mouse outfit and it fits her. Geez! Why the hell am I complimenting her. Trust me this is the last time.
"Daebak." Napalingon ako kaagad sa kanya na nakatingin sa cellphone niya. "Omona! Jimin kyeoptaaa!" Tss.
Parang nagsisisi tuloy ako kung bakit ako pumayag na maging partner niya sa We Got Married.
Flashback..
Nag rerehearse ako ng sayaw namin sa Baepsae ng biglang pumasok si Bang PD nim sa studio kaya napatigil ako sa pagsasayaw.
"Pwede ba kitang makausap Jimin iho?"
"Oo naman po." Nginitian niya ako saka kami lumabas ng studio at pumasok sa office niya. Napakunot noo ako ng madako ng mata ko ang napakalaking picture frame ni Chachi na nakasabit sa office ng Lolo niya.
Mukhang napansin ni PD nim ang tinitingnan ko kaya napatingin din siya duon at natawa.
"Ang apo ko ang naglagay niyan dyan. Mahal na mahal ako ng apo kung 'yon kaya mahal na mahal ko din siya at kaya hindi ko din siya mahindian sa lahat ng kagustuhan niya." Napangiti naman ako kay PD nim.
"Napakabait ng apo kong 'yun simula bata pa lang, napaka matulungin pa. Alam mo bang may pinatayo siyang charity for the homeless people? Lahat ng pinapadala kong pera sa kanya ay iniipon niya at ang nakukuha naman niyang pera sa part time job niya dati ang pinagpatayo niya nuon." So she isn't that bad as I thought.
Maybe hindi lang talaga ako sanay sa iba bukod kay Minah. Nakinig lang ako sa mga kwento ni PD nim about kay Chachi at di ko maiwasang hindi mapangiti sa mga nalalaman ko. So she's scared of the dark eh?
Nah, I wasn't thinking of scaring her, that's too cliche. I just found it funny.
"Iniwan niya ang charity duon with her true friends, she has to come here dahil pinauwi ko siya and besides nalaman ko din na adik na adik siya sainyo lalo na sa'yo. Pina imbestiga ko kasi siya and I found out that she's totally obsessed with you. Not in a bad way, my granddaughter is not like that. She maybe a spoiled brat but she knows her limits." I nodded.
"So I was going to ask you something." Oh no, I just felt nervous for a second. Hooooo!
"Can you be the partner of my granddaughter in We Got Married?" Shocked is written all over my face.
If I agreed to PD nim's request, it might be over for me and Minah but I think she'll understand so I have to take the risks. Aish!
"I know I'm asking too much and it can ruin your personal lovelife but.. I just can't say no to my granddaughter."
"W-what about JB or Leo?"
"She doesn't like Leo and.. JB.. Believe it or not he's Chachi's number 1 fanboy so I rejected him. Ayokong personalin ni JB ang pagiging mag partner nila kaya naisipan kong ikaw nalang. I don't want any scandal right now lalo na kapag pangalan na ng apo ko ang nakasalalay." I left out a big sigh. As if I have a choice.
Ugh! That girl is giving me so much headache.
"I'll be more happy to be her partner Sir." Tumayo na ako at nag bow sa kanya. I'll take the risk. I'll try to talk to Minah and make her understand. She hates Chachi and Chachi hates Minah too, so I don't know what will happen.
End of Flashback...
Alam kong napakasaya niya ngayon at ako naman tong nagluluksa. I should tell Minah about this, I don't want to disappoint her.
"Miss Chachi you're next." Natigil ako sa pagkatulala saka napunta ang tingin ko kay Chachi na ginagawang wallpaper ang picture ko.
Creepy but cute.
"Whooop! Byeeeee." Kumaway muna siya sakin saka siya tumakbo papunta sa stage kaya naman naglakad ako papunta sa dressing room saka umupo sa may tapat ng malaking screen para panoorin siya.
I'm telling you sinusuportahan ko lang siya dahil ka company naman siya okay!
CHACHI'S POV'
"Kyaaaaaa! Chachi! Annyeong!"
"Chachi how are you?"
"Omo! You're so pretty eonnie!"
I smiled to them and winked.
I love my fans, they are my life now.
Nang marinig ko ang tunog ng kanta ko napangiti nalang ako at sinuot uli ang maskara ko sa stage.
Sabi nila ako daw ang pinaka unique sa lahat ng mga solo artist, ako lang daw kasi ang nag cocostume at kumakanta ng English. Well I'm not planning on singing Korean, well I can do a cover but for my album? Nah I don't think so.
Mas na eexpress ko kasi ang kanta ko through English, besides hindi kagandahan ang boses ko kapag Korean. May pagka slang syempre American citizen.
Atsaka mabibigat ang mga kalaban ko. Ailee, IU, Zion T, Jay Park at ang dami pa. Hindi ko alam kung hanggang saan ang kaya ng powers ko para mapataas pa ang rank ko sa Countdown at sa mga awards, lalo na ngayon nakapila na ako sa Gayo Daejun, Mama Awards, Seoul Music Awards, Melon Music Awards, Gaon Chart Kpop Awards, Golden Disk at iba pa. Hassle diba?
Hindi ko alam kung maaasikaso ko pa si Jimin pero hindi pa ako susuko no. Nag uumpisa palang ako, atsaka hindi naman na ako masyado sinusungitan nun gaya nung una.
"Aaaaand cut! Fabulous Chachi. Fabulous! Always dazzling." Pagpupuri sakin ng Director.
"The camera loves you." Pagpuri naman ng mga cameraman.
Nakikita ko ang pagkaway ng mga fans sakin sa may audience kaya kinawayan ko naman sila. Ano kaya kung magpa fan meeting ako? Wala namang masama diba? Infact bago ako sa ganitong mundo kaya gusto kong maranasan at maramdaman ang nararamdaman nila Jimin kapag nasa fanmeeting.
Habang pabalik ako ng dressing room, nakasalubong ko din ang iba ibang mga Kpop Idols sa hallway na nag papractice kaya binabati ko sila at binabati din naman nila ako.
"Annyeong BAP!" Tuwang sabi ko sa BAP na nagpapractice ng kanta nilang Feel So Good. Updated din naman ako sa ibang groups, BTS Trash lang talaga ako.
"Waaaaaa! Got7?!" Nanlaki naman ang mga mata nila saka sila lumapit saakin.
"Omo! Kurutin mo nga ako Bambam. Nananaginip ba ako? Nasa harap ko ba talaga si Miss Chachi?!" Pagbibiro ni Jackson kaya kinurot talaga siya ni Bambam.
Napahagikgik naman ako sa kanila. Ang kukulit nila grabe.
"Ah! Annyeong Miss Chachi. I'm Jackson, the eyes and ears of this grou--"
"Move. I'm JB by the way, you know me right? I'm supposed to be your partner in We Got Married." Napatango naman ako sa kanya. Grabe ang hot pala niya sa personal! Well mas hot pa din si Jimin sa kanya lumamang lang talaga sa height at panga.
Pero kuntento na ako kay Jimin 'no! Loyal kaya ako dun. Nagpakilala naman silang lahat saakin kaya nagpaalam na din ako sa kanila.
Bumalik na ako sa dressing room at nakikita kong nag reready na ang BTS. I'm so proud of them at nasa Rank 1 pa din sila. Ang ganda kaya ng Run 'no!
"San ka galing Miss Chachi?" Tanong ni Jungkook.
"Ah nakipag kwentuhan lang sa Got7." Sabi ko sa kanila habang nagtatanggal ng heels atsaka ko sinuot ang doll shoes kong komportable. Hayyy laking ginhawa.
"Tss." Napalingon naman ako kay Jimin na nakatingin pala sakin habang prenteng nakasandal sa upuan niya. Omg! The stare.
"Jimin stop staring, umiiral ang pagfafangirling ko. Tigilan mo at pagod ako." Walang reaksyon kong sabi saka ko siya tiningnan with my bored look.
Pagod lang talaga ako, mamaya na ako mag fafangirling sa kanya. Pano ba kasi ang gwapo gwapo niya sa suot niya. Yiiiiih!
"BTS you're up!" Tawag ng stage director kaya napatayo na ang BTS.
"BTS hwaiting!" Pagchecheer ko sa kanila kaya napatawa sila at nag fighting sign din except kay Jimin syempre.
Lumapit naman ako kay Jimin saka ko inayos ang jacket niya, may nakatupi kasing part tapos yung panloob niyang tshirt medyo nakausli dahil sa pag upo niya.
Nagulat pa siya sa inakto ko pero hindi ko nalang pinansin.
"Ayan okay na. Goodluck ha?" Nag alanganin pa siyang tumingin sakin pero maya maya ay tumango siya saka niya ako tinulak ng onti para makadaan siya. Hehehehe.
**
"Uyyy congrats BTS ha?! Taray niyo ilang weeks na kayong nasa top spot." Pagbabati ni Mikayla sa kanila.
Nakauwi na kami sa mansion at nagpapahinga na kami. 4pm palang pero ubos na energy naming lahat, nakahilata tuloy kaming lahat sa sala.
"Oy Chucks! Ganda mo kanina sa TV yiiii! Napanood kita, sayang nga at hindi ako nakasama, masama talaga pakiramdam ko eh."
"Okay lang 'yun, importante andyan ka para suportahan ako." Niyakap naman niya ako kaya niyakap ko din siya pabalik. Nakatulog na din ang ibang members at ang natatanging gising nalang ay si Jimin na busy sa cellphone niya.
Hula ko katext na naman niya si Minah.
"Sh*t!" Mahinang sigaw niya kaya napatingin ako sa kanya.
"Anong problema?" Tanong ko kay Jimin kaya napaayos siya ng upo at sinamaan ako ng tingin.
"The hell do you care? Mind your own business. Tsk!" Humiga na siya sa ulit sa sofa kaya tumabi nalang ako kay V sa foam saka humiga.
"Yah! Bakit ka dyan humiga?!" Sigaw ni Jimin.
"Hinaan mo nga boses mo Chimchim at baka magising sila." Pinaikot niya ang mata niya saka niya ako binato ng unan na nasapo ko naman.
"Don't call me that. Ang panget tingnan kababae mong tao humihiga ka sa tabi ng lalake." Napataas naman ang side lip ko sa reaction niya saka ako umupo.
"Jimin, hindi namang masama tumabi sa lalake lalo na't wala namang ginagawang masama. Okay? Matutulog muna ako." Humiga na ako ulit saka humarap kay Taehyung na mahimbing na natutulog.
Ang cute niya sarap picture-an.
Makakatulog na sana ako ng maramdaman kong may bumuhat saakin kaya muntik na akong mag panic pero ng maamoy ko ang pamilyar na amoy niya, nagpanggap nalang ako na natutulog.
Ramdam ko ang pag akyat namin sa hagdan saka ang pagpasok sa kwarto pero hindi pa din ako pumalag. Base sa amoy ng kwarto kay Jimin 'to dahil sa panlalakeng amoy.
Ramdam ko ang paghiga ko sa malambot na bagay na alam kong kama niya kaya gumalaw ako ng onti at nagpanggap pa din tulog. Rinig ko ang pagbuntong hininga niya saka niya ako kinumutan.
"Stupid crazy woman." Sabi niya saka ko narinig ang pagbukas at pagsara ng pintuan niya.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at gumulong gulong sa kama ni Jimin at inamoy amoy ang unan niya at kumot.
Gosh! Amoy Jimin! Yiiiiiii! Pwede na akong mamatay! Pero syempre jokijoki lang 'yun, ikakasal pa kami ni Jimin eh.
Sa sobrang pag fafangirl ko nakaramdam na din ako ng antok kaya naramdaman ko nalang ang pagbagsak ng mata ko.
JIMIN'S POV'
Ano bang pumasok sa kokote ng babaeng 'yun at nahiga sa tabi ni Taehyung? Tsk. Kung nakita niya lang kung pano sila magyakapan ni Taehyung kanina baka magwala pa 'yon.
She should thank me dahil baka tsansingan na siya ni Taehyung, tsk. Girls girls girls.
"Bakit mo naman nilayo sakin si Chachi hyung?" Tanong ni Taehyung.
Napahilamos ako sa mukha ko saka ko nilagay ang dalawang kamay ko sa batok ko.
"Girls shouldn't sleep with guys, lalo na kapag wala namang relasyon." Sabi ko sa kanya.
It's true right, you never know what will happen.
Nakita ko ang pagtawa niya saka ang pagtayo niya kaya umupo na din ako ng maayos.
"You know you sounded like a possessive jealous boyfriend. Hindi mo ba matanggap na ako ang naisipan niyang tabihan at hindi ikaw?" Kumulo naman ang dugo ko sa sinabe ni V.
What the hell is he talking about?
Me? A possessive jealous boyfriend? He must be crazy.
You all know na ako ang pinakamababa ang pasensya sa BTS, makarinig lang ako ng kung anong panlalait sakin at hindi nakakatawang salita naiinis na ako.
Obvious naman na kay V lang ako madalas mag init ng ulo, gaya nyan. Pinapainit na naman niya ang ulo ko.
"Cat got your tongue now eh?" Pagbibiro niya pa.
"Shut up Taehyung, you know who I like and love so stop talking non sense. If you like Chachi go ahead, no one is stopping you." Such a hypocrite.
"Mabuti naman kung nagkakaliwanagan tayo, I like Chachi. So if you don't like her, stop pestering and shouting at her. Wag mo na siyang papakialaman simula ngayon." Umirap siya saka umakyat sa taas.
Napasabunot ako sa buhok ko sa sobrang gigil. Ano bang nasa kokote niya at sinasabe niya sakin ang mga bagay na 'yun? If he likes Chachi that much then go! Walang pumipigil sa kanya.
Baka mamaya kasi dumating ang Lolo ni Chachi at makita silang ganun sa posisyon. Mahirap na at bago lang si Chachi, madalas na ang scandal ngayon at baka masama pa si Taehyung.
Tsk. Mahirap ba intindihin 'yon?
Naiinis na ako dahil kaninang magkatext kami ni Minah, she was so upset dahil sa nalaman niyang pag partner ko kay Chachi sa WGM.
I don't have any choice. Now I have to make it out to her, ayokong pinapalampas ang araw na magkagalit kami.
Paalis na sana ako ng bahay ng makarinig ako ng sunod sunod na yabag kaya napalingon ako sa likod ko at nakita ko si Chachi na nagmamadaling lumapit sakin.
"San ka pupunta?" Tanong niya.
Napakunot noo ako sa kanya saka ko siya tinaasan ng isang kilay.
"You're acting like my mother. I said mind your own business right?"
"Well the way you act a while ago para dalhin ako sa kwarto mo, isn't it na pinapakialaman mo din ang business ko?" Now that's...
Fine! That's it I'm outta here.
"Hey hey. Look I'm sorry, I just want to know kung saan ka pupunta." Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa wrist ko saka ko siya sinamaan ng tingin.
"Go to Taehyung, he needs you more than I do."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Shut up! Go away." Tinulak ko siya kaya nakita ko ang pagbagsak niya sa sahig at ang pagyuko niya kaya hindi ko nalang pinansin.
Nakaramdam ako ng konting konsensya pero kailangan kong gawin para makaalis na ako. I'm sure Taehyung will comfort her.
I don't need her distraction.