Sabi nila 3:00am ay ang devil's hour dahil lahat ng masasamang elemento ay naglalabasan hindi mga holdaper o kung ano pa kundi mga kaluluwang ligaw at kung minsan sila'y sinasabing mapaglaro. Medyo naniwala na ako dahil naholdap ako ng 3am at ganung oras din si mama nadeclare na wala na. Hindi ko alam kung nagkakataon lang yong mga yon. Pero merong pangyayaring nagpatunay na 3am ay devil's hour. At mangyayari pa mismo sa gusali kung saan ako nagtatrabaho.+
Uwian na alas tres ng madaling araw, lahat excited sa pag uwi dahil napaaga ang uwian. Merong nag-unahan sa pagsakay ng elevator sa takot na maiwan mag-isa. May ilan namang tinatamad gumamit ng hagdan, aminado akong minsan ganun ako. At ang ilan takot makulong sa elevator kaya nagtatiyagang maghagdan. Kalat na sa buong building ang kwento tungkol sa elevator na kusang bumubukas kahit walang tao at kusang bumababa ng ground floor kahit wlang nakasakay, pero hindi ako naniniwala. At ang ilang kwento minsan tumitigil daw ito sa 2nd floor. Ang 2nd floor ang pinaka-kinatatakutan sa buong gusali dahil may ilang empleyadong nakakakita ng itim na babae o kaya ay malaking tao o kaya ay batang naglalaro. Bawal ang bata sa gusaling yon kaya imposibleng may batang nakapasok. At isa pa mahigpit din ang seguridad.
Pinindot ko ang arrow na pababa sa elevator para sumakay dahil kampante akong may kasabay. Ilang sandali akong naghintay bago bumaba ang elevator, gagamit na sana ako ng hagdan ng nakita kong pababa na ito. Ang buong akala ko ay titigil ito sa 3rd floor kung nasaan ako sa halip tumigil ito sa 2nd floor. Napagdesisyunan kong gumamit na lang ng hagdan, kahit madilim hindi ako natakot. Nakita kong nakatigil parin ang elevator sa 2nd floor at maraming nakikiusyoso dahil nga merong nakakulong sa loob nito. Tinawagan ng isa sa mga katrabaho ko si Mercy (di tunay na pangalan) kung okay lang sila. Ang sabi niya hindi na sila makahinga sa loob at ang iba ay nagiiyakan na. Tumagal ng halos isang oras na nakulong si Mercy kasama ng ilan pa bago nabuksan ang elevator.
Pagkatapos ng halos isang oras na rescue, nagkwento si Mercy sa nangyari bago sila nakulong.
"Sumakay kaming lahat galing 5th floor, matagal bago bumaba ang elevator. Nung bumaba na ang elevator tumigil ito sa 2nd floor at kusang bumukas at pagkasara bigla nalang tumunog ang elevator hudyat na puno na at kailangan may lumabas. Pero sa takot namin lahat wala ni isang lumabas o nagpaubaya."
Hindi ako makatulog ng mga oras na yon pag uwi ko sa bahay, iniisip ko kung nagkataon na naman ba iyon o totoong merong multo.
END
sana nagustuhan nyo ang story ko. totoong experience po yan.. walang dagdag at bawas..
maraming salamat sa mga nagbasa...