Chapter 2

2264 Words
My fingers were drumming against the table in the canteen while waiting for Louie. I was impatiently checking the time through my phone. Ang tagal naman masyado ni Louie ngayon. I want to tell him that we are done. Para maging priority ko na mahulog sa akin si Cassius. Gusto ko na rin na tantanan ako nila Kriselda at Danalee. Ang papangit kasi nila para guluhin ang araw ko sa campus. Tsaka ginagawa ko rin ang bet ko dahil sa pride. Alam kong kaya kong mapaamo si Cassius. I know his weaknesses. “Sorry na late ako,” si Louie na bagong dating lang. Nakangiti siya sa akin at yumuko siya para hagkan ang noo ko. “Did you miss me? I know you did.” I cleared my throat. “Let’s talk, Louie.” “We are already talking, babe. What are you talking about?” “I mean… we are going to talk about us.” “Hmm. Papayagan mo na ba ako manligaw sa’yo?” May dumaan na ngisi sa kaniyang labi. Bumuntong-hininga na ako at tumayo na. Gusto ko na talagang tapusin ito. Wala ako nararamdaman kay Louie para magtagal pa ito. I am getting bored of our playful relationships. “We are done, Louie. Goodbye,” I said. Tinagilid ko ‘yung ulo ko para panoorin ang ekspresyon niya. “I am getting bored. I don’t want this anymore.” “A-Are you serious?” he responded. “Goddamn it. Mahal kita, Sophia. Bakit mo ako iiwan? Please huwag.” I shook my head. “I’m sorry. I’m done with you, Louie.” Mabilis ko siya iniwan sa canteen. I left him dumbfounded and heartbroken. I do understand that students in WHU called me a heartbreaker. I am not up for committing to a serious relationship, I am only available for games. Nakahinga rin ako ng maluwag at napansin ko na nandito si Cassius sa building namin. What is he doing in the building of BA in Communications? Nagtago lang ako sa likod ng pader habang sinisilip ko siya. Hinahanap niya ba ako? Nahuhulog na ba siya sa akin? I am not even starting if he starts falling in love with me that fast! I blinked when I saw a woman approach her with a smile. I am trying to eavesdrop but they were chattering in an inaudible sound. Pero hindi rin nagtagal ay umalis na si Cassius pabalik sa building niya. Tsk. Sino ba ‘to? Hindi na naman maganda. Nagtungo na ako sa classroom ko at nakita ko roon si Camilla na nagbabasa na naman sa kaniyang boring na libro. Umupo ako sa tabi niya habang nakahalukipkip. “Where is Luis?” she asked. Her eyes are still on the pages. “Let me guess… did you dump Luis?” “It’s Louie!” I replied, annoyed. “Do you know a woman next to our room? She’s morena and long hair.” Camilla gazed at me. “She must be Arciely. Why?” Bakit nga ba? Hindi agad ako nakasagot sa tanong ni Camilla. Parang nanuyo ang lalamunan ko pero iniwas ko ‘yung tingin ko. Si Camilla rin minsan chismosa. Hinuhuli niya ang mata ko pero tinulak ko palayo ang mukha niya sa akin. “Nothing, she’s very ugly,” I commented. She chortled. “Maganda kaya siya. Alam kong may namamagitan sa kanila ni Cassius. Hindi ako sure ha.” “Bakit?” “Anong bakit?” “Bakit siya nagd-date ng pangit? He should date me instead.” Now I got her full attention. Sinarado niya ang libro na binabasa niya at hinarap niya ang upuan. Ngayon kinabahan ako. Baka kasi mali ang isipin ni Camilla sa sinabi ko. Gusto ko lang naman malaman bakit pangit ang gusto niya?” She squinted her eyes. “Umamin ka nga. May gusto ka ba kay Cassius? Or… gusto mo naman siya paglaruan?” “I don’t like him, Camilla,” I hissed. Inirapan ko siya. Syempre ginagawa ko ito dahil may bet kami. “That man will surely be trapped in my games. I can assure you that.” “Sophia,” she called. “Let me tell you frankly that Cassius hates women. Alam kong hindi ka tatalab doon.” “If he hates women, why is he talking to Arciely?” Camilla shrugged her shoulders. “Maybe she is exceptional.” Exceptional my ass. The bell rang like I anticipated. Inayos niya na ang upuan niya at nilabas niya na ang kaniyang binder. Nakapatong lang ang panga ko sa kamay ko habang pinapanood ko ang prof kong naghahanda ng projector. Studying is very boring. Why am I even here? After four hours, it is finally break time. Tumayo na ako at sabay kaming lumabas ni Camilla. Pero pansin ko parang may hinahanap siya. Napatikwas ang kilay ko nang mapansin siya. Hanggang sa biglang lumitaw si Euros. Hmm. Mukhang in love ito ah? “Hi, Euros,” she greeted. “Uhm. Gusto mo ba sumama sa amin ni Sophia?” Euros smiled. “Why not. I miss eating with you, preciosa.” I snorted. “Sorry, lovebirds. May gagawin lang ako. Enjoy your date.” “Sophia!” Camilla called. Mabilis na ako tumalikod sa kanila. Mabuti na ring nasa iba ang atensyon ni Camilla para hindi siya maasar sa akin na sinusundan ko ngayon si Cassius. At ayaw ko na inaa-assume niya na may gusto ako kay Cassius. Ako magkakagusto kay Cassius? Not gonna happen. Pero mas lalo ako nainis na makasalubong ko na naman ang mga pangit. Mga nakangisi silang apat. Sila Alyssa, Xien, Kriselda at Danalee. Grabe ang pangit ng araw ko na naman. Pinagkrus ko ang kamay sa dibdib ko. “What do you want?” I asked, boredly. Xien chuckled. “I’ve heard that you had a bet with these two that you will tame Cassius. Ano? How’s the update?” “Well, I’m gonna start now. Kaya umalis kayo sa harapan ko.” “Eh baka hindi mo lang kaya? Are you scared, b***h?” si Alyssa na tinataasan pa ako ng kilay. “Ang sabihin mo, hindi mo kaya landiin si Cassius!” I rolled my eyes. “First of all, inaasikaso ko rin ang pag-aaral ko hindi tulad sa inyo na wala ng pangarap. Bago mo ako taasan ng kilay, dapat pantay muna kilay mo, Alyssa.” “How dare you!” Alyssa snapped. Akmang lalapitan ako ni Alyssa nang pigilan siya ng tatlo. Lumaki ang ngisi ko dahil namumula sa galit o sa kahihiyan. Dumaan ako sa gilid nila kaya tinulak ko palayo sina Xien Yen at Kriselda. Ang laking harang sa danaan ko. Humalakhak ako na marinig ko na nagsisigaw sa inis si Alyssa. Gano’n lang talaga usually na nangyayari sa amin. Lalapitan ako ng apat kasi akala nila hindi ko sila kayang harapin. Pero kapag nasa harapan ko sila ay napapahiya naman. Tsk. Do not mess with this b***h! Okay? I went to the other building to check the soccer field if he is there practicing. Hindi nga ako nagkamali na may nagp-practice sila. I did a little bit of research… they are the Blue Archer. Mga walang pang-itaas ang mga player. Naningkit ang mata ko na makita ko si Arciely na pumapalakpak sa bleachers. Ano ba ginagawa nito? Kaya hindi ako tumuloy kundi nanood lang ako sa malayo. “Water break!” the coach declared. “You only got twenty minutes to rest!” Pumito na ang coach kaya pumunta na sa gilid ang mga players. Swabe na naglalakad si Cassius sa bleachers habang sinusuklay niya ang buhok niya. Napalunok ako na bumaba ang tingin ko sa kaniyang katawan. It is glistening in weats. Halos magtubig ang lalamunan ko. Cassius is very sexy and dreamy. I have to entice this sexy beast in front of me. They said that Cassius cannot be tamed. Babaguhin ko ‘yun para mabaliw ang mga estudyante sa WHU. Napakurap ako na mapansin kong tumayo si Arciely para punasan ang pawis si Cassius. Si Cassius naman ay hinahayaan lang siya punasan habang umiinom ng gatorade. Parang nag-uusok ang ilong ko. Paano ko gagawin ang bet kung may epal na Arciely. I have to give Cassius some eyeglasses. Ang pangit ni Arciely. That woman is smiling like an idiot in front of him. Hindi ako naniniwala na may namamagitan sa kanila. I mean… mukha siyang katulong. Biglang may sumulpot na kulot na lalaki sa harapan ko. Napangisi siya nang makita ako. I composed my poise and I waved my hand at him. He is a soccer player… siguro kailangan ko manggamit ng isa sa kanila para mapalapit ako kay Cassius! “Hello there,” the man greeted playfully. “What are you doing here? You look so beautiful. You should be sitting on the bleachers.” I smirked. “I know. Ang ganda ko para manood lang dito. What’s your name?” “I’m Tomi. Nice to meet you. How about you?” “No other than Sophia Penaflor.” His lips widened. “Oh, you are the famous Sophia…” “The one and only.” “Hmm. Why don’t you sit on the bleachers. Let’s talk and get to know each other.” Tumango ako. “That’s good.” Kinawit ko ang kamay ko sa braso ni Tomi. Pero mas gugustuhin ko ikawit ang kamay ko sa braso ni Cassius. Nakatayo lang siya habang ang kamay niya ay nasa bewang. Nakikita kong may sinasabi sa kaniya si Arciely sa harapan nito. “Umalis ka lang at pagbalik mo may dala kang chicks?” Nakuha ni Tomi ang atensyon lahat ng player. Kaya kumunot ang noo ni Cassius nang dumapo ang tingin niya sa akin. I smiled sweetly like him to tease him. Kahit si Arciely ay nakatingin sa akin at sobrang kuryuso ng mata niya. “Grabe talaga ‘tong si Tomi. Ang sabi magpahinga hindi kumuha ng chicks!” Sinapak siya ni Tomi. “Gago! Syempre matinik ako. Siya nga pala si Sophia.” Mga iba sa kanila nagulat at namangha na makita ako. Ngumiti ako at nakipag kamayan ako sa mga soccer player maliban kay Cassius na walang ekspresyon na nakatingin sa akin. “Hello, Sophia. Palagi kita nakikita kasama si Camilla,” the man said. Nakakunot ang noo ko habang tinitingnan siya. “Sorry. Ako nga pala si Eros. Pleasure to meet you.” “Paano mo nakilala si Camilla?” I responded. He chuckled. “It is a long story.” Itong si Camilla wala man lang sinabi na may close pala siya sa mga soccer players! Mamaya ‘to sa akin. Kaya pala kilala niya si Cassius at wala man lang kinukwento sa akin. Habang ako masyadong detailed kung ano nangyayari sa amin ng fling ko! “Uhm… hello. You are from the same department, right?” Arciely asked. Ngumiti siya sa akin at halata sa kilos niya ang pino. “I’m sorry. You are very popular on this campus.” I grinned. “Of course. Dapat ma-acknowledge ang ganda ko. Ano nga pala ginagawa mo rito?” “Nanonood sa practice nila Cassius. Ikaw?” “Wala. Nag-iikot lang at nakita ko may nagp-practice kaya napadpad ako rito.” “Mag-ingat ka kay Tomi kasi babaero raw ‘yan.” Napangisi ako. “Girl, siya dapat ang mag-ingat sa akin dahil mas magaling ako maglaro.” Tumikhim si Cassius na biglang sumulpot sa harapan ko. Tinagilid ko ang ulo ko habang ngumingisi. Ang gwapo nga ni Cassius sa malapitan pero suplado lang. Hindi niya ako tinitingnan ngunit na kay Arciely ang tingin niya. “Balik ulit ako sa laro. Okay ka lang ba diyan?” si Cassius na halatang nag-aalala kay Arciely. “Do you want water?” Umiling si Arciely. “No need. Maglaro ka na. Nandito lang ako para panoorin ka.” Cassius sighed. “Alright. Keep an eye on me, okay?” Bumungisngis si Arciely habang tinatakpan pa ang bibig. Naiinis ako ha. Bakit dito pa sila naglalandian sa harapan ko? Itong Arciely naman ay masyadong mahinhin kaya naiinis ako. Kaya si Camilla ay pinipingot ko ang tagiliran kapag umaatake ang pagiging pabebe niya. “Ano meron sa inyong dalawa?” I probed. Mukhang nagulat siya sa pabiglang tanong ko. Kahit ako nagulat sa sarili ko bakit ko ba tinanong ‘yun sa kaniya. Parang nahihiya pa siyang sabihin sa akin habang tiningnan niya si Cassius na nagsisimula na maglaro. “Uhm… may something lang,” she answered. Napayuko siya habang pinaglalaruan ang daliri namin. “Bakit mo nga pala natanong?” I shrugged my shoulders. “Nothing. Napansin ko lang kayong dalawa.” “Why? Bagay ba kaming dalawa?” Ang kapal din pala ng mukha nito. Bagay siyang sampalin para magising siya sa katotohanan. Nanatili ang tingin niya sa akin habang hinihintay ako sumagot. “No comment,” I sneered. Namula siya na parang nahihiya sa akin. Tumikhim na lang siya at napagdesisyon na manood na lang. Anong akala niya sa akin ha? Na sasabihin ko na bagay sila? Eh papabaliwin ko nga ‘yan sa akin para tantanan ako ng mga pangit e. Napangisi ako na mahalata ang pananahimik niya tila’y napahiya sa kaniyang sinabi. Hindi naman halata na patay na patay siya kay Cassius para magtanong siya no’n. I was humming playfully while watching Cassius playing a soccer game. Before I entice the beast… I have to dispose of this b***h before my plan gets ruined. I need to know what their relationships are. Hindi ako naniniwala na may something. Feeling kasi e.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD