Hindi ko na hinahanap si Sir Jay, mukhang ayaw naman niyang magpakita sa akin. Ilang buwan na lang at matatapos na kami sa grade 12. Busy din kami sa paghahanap nang mapapasukan naming paaralan para sa kolehiyo. At ngayon nga ay magkakasama kaming apat para mag-exam sa isang state university. Lulan kami ng kotse ni Joey. Dati si Albert ang nasa unahan pero ng maging sila ni Elsie ay ako na ang pinapa-upo nito sa unahan para magkatabi silang magkasintahan. "Sana makapasa tayong apat para sama-sama pa rin tayo hanggang College." wika ni Elsie habang nilalaro ang kamay ni Albert. Napalingon ako dito ng bigla siyang magsalita at iyon agad ang napansin ko. Sweet ang dalawa at minsan ay panay ang PDA. Sinasabihan ko naman si Elsie at nakikinig pero kapag kami lang ay hinahayaan na namin.

