Chapter 6

2311 Words
Bumaba na ako sa SUV para pumasok na. Hanggang ngayon ay bumabangabag pa rin sa akin na nagkita kami ni Cassius sa bar kagabi. Alam ko na may ideya siya na may nangyari sa amin ni Julius. I am holding my vintage Burberry handbag while heading to my classroom. May mga bumati sa akin na lalaki pero dinaanan ko lang silang lahat. Hindi na nga ako naka attend sa first class kasi late na ako nagising dahil may hangover pa ako. Ayaw ko na magmadali kasi late na rin naman ako. Hindi ako dumaan sa harapan ng disciplinary office para hindi ako mabigyan ng late slip. Mabuti na lang nang makarating ako sa classroom ay wala pa ang prof namin. Mabilis ako umupo sa upuan ko. Mukhang nabigla si Camilla sa pagdating ko. “I bet you were drunk again last night,” she concluded. I smirked. “You are right. Ano nangyari kanina? Late na kasi ako nagising kanina.” “Nag discussed lang si Sir kaya pwede ko pa kopya sa’yo notes ko. Kasi may long quiz daw tayo sa kaniya by Thursday.” “Thank you.” Mabuti na lang may kaibigan ako na masipag mag-aral. “Si Euros ba kasama mo ulit mamaya sa lunch break?” “Oo, kasi nag text sa akin si Euros na sabay ulit kami mag lunch mamaya.” Nakuha niya pa ngumiti habang bumubungisngis tila kilig na kilig sa pag-aya ni Euros sa kaniya. Napairap ako sa hangin. Sa totoo lang kahit ganito lagi iyong reaction ko ay kung saan naman masaya si Camilla ay doon din ako. I also want her to experience some romantic things. After a couple of minutes, my professor arrived with a book on his underarms. Mabilis ko nilabas iyong binder ko para makinig ulit. Kaya ko naman kasi mag-aral talaga at kung masipag lang ako mag-aral baka kasama pa ako sa with honors. Mayamaya’y lunch break na kasi nag bell na iyong school namin. Mabilis ako tumayo para pumunta na sa locker ko kasi ayaw ko mabigat iyong bitbit kong bag. Magkasama kami palagi ni Camilla na binabalik iyong mga books sa locker. Bigla na lang sumulpot si Euros ulit sa gilid. “Oh! Nandiyan ka na pala, Euros…” Camilla said, softly. Sinarado na ni Camilla iyong locker niya. “Sasabay ka ba sa amin kumain ng lunch?” “No,” I replied. Tiningnan ko pa sila. “Baka kumain ako ng lunch sa kabilang building.” Camilla smiled. “Sige, kita na lang tayo sa next period. Good bye!” Tinanguan ko lang sila at tumalikod na rin ako. Si Camilla iyong tipo na babasagin na salamin kung kumilos at magsalita. She is really soft spoken. Sobrang hinhin at pino ng kilos niya. Kaya naging magkaibigan kami kasi mag kaiba talaga kami ng ugali. Napansin ko na kakalabas ni Arciely sa restroom. Mabilis siya naglalakad patungo sa kabilang building kung saan iyong building nila Cassius. I gritted my teeth while watching Arciely heading to Cassius. May bigla bumangga sa braso ko kaya nagsalubong iyong kilay ko. Napangisi si Danalee nang makita niya na sobrang irita ako. Tinagilid ko iyong ulo ko habang pinagk-krus iyong kamay sa dibdib. “Oops! May nakaharang kasi na hitad sa daanan ko e!” Danalee scoffed. “Are you f*****g stupid? Nasa gilid ako ng hallway at ang laki ng daan!” I hissed. Lumapit pa ako ng bahagya sa kaniya. “Gusto mo ba talaga mapahiya sa harap ng tao, Danalee?” Danalee glared at me. “Bakit naman ako mapapahiya kung ikaw iyong kabit?” “Mang-aagaw ng boyfriend! Malandi!” Kriselda spat. Nakuha tuloy namin iyong atensyon ng mga tao. Pinalilibutan kami ng mga estudyante hudyat gusto makiususyo sa nangyayari sa amin tatlo. Lagi na lang sinisira iyong araw ko dahil sa dalawang palaka na ito. Lagi na lang ako sinisisi kesyo inagaw ko raw boyfriend nila kahit ang boyfriend naman nila ang lumalandi sa akin! “Inamin ni Oliver na may nangyari sa inyo habang kami pa!” Dinuduro-duro ako ni Danalee. Sa sobrang liit niya ay nakuha ko pang yumuko para tingnan siya. “I don’t get it why men are fond of you! You’re a w***e!” “f**k yo—” She cut me off when she spilled her drinks on me. Everyone gasped when the orange juice was spilled on my uniform. Kinuyom ko iyong kamao ko nang marinig ko na tinawanan ako nila Danalee at Kriselda. “You deserve it, b***h!” Kriselda laughed. Nag-init na sobra iyong ulo ko kaya kinuha ko iyong hot coffee sa tabi ko para ibuhos sa kaniya. Ang lakas ng tili ni Danalee nang itapon ko iyong mainit na kape sa uniform niya rin. Bigla siya dinalo ng kapatid niya na si Kriselda kasi umiiyak na si Danalee. Sobrang lakas ng iyak ni Danalee parang siya pa ang agrabyado. “What is this commotion all about?!” Biglang humawi ang daan dahil lumapit sa amin si Mr. Alvarez. Bumuga ako ng hangin kasi mukha na naman akong masama rito. Tiningnan ako ng masama ni Mr. Alvarez at dinapuan niya ng tingin din ang magkapatid na Sales. “Bring her to the clinic! I will call your parents!” Mr. Alvarez snapped. Sinunod naman siya ni Kriselda kaya nasa akin ngayon ang atensyon ni Mr. Alvarez. “Let’s go to the disciplinary office, Sophia.” Wala ako nagawa kundi tumango na lang. Kinuha ko iyong bag ko at sumunod kay Mr. Alvarez. Nakakainis talaga iyong magkapatid na iyon! Dahil ka sa katangahan ni Danalee ay mapahahamak pa ako sa kaniya imbes na nilalandi ko ngayon si Cassius! Mas lalong papangit si Danalee sa paningin ko! Ineexpect ko na rin na tatawagin na ni Mr. Alvarez si Mama. Aminado naman ako na binuhos ko kay Danalee iyong mainit na kape. Pero wala naman akong pakielam kung mapaso siya kasi deserve niya iyon. Dapat pala sa mukha para magparetoke na siya kasi ang pangit niya talaga! “I want you to tell me what happened. In full details. Malalaman ko naman kung nagsinungaling ka o hindi,” Mr. Alvarez began. Umupo na siya sa kaniyang swivel chair. Kaya umupo na rin ako sa upuan sa harapan niya. “Sana wala ka kasalanan dito kasi baka ma suspend ka sa ginawa mo, Miss Penaflor.” I huffed. “Sir… wala naman po ako ginagawang masama. Yes, tinapunan ko siya ng mainit na kape sa uniform niya dahil siya nauna sa akin. She was accusing me that I stole her boyfriend.” “Who is her boyfriend?” “Oliverus Santos, Sir.” “Pinag-aagawan niyo si Santos?” Umangat iyong kilay niya sa akin. Gusto ko mandiri sa sinabi ni Sir pero hindi ko iyon pinakita. “Why is she accusing you? Is it true?” I shook my head. “No, Sir. Si Oliver po ang nakikipag flirt sa akin kaya nagagalit sa akin si Danalee. I mean, lahat ng lalaki lumalandi sa akin kaya nakikipag-away sa akin mga girlfriends nila.” Tahimik na nakikinig sa akin si Mr. Alvarez habang tumatango. Hindi ko malaman kung naniniwala ba siya sa akin o hindi. Mahalaga sinasabi ko talaga iyong totoo at iyong side. Kaya naiinis ako na sobrang lakas ng iyak ni Danalee kanina. Akala mo hindi siya iyong nauna mang-away. “I need to call your mother about this situation,” Mr. Alvarez said. He clasped together while looking at me. “Kailangan niyo magharap kanina with their parents. Wala ako kinakampihan sa inyo, I only want the truth.” “I am telling the truth,” I replied. Kumunot noo ko sa kaniya. “I know I am at fault also because I spilled the hot coffee on her.” “Are you willing to apologize to Danalee?” Gusto ko masuka sa sinabi ni Mr. Alvarez. Never pa ako nag sorry sa isang tao unless kasalanan ko naman talaga. Pero hindi ako hihingi ng sorry sa hindi ko naman kasalanan. Nanahimik na lang ako at iniwas iyong tingin ko. Baka kasi ano pa masabi ko kaya malala pa mangyari sa akin. Mayamaya’y nakarating na si Mama habang suot ang Marc Jacobs na dress. Umupo naman si Mama sa tabi ko na walang sinasabi. Kanina pa ako nanahimik at dumating na rin ang magkapatid na pangit. Nasa likuran niya iyong Mama niya na masama agad ang tingin sa akin. Mr. Alvarez cleared his throat. “Since we are all complete. I wanna hear Danalee’s side because I heard Sophia's side a while ago.” “Excuse me, Sir, are you sure that kid is telling the truth? My daughter told me that she has been bullying these two,” si Mrs. Sales habang nakahalukipkip. “Look at her… hindi siya mukhang guilty sa ginawa niya sa anak ko.” Mama raised her eyebrow. “Who are you to judge my daughter?” Mabilis tinaas ni Mr. Alvarez iyong kamay niya. Nagkakainitan naman ngayon si Mama at Mama ng mga palaka. Nakangisi si Kriselda habang nakatingin sa akin. Kung pwede ko lang siya sabunutan ay nagawa ko na e. Nakakaumay iyong mukha ng tatlo sa harapan ko. “We are all gathered here to fix this mess. I wanna hear their side first before I decide who will be punished,” Mr. Alvarez started. Sumandal na siya sa kaniyang swivel chair. “You can speak now Danalee.” “Palagi po ako binubully ni Sophia tapos inaagaw niya po sa akin si Oliver…” si Danalee na nakuha pa humikbi kaya inalu siya ng Mama niya. “Kung alam niyo lang po… in our campus she is the biggest bully and one of the heartbreakers.” “Sophia did mention about Mr. Santos. But she told me that she wasn’t flirting with Oliver.” “She is flirting with my boyfriend, Sir!” Tinuro niya pa ako habang ang sama ng tingin niya sa akin. “Hindi lang po ako ang inaagaw niya ng boyfriend kundi ang iba rin.” “First of all, I am not flirting with your boyfriend. The hell I care about Oliver? Siya ang nangungulit sa akin kaya huwag mo ako sinisisi. Bakit hindi ka magalit sa boyfriend mo at pagsabihan siya na tigilan akong kulitin diba?” I hissed. Umirap ako sa kanilang dalawa. “I don’t need to take someone’s boy because too many men are lining up to be my boyfriend.” “Pero nilalandi mo rin pabalik!” “Naririnig mo ba sinasabi ng bata na iyan? Ganiyan ka ba pinalaki?” ani Mrs. Sales. Nakita ko pa na sinulyapan niya pa si Mama na nanahimik kasi nakikinig. “Talagang proud ka pa na sinasabi na maraming lalaki nagkakandarapa sa’yo?” “Excuse me, lady. It’s not her fault if my daughter is more beautiful than your…” Mama paused. Sinipat niya ng tingin iyong dalawang palaka. “Uh… your daughter is average looking. I wouldn’t blame any men who are fond of my daughter. Kung walang nagkakandarapa sa mga anak mo, it’s not my daughter’s fault.” “Sino ka para insultuhin mga anak ko?!” Mrs. Sales barked. “Calm down, people! Please!” Mr. Alvarez pleaded. “All I wanna hear is the student’s side first! Please!” I smirked inwardly. Hindi nila kilala si Mama. Buong buhay ko ay palagi ako pinagtatanggol ni Mama kasi ayaw niya na may nang-aapi sa akin. Kaya nga natutunan ko maging matapang kasi siya ang role model ko. “I just confronted Sophia about having an affair with my boyfriend. Tapos tinapunan niya po ako ng mainit na kape!” si Danalee na hindi pa rin tumitigil sa kahibangan niya. Mr. Alvarez heaved a sigh. “Okay… before I say my opinion. I wanna show you the CCTV first if you are telling the truth. This happened during lunch break in the hallway near the canteen.” Namilog naman ang mata ni Danalee habang si Kriselda ay namutla. Hindi siguro nila naisip na may CCTV na pwede gawing proof sa nangyari kanina. Kaya nga kampante ako kasi nagsasabi naman ako ng totoo kung sino iyong nagsasabi ng totoo. Nakita ko na nakataas nuo lang na tumitingin si Mama sa screen ng PC kasi pinaharap iyon sa amin. Nakita nga na binangga ako ni Danalee kahit ang laki laki ng daan. Mukhang napahiya ang Mama nila kaya napayuko na lang dalawa. Umirap ako sa hangin habang nakahalukipkip. Hanggang sa pinakita na nauna nagbuhos ng orange juice sa akin si Danalee at nagtawanan silang dalawa. Biglang umiyak si Danalee. “No, Sir! Last time po kasi pinagsasalitaan niya ako ng kung anu-ano kaya gumanti lang po ako!” “Now… who’s telling the truth now?” Mama sneered. Bandang huli ay one week suspension sina Danalee at Kriselda. Nagawa pa nila humagulgol sa disciplinary office. Nakangisi lang ako habang lumalabas sa office habang si Mama ay sinuot niya na iyong shades na binili sa Gucci. “Are you not mad, Mama?” I asked. Bigla siya huminto kaya lumingon pa siya sa akin ng bahagya. Naiinis ako kahit amoy orange juice na ako ay gusto ko lang malaman ang opinyon niya sa nangyari kahit pinagtatanggol niya ako kanina. “Why are you asking me that?” she responded. I pouted. “I just wanna know if you got mad when my dean called you.” “Are you kidding me?” Humalakhak siya habang nakapamewang sa harapan ko. My mother really aged like a fine wine. “I raised you by myself so I know your attitude. I didn’t raise a bad daughter… you know.” Ngumiti lang siya sa akin at naglakad na palabas sa campus. Hindi ko napigilan hindi mapangiti habang naglalakad patungo sa shower room. Her words warm my heart. I really love my mother.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD