Chapter 4

2345 Words
Nakapamewang ang prof ko sa History sa harapan ko. Nakaupo lang si Butter sa desk habang tinitingnan siya. Hinahawakan ko naman baka tumakbo pa. Ngumiti ako kay Sir parang Cheshire cat para hindi niya kunin si Butter sa akin. “Why did you bring a cat to my class, Sophia?” the prof asked. “Wala siyang kasama sa bahay, Sir. Kawawa naman kung iwan ko mag-isa, diba?,” I replied. Nagpout ako sa kaniya para ma-guilty. “And Butter doesn’t want me to go. That is why I brought her with me.” Napasapo ni Sir ‘yung noo niya. “Alright. Let’s proceed to our discussion.” “Thank you, Sir!” “You must listen to my class, Miss Penaflor.” “Palagi naman ako nakikinig sa subject niyo Sir.” He arched his eyebrow. “Ridiculous.” Tinalikuran niya na ako at humiga naman si Butter sa lamesa namin ni Camilla. Tumitingin sa akin mga blockmates ko at alam kong natutuwa sila kay Butter dahil ang cute niya ba naman. Hinihimas ko lang ang ulo ni Butter habang nakahiga siya. “I already uploaded the books I want you to read in the g drive. I will give you thirty minutes to read the short story and you will write an essay,” Mr. Mendoza explained. “I need five hundred concise summarizations of a book. And Miss Penaflor should write one thousand words for it. She said she is listening to my discussion.” Lumingon lahat sa akin mga blockmates ko. Ngumiti sa akin si Mr. Mendoza na parang nang-aasar. Halos hindi na maipinta ang mukha ko. Tinatamad nga ako magsulat e. Ang gumawa pa ang one thousand words? Nakakainis na ah. Kumuha na ako ng yellow pad paper at kinuha ko phone ko para basahin ang book na nasa G drive. Nanakit na ang ulo ko sa kakabasa ng storya na hindi ko maintindihan. Si Camilla ay nagsisimula na siya magsulat ng essay niya. Ang nasusulat ko pa lang ay tatlong sentences pa lang. Lumapit sa akin si Mr. Mendoza at tinitingnan niya ang papel ko. Gusto ko siya irapan pero baka bigyan ako ng red warning. Malapit na ako ma suspend kapag hindi ako nag-ayos. Huminga ako ng malalim at sinusubukan kong tapusin na ang essay kasi isang oras na lang natitira sa subject niya. Kahit nanakit ulo ko ay minadali ko na ang paggawa ng essay. Sakto nagbell na hudyat break time na. Nakasimangot ako habang pinapasa ang dalawang papel kay Mr. Mendoza. Tapos buhat ko lang si Butter at sabay kami nagtutungo papunta sa canteen. “Lagi na lang ako pinag-iinitan ni Mr. Mendoza,” I retorted. Humalakhak si Camilla. “Lagi mo kasi tinutulugan ang subject niya e. Bumabawi lang siguro sa’yo kasi alam niyang last warning ka na lang.” “Kaya naiinis ako sa kaniya e. Panot naman.” “Grabe ka, Sophia! Makarinig sa’yo diyan na ibang prof!” “Eh totoo naman. Kaya napapanot e.” Pinipigilan lang ni Camilla na hindi matawa habang naglalakad kami papunta sa canteen. Ako na ang naghanap ng table para sa amin dalawa. Kailangan ko maiwan kasi walang kasama si Butter at mahihirapan ako magdala ng pagkain ko. Pinapanood kong si Butter na naglalakad sa table namin ni Camilla. Nakangiti ako habang nilalaro rin siya. Grabe ang cute ng pusa na ito. Marunong siya sumagot sa akin kapag kakausapin ko. Kahit meow lang. “Gugutom ka ba? Gusto mo ulit tuna?” She meowed at me while she was sitting on the chair. Nakatingin lang ang hazel eyes niya. Lumalaki rin ang pupil ng mata niya habang nakatitig siya sa akin. “Hintayin lang natin si Camilla, okay? Para kumain ka na.” May dala ng pagkain si Camilla sa amin dalawa. Siguro naman may nabibili rito ng tuna para kay Butter. Hindi siya pwede magutom kasi payat pa ang pusa ko. Habang bumibili ako sa canteen ng isang delata na tuna ay nakita kong tumabi sa akin si Oliver. “Hello, Sophia,” he greeted. I rolled my eyes. “Hindi ako si Danalee.” “Alam ko,” he chuckled. Humarap siya sa akin habang nakangisi. “Malayong malayo ka kay Danalee. You are different.” “Get out of my way, Oliver. May papakainin akong pusa.” “Sabay tayo maglunch, Sophia.” I sharpened my gaze at him. Akala niya natutuwa ako sa presensiya niya e. Tinalikuran ko lang siya at nakita ko ang table ng apat na mga pangit. Namimilog ang mata ni Danalee habang sinusundan kami ng tingin. Dito ako napapahamak e. “Hindi ka na nagrereply sa mga messages ko. Alam kong wala na kayo ni Louie.” I huffed. “Pwede mo ba akong tantanan? I’m not in a mood.” “Why? May magagalit ba?” Tumingin pa siya sa paligid kung may umaaligid sa akin. Ningisihan niya ako nang mapansin na nakasimangot ako. “Alam mo bang ang ganda mo pa rin kahit nakasimangot?” “Letse. Umalis ka rito. Kasama ko si Camilla.” Umupo na ako sa tapat ni Camilla kasi nagsisimula na siya kumain habang pinapanood si Butter. Halata ang gulat sa mga mukha ni Camilla nang mapansin kaming dalawa ni Oliver na parang nagbabangayan. Sino ba hindi maiinis sa tulad niya? Oliver smirked. “Hello, Camilla. Do you mind I joi—” “No,” I interjected. “I am not in a mood, Oliver.” “You are so grumpy, Sophia. Are you on your period?” “Ewan ko sa’yo!” “Do you want chocolat—” I cut him off. “No. I just want you to get out of my sight.” “Alright. See you tomorrow.” Umalis din siya sa harapan ko. Nakahinga naman ako ng maluwag at payapa akong nakaupo sa table namin. Nakangisi si Camilla habang kumakain siya ng carbonara sa harapan ko. “Anong tinatawa-tawa mo?” I barked. Tinataasan ko siya ng kilay habang pinapakain ko si Butter ng Tuna. “Oliverus is getting into my skin. Kaya he is not funny.” She chortled. “That’s new. Minsan ine-entertain mo pa ang iba. Bakit kaya?” “Anong bakit? Hindi ko gusto si Oliver.” “Baka kasi iba ang gusto mo.” Tinuro ko sa kaniya ‘yung tinidor kasi nakakainis ‘yung ngiti ni Camilla para bang nang iinis sa akin. “At sino naman ‘yun, Camilla Avionna Portugal?” She shrugged her shoulders. “Maybe Cassius…” “Come on,” I scoffed. “Kailan pa ako nagkagusto sa isang lalaki? I only want boys to warm my bed.” Hindi siya na siya nagsalita muli pero nakangiti pa rin habang kumakain ng pagkain niya. Inirapan ko siya at nagsimula na rin akong kainin ang lunch ko with iced coffee. Habang kumakain kami ni Camilla ay napukaw ng paningin ko si Cassius. Nahirapan ako lunukin ang kinakain ko. Hindi pa rin ako maka get over na nagfollowed back siya sa akin. Si Camilla naman sinundan niya ang tingin ko kaya biglang kumunot noo niya. “Anong ginagawa rito ni Eros?” she mumbled. I rolled my eyes. “He knows you, bitch.” “Shocks paparating na siya sa table natin!” Nagulat ako na nasa harapan ko na ang dalawa. Napalunok ako na magsalubong ang tingin namin ni Cassius. Iniwas ko ‘yung tingin ko at sumimsim ng iced coffee. “Hi, ladies,” Eros greeted. Camilla rolled his eyes. “Anong ginagawa mo rito?” “Masama bang makita ka?” “Ayaw kita makita e.” Umakto si Eros na nasasaktan sa harapan habang katabi niya ang tahimik na Cassius. He is wearing his usual expression. “Ako kasi gusto ka makita e.” Hinampas niya ang braso ni Eros. “Layuan mo ako! Maraming babae rito kaya sila ang landiin mo.” “Ikaw lang gusto kong landiin, Camilla.” Napairap ako sa hangin at umiinom lang ako ng iced coffee. Pansin ko hindi ako matingnan ni Cassius. Kaya ngayon pinagkrus ko ‘yung braso sa dibdib habang tinitingnan siya. “You followed back,” I stated. He clenched his jaw. “I accidentally clicked it.” “Walamg masamang umamin, Cassius. If you like me, tell me.” “You are not my type. Don’t think full of yourself.” Suplado niya akong dinapuan ng tingin. Kung si Camilla ay naiinis, mukhang si Cassius naman ang wala rin sa mood. Ngumisi ako. So my presence affects him that much, huh. “Cassius!” Arciely called. Nilingon siya ni Cassius at wala pang isang segundo ay nilapitan niya na si Arciely. Sinaksak ko ‘yung kinakain ng tinidor habang tinitingnan silang dalawa. Nakapamulsa lang si Cassius habang masaya siyang kinakausap ni Arciely. “Sophia, right?” si Eros na ngayon na nasa harapan ko. “Are you hitting on my friend?” I licked my upper lips. “Yes, I want him. Can you help me?” “Basta tulungan mo rin ako sa kaibigan mong maganda.” “You know I can hear you both!” si Camilla na sobrang sama nang tingin kay Eros. “Kaibigan kita Sophia. I expect you not to help him! He is a playboy!” “Was,” Eros corrected. Muling bumalik si Cassius sa table namin at may binulong siya sa tenga ni Eros. Kaya nagpaalam na sila sa amin. Pero syempre hindi ako nilingon man lang ni Cassius. Si Butter ay ubos niya na kainin ang tuna kaya bumalik sa bag ko para humiga. Bumuntong hininga si Camilla. “Curious na talaga ako sa pakay mo kay Cassius. Do you even like him or do you just want him for a game?” “No clue,” I chuckled. “Ang damot mo. Friend mo naman ako, ah!” “Sige nga, ano meron sa inyo ni Eros?” “Wala! Nilalandi niya lang ako!” “Tapos wala kang nabanggit sa akin? Kung sabunutan kitang mahadera ka!” Bumalik ulit kami sa klase at hindi na muli ako nagcutting kasi gusto ko maging good girl sa paningin ni Arciely. Balita ko pasok sa dean lister si Arciely. Edi hihigitan ko siya para sa akin ang atensyon ni Cassius. Sinusubukan kong makinig ng mabuti kasi nilagay ba naman ako front seat. Halatang may galit sa akin ang mga prof sa West High University. Mukhang nagulat pa ang prof na nags-scribble ako ng notes. Kaya perfect ang quiz ko. Taray diba? Napapansin ko na parang pampaswerte ko si Butter. Naging maayos naman ang araw ko ngayon. May mga ibang prof na sila mismo humawak kay Butter para focus ako. Hawak-hawak ko ang tatlong makakapal kong libro kasi may mga seatworks kami na gagawin at kailangan ipasa bukas. Biglang tumalon si Butter sa bag ko at tumakbo. “Butter!” I called. Sinundan ko lang si Butter hanggang sa napadpad siya sa isang lalaki. Yumuko ito at binuhat si Butter. Napalunok ako na marealize ko na si Cassius pala ‘yun! To my shock, he was petting Butter beside his Jeep Dragon. His jaw is very well-defined, and his pitch black messy hair compliments his profile. He was wearing a chain bracelet as he touched Butter. And Butter was loving him already! I crossed my arm. “My kitten already found his father.” Umangat ang tingin sa akin ni Cassius. Hindi mo aakalain na ang lalaki na tulad niya mahilig din pala sa pusa. Kitang-kita ko sa mukha niya na natutuwa siyang himasin si Butter. Sana ‘yung pusa ko rin soon. Joke. “This is yours?” he asked, in a deep voice. “Of course, I am her Mommy and you are now her Daddy. Panagutan mo ako,” I responded. He leered at me. “Hilarious, woman.” “Why? You are already fond of my cat.” His stern eyes examined my whole body until he went back to my face. Napailing na lang siya sa akin at parang ayaw pa umalis ni Butter sa kaniya. “Which cat are you referring?” “Do you want to se—” “I am not talking about your p***y. I thought you had other cats aside from this one.” Bumuka ang bibig ko pero walang lumabas na salita sa bibig ko. Tila nasa dulo ng dila ko ang sasabihin dahil sa pagkapahiya. Inirapan ko siya at iniwas ko ang tingin. Paano ba naman tiningnan ako mula ulo hanggang paa tapos hindi pa ‘yun tinatanong niya! Lumapit siya sa akin habang nasa kamay niya si Butter. Ang laki ng kamay ni Cassius at kumportable lang na nandoon si Butter. Nagmeow siya bigla at kinakaskas niya ang pisnge sa kamay nito. “What’s her name?” Hinihimas niya ang ulo ni Butter. Pinapanood ko lang siya kung paano niya hawakan si Butter. Ngayon binalik niya ang tingin sa akin. “Do you hear me?” I blinked. “Oh, sorry. Her name is Butter.” Hindi niya na ako dinapuan ng tingin at tinatawag niya ang pusa ko sa pangalan niya. And Butter was responding to him as well. They are having a conversation in front of me. Ngayon nakapamewang na ako. “Ako ba hindi mo lalambingin?” Tinaasan niya ako ng kilay. “You’re not Butter. Sorry.” “But I am Butter’s Mommy.” “Then nice to meet you Mommy,” he said, in a velvet tone. “I have to go home.” Binigay niya na sa akin si Butter. Si Butter naman hinahabol niya pa ang kamay ni Cassius. Ayaw pa humiwalay kay Cassius. Malandi rin tong pusa na ito e. Nasa kamay ko na si Butter habang pumapasok si Cassius sa kaniyang sasakyan. He rolled down his window. Prente niya sinandal doon ang siko niya habang nakatingin sa akin. Naiintindihan ko na kung bakit may gusto sa kaniya si Arciely. Paano ba naman kasi ang hot talaga ni Cassius. He was still looking at me. “Goodnight, kitten…” he drawled.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD