Nakasandal ako sa gate C kung saan ang building ng department ni Cassius. At nakita ko siya na naglalakad habang may bitbit siyang duffel bag. Mabilis na ako naglakad papunta sa kaniya at tumabi ako sa kaniya. Kahit nakakahiya ay pinakita ko sa kaniya na confident ako.
His forehead crinkled upon gazing at me. I smiled at him sweetly while walking on his side. Halata na sa kaniyang mukha ang inis sa ginagawa ko.
“Umuwi na si Tomi,” he said, icily.
“Ikaw ang gusto ko kasama hindi si Tomi,” I replied. Napadpad ang mata ko sa panga niya na umiigting. “Are you going home?”
He scoffed. “Obviously.”
“Sungit mo talaga.”
“I know.”
Sinamaan ko siya ng tingin pero inalis ko agad ‘yun sa sistema ko. Dapat malandi ko siya para mahulog siya sa akin. Parang wala lang naman sa kaniya na sabay kami naglalakad hanggang sa nakarating kami sa sasakyan niya.
“Stop following me,” he grumbled. Nilabas niya ang susi ng sasakyan niya na Jeep Dragon. “It annoys me that you keep popping out of nowhere.”
I smirked. “I already told you that I want to be your girlfriend.”
“I don’t commit to a serious relationship. Sorry to disappoint you.”
“Papayag ka rin…”
He eyed me. “How sure are you?”
“One hundred percent sure, Cassius.”
“Now you know my name, huh?”
“You’re popular on this campus. Why do you look so surprised?”
I arched my eyebrow at him. He looks so pissed at me. Napailing siya at binuksan niya na ang pintuan sa driver seat. Kumilos ako papunta sa kaniya at hinawakan ko ang braso niya para pigilan ko siya.
“Cassius,” I called. “I… I want you so bad.”
He stilled. “And the feeling's not mutual.”
Inalis niya ang kamay ko at pumasok na siya ng tuluyan sa kaniyang sasakyan. Hindi maipinta ang mukha ko nang bumisina siya na parang nang-aasar sa akin at pinaharurot niya na ito palayo.
Ano ba ‘tong lalaki na ito? Bakit ang hirap hirap landiin?
No man can resist me! But he is different. Pero ipagpapatuloy ko lang ang gagawin ko para mahulog siya sa akin. Isasampal ko sa mga pangit na sa ganda ko mahuhulog sa akin si Cassius. Naglakad na ako papunta sa main gate dahil doon ako hinihintay ng driver ko.
Kaya pag-uwi ay wala ako sa mood at nagi-iscroll lang ako sa i********:. Bakit naman kasi iba ang ugali niya kapag kausap niya si Arciely? Kaya hindi ako papayag na mangyari ‘yun. I am the only one who can tame that cold beast.
Mayamaya’y nakarating na ako sa subdivision namin at bumaba na ako sa SUV. Nakarinig ako na may nagm-meow sa paligid. Tumingin-tingin ako sa gilid hanggang sa lumabas ang isang kuting na maliit.
Naglakad ako papunta sa kuting at nagsquat ako para mahawakan ko siya. Yes, the cat is very dirty but he or she is freezing. Kinuha ko siya gamit ang isang kamay at patuloy pa rin siya sa pagm-meow sa akin.
She is a ginger cat and she has hazel eyes. Pumasok na ako habang dala dala ang pusa na nasa kamay ko. I may look like a heartless woman but I have a heart for animals. Kaya nakuha niya agad ang atensyon ko.
Napakadelikado na pakalat-kalat si mingming sa labas baka magasagasaan o mapagtripan. Nakita ko na nagdidisenyo lang si Mama ng gown at hindi ata ako napapansin. Lakad takbo ako paakyat sa kwarto ko.
Kailangan ko siya mabalot sa tuwalya kasi nanginginig siya. Tsaka ang cute niya habang nakatingin sa akin. Bumungisngis ako habang binabalot siya ng tuwalya.
“You are so adorable,” I commented. “Should I adopt you?”
She kept meowing at me. Nilagay ko siya sa higaan ko at hinihimas ko ang ulo niya. Napapakit siya tila nagugustuhan ang ginagawa ko.
“Hmm I will call you butter. Okay lang ba ‘yun?”
Nag meow lang siya. Mahina naman ako natawa at patuloy lang siya hinihimas. Nawala ang pagiging badtrip ko dahil kay Butter. Dahil ginger cat siya at payat, naisip kong Butter na lang. Wala pa naman ako pagkain ng pusa pero may mga canned tuna ako sa kusina.
“Are you hungry? Sabay tayo kumain ng dinner gusto mo?”
Butter wiggles her tails while meowing. Binuhat ko siya na walang tuwalya kasi hindi na siya nanginginig. Malamig kasi sa labas kaya siguro nanginginig siya. Nang bumaba ako ay naghahanda na ang mga kasambahay para sa dinner namin ni Mama.
Mama’s eyes widened. “Bakit may dala kang pusa, Sophia?”
“I saw her outside of our house. Nakakaawa siya kaya kinuha ko na.”
“Wala bang nanay ‘yan na maghahanap sa kaniya?”
Napaisip din ako. Paano kung hinahanap siya ng Nanay ni Butter? Pero parang hindi ko siya kayang iwan ulit sa labas. Mas mapapabuti siya sa akin kapag inadopt ko na. Naghanap ako ng tuna sa kusina at binuksan ko.
Nagsquat ako para ilapag si Butter at pinaamoy ko sa kaniya ‘yung tuna. Hinahabol niya naman ang tuna kaya nilapag ko na sa harapan niya. Si Mama ay pinapanood lang ako.
“She is mine now, Mama,” I said. Nakangiti ako habang pinagmamasdan si Butter na kumakain. “Butter will be my new friend aside from Camilla.”
“Alright. That cat is your responsibility,” Mama replied.
I nodded my head. “Of course, Mama.”
“Kumain na tayo. Hayaan mo na ‘yang kumain diyan.”
I patted her head first before I headed towards the dining table. Naghila ako ng upuan at nakita ko ron ang pinakbet at caldereta. Mahilig akong kumain ng gulay kaya kumuha ako ng pinakbet at pinapapak ko lang. I don’t like to eat rice.
I was munching the squash when I heard my phone beeped. Nakita ko na nagtext sa akin si Camilla at binasa ko.
From: Camilla
Euros saw you walking with Cassius a while ago. Magkwento ka bukas, ha!
To: Camilla
And they know you. I hate you, b***h.
From: Camilla
Let me explain, Sophia.
To: Camilla
Explain mo mukha mo. Dapat tinutulungan mo ako kay Cassius ngayon!
Sa tuwing naalala ko na may nakakakilala sa kaniya sa soccer team ay kumukulo ang dugo ko. Dahil ako ang bestfriend niya dapat tinutulungan niya ako kay Cassius. Hindi na siya nagreply kasi siguro kausap niya na ngayon si Euros.
Napansin ko si Butter na tapos nang kumain at nakatingin siya sa akin. Nagm-meow siya para bang tinatawag niya ako. Mabilis ako uminom ng tubig at tumayo na sa upuan.
“How’s school, Sophia?” Mama inquired.
I shrugged my shoulder. “School is fine, Mama.”
“Pagbutihin mo ang pag-aaral, Sophia. Pwedeng enjoyin mo ‘yang pagiging dalaga mo pero may limitasyon pa rin tayo.”
“Alam ko po, Mama.”
She glanced at Butter. “Baka naman makagat ka niyan o kalmutin. You should buy her a cage.”
“She is not a dog, Mama.”
Hinimas ko na ang ulo niya at umakyat na kami ni Butter papunta sa kwarto. Alam kong ayaw ni Mama sa mga hayop pero wala na siya magagawa dahil kukupkopin ko na si Butter. Nang makarating kami sa kwarto ko ay nilapag ko siya sa kama. Nakatingin lang siya sa akin.
“From now on, this is your place. Subukan ko bumili bukas ng mga kailangan mo, okay?”
She meowed at me and laid down on my bed while her little paws were tucked in. Napangiti ako at hinimas ko ulit ang ulo niya. Grabe ang lambing na pusa. Sana may time ako bukas para mag pa-groom ko si Butter.
Bago ako humiga ay nagpalit na ako ng damit na pang nightgown. Tapos ginawa ko na ang night routine ko lagi kapag naka upo ako sa vanity chair. Now I am seeing my bare face. Alagang-alaga ko pa naman mukha ko kasi ito ang asset ko.
I shot a glance at Butter who was sleeping peacefully in my bed. Unti-unti sumilay ang ngiti sa labi ko at napagdesisyon ko humiga na sa kama. Kinuha ko ang phone ko at maaga pa naman bago matulog.
I checked my i********: and I was bombarded with messages in my dm’s. Men are in my message requests. Nakita ko rin doon ang pangalan ni Tomi. Tapos si Louie ay minemessage ako na balik na ako. Bigla ako napairap na nagm-message sa akin ang mga dating fling ko.
@oliverus_: Hi. I miss you.
Sineen ko muna. Ang dami niya palang message sa akin. Mga cold pa ang reply ko sa kaniya tapos magagalit sa akin si Danalee na ako ang lumalandi sa boyfriend niya. Shucks. Lagi na lang ako ang inaaway kahit ang boyfriend naman nila lumalapit sa akin.
@oliverus_: Aww seen ako. What are you doing?
Nagsimula na ako magtype habang nakasimangot. Pagu-untugin ko silang dalawa ni Danalee kasi ginugulo nila ang buhay ko.
@sophiasoyummy: It is none of your business.
@oliverus_: Why? It is my business to talk to a woman like you.
@sophiasoyummy: Why don’t you flirt with your girlfriend instead?
Nagseen lang muna siya. Hanggang sa nakita ko na typing. Napangisi ako. Habol na habol sa akin kasi hindi niya ako maloloko sa mga patibong niya e.
@oliverus_: I don’t have a girlfriend anymore. But do you want to? Haha.
@sophiasoyummy: Ha-ha very funny.
After that hindi na ako nagreply. Masyado siyang boring kausap akala naman ni Danalee kahabol habol si Oliver e. Biglang nagpop up sa utak ko si Cassius. Kaya mabilis ko sinearch ang pangalan niya. A satisfying smile appeared on my profile when I found his i********: account.
5 posts, 3,569 followers, 20 following.
Not bad, huh?
Nagfollow ako sa kaniya. Pinanood ko ang IG story niyang pinicture ang soccer field habang may emoji na soccer ball. I scroll down to see his pictures. Hindi siya masyadong nagp-post ng pictures.
I clicked his recent photos he uploaded. He was on a beach while his hair was swaying in the air. He is wearing a white loose polo button-down. Sobrang seryoso ang mukha niya pero mas gumwapo siya. Napansin ko puro babae ang mga nagco-comment sa mga pictures niya.
But my smirk melted when I saw Arciely’s comment. At siya lang hineart ni Cassius sa comment section! Bigla na naman ako nainis.
@arcielyb_: Handsome as always.
My fingers clicked her name. Napangisi ako na mas marami ang followers ko kaysa sa kaniya. Puro minimalist ang mga posts niya. Kadalasan doon mga libro rin ang nasa picture. Kaya pala nagagandahan sa kaniya si Camilla kasi parehas lang pala sila.
Masasakal ko na itong si Camilla bukas sa school e.
Nakita ko na hineart ni Cassius ang recent photos niya rin. Kaya napasimangot ako at binalik ko sa account na lang ni Cassius. Ngayon nagtitipa na ako sa phone ko para i-message siya. Hindi pa naman siya natutulog e.
@sophiasoyummy: Hello. Did you miss me?
@sophiasoyummy: I want to talk to you. Gising ka pa ba?
@sophiasoyummy: May practice ba kayo ulit? Puntahan kita ha. ;)
I waited for five minutes but he didn’t reply at all. Tsaka tinitingnan ko rin kung nagfollow back na siya sa akin pero wala pa rin. Huminga ako ng malalim dahil kinakalma ko lang ang sarili ko.
Ang hirap ngang landiin ni Cassius. Pinatay ko na lang ang phone ko at napagdesisyon na matulog sa kama katabi ni Butter na sobrang cute. Buti na lang mabilis ako nakatulog.
Nagising ako sa alarm clock ko at halos hindi ako makapaniwala na hindi na muli ako binangugot. I realized that Butter was beside me in my waist. Nakasiksik siya sa gilid ko at para bang safe na safe siya sa akin. I started to graze her fur while smiling.
I don't have nightmares now. Araw-araw akong binabangungot pero nang katabi ko na si Butter ay nawala. Hindi naman ata nagkataon ito diba?
Totoo ngang ang pusa ay nag-aalis ng bad vibes sa bahay. Nakangiti lang ako habang naghahanda na pumasok. Nang makabihis na ako at nakapagmake up na rin ay napatingin ako kay Butter na nakaupo sa vanity table ko.
“Papasok na ako. Ayos lang ba sa’yo na nandito ka?”
Butter blinked at me and she meowed. Parang hindi ko kaya na iwan siya mag-isa. Baka magulat na lang ako inalis na siya ni Mama. My mother hates dogs and cats.
I clicked my tongue. “Gusto mo ba sumama sa akin? Inumin mo muna ang gatas mo.”
Lumapit lang siya sa akin at kinakaskas niya ang katawan sa kamay ko. Bumungisngis ako at nilapag ko na ang inutos ko sa kasambahay na warm milk.
Hindi ko talaga kaya iwan si Butter sa bahay kaya pinasok ko yung sweater ko para doon ko ihiga si Butter. Hindi ko sinarado ng buo ang bagpack ko kaya naglagay ako ng uwang para nakakahinga naman siya kahit papano.
Lumabas na ako at hindi ko na nakita si Mama sa baba. Siguro kasi nagpunta na siya sa trabaho niya. Pinagbuksan ako ng driver ko ng pintuan at sumakay na ako sa SUV. Muli kong binuksan ang bag ko para mahawakan si Butter.
“Ayos ka lang ba diyan? Papakilala kita kay Camilla kahit ang sarap niyang sakalin.”
She was meowing while I was petting her. She is continuing to rub her cheeks on my hand. Kaya may mga balahibo na ang kamay ko. Pero ayos lang naman kasi si Butter naman ‘yan e.
Muli ko sinarado ang bag ko at bumaba na. Naglalakad ako papasok at nakita ko si Camilla na nakaupo sa isang table. Naningkit ang mata ko dahil nahuhulaan ko na dahil kay Euros ay maaga siyang pumapasok.
“Good morning,” Camilla greeted.
I rolled my eyes. “Aga mo na naman, ha. Umamin ka nga sa akin. Ano meron sa inyo ni Euros?”
“U-Uh… friends lang naman kami.”
“Payag ka friends lang kayo tapos gusto mo siya?”
Hinampas niya ang braso ko. “Nakakainis ka!”
Bigla siya natigilan nang may marinig siya na nagm-meow sa bag ko. Ngumiti ako at nilapag ko yung bag ko sa table para mapakita sa kaniya si Butter. Her eyes grew bigger when Butter popped out from my bag.
“Bakit ka nagdala ng pusa rito?! Ano mangyayari mamaya?” aniya para bang gugunaw na ang mundo dahil nagdala ako ng pusa sa school. Pero hinihimas niya rin ang mukha ni Butter. “So you adopted a cat, huh?”
“Of course, b***h. I still have a heart.”
She shrugged her shoulders. “If you say so…”
Biglang nagbeeped ang phone ko at tinakpan ko ang bibig ko sa gulat. Gusto kong magtalon sa tuwa.
@apollo followed you back.