Ayon sa aking Tito Dionie, ang Santelmo raw ay isang bolang apoy (fireball) na magpapakita sa'yo para ika'y akitin. At bakit ka nito aakitin? Upang kunin ang iyong buhay at masama ka sa mundo ng mga engkanto. Ang kwento ni Tito Dionie, naglalakad daw siya sa gubat nang may makita siyang lumulutang na bolang apoy. Alam na raw niya agad na ito'y isang Santelmo ngunit sinundan pa rin niya ito. Tila naakit daw siya sa apoy. Sinundan niya raw ang Santelmo hanggang sa lumubog ito sa ilog. Sinundan niya raw ito at lumusong siya sa ilog. Palalim na raw nang palalim ang nararating ng Santelmo sa ilog at palalim na rin nang palalim ang nalalangoy ng aking Tito. Sa puntong ito, natauhan na raw siya't saka umahon. Nakaligtas siya sa pang-aakit ng Santelmo.
Naikwento ko 'to sa isang kaibigan at laking gulat ko na sa probinsya nila'y may mga ganito ring kwento. Sadyang napakalawak ng tradisyong Pilipino pagdating sa mga ganitong kwento.
Naniniwala din ba kayo sa santelmo? Kung ako ang magbibigay ng opinyon, naniniwala ako dahil maraming beses na din naranasan yan ng isa sa mga kaibigan ko. Ikwekwento ko yan sa susunod na mga kabanata.
Thank you sa lahat. Happy Reading.