Pagkadating ko nang bahay ay may message si Joey. "Bahay na ako, ikaw nakarating na ba sa Inyo?" mensahe nito. "Oo karatating lang namin ni Manong Rey,. Mabuti naman at nasa inyo ka na rin." sagot ko naman sa kanya. "Magpahinga ka na Feliz," sabi pa niya sa akin. "Okay, thank you. Ikaw din magpahinga na. Salamat pala kanina. Sige bye." sagot ko sa kanya at hindi ko na hinintay ang sagot niya. Itinago ko na sa may ilalaim ng unan ko ang phone at isinilent ko pa. Hindi rin ako nag-message kay Sir Jay, baka tulog na ito ay maka - istorbo pa ako. Bukas na lang ako magapapasalamat dahil pinayagan niya ako at nakauwi naman ako ng safe. Masaya ako sa naging usapan namin ni Joey. Hindi ko alam kung paano yung liligawan niya ako at mananatili kaming magkaibigan. Marami kasi sa nakikita

