“Totoo ba Feliz, may boyfriend ka na?” paulit ulit sa aking isipan. Nakahiga na ako sa aking higaan ay hindi pa rin nagbabago ang aking nararamdaman. May boyfriend na ako! Kami na ni Joey! Pabaling-baling ako sa aking higaan at hindi ako makatulog. Gumagabi na, mabuti bukas ay araw ng Linggo at walang pasok. “Hindi ko pala siya makikita bukas,” may panghihinayang sa aking isipan. Kinuha ko ang telepono ko at sinilip ito. Ang daming messages. May galing kay Elsie at puro kay Joey. “Bestie, nauna na kami ni Albert sa inyo. May dinaanan pa kasi kami. Saka pagkakataon na rin namin mag-date na dalawa. Ingat kayo sa pag-uwi.” Mensahe ni Elsie. Hindi ko na rereplayan dahil dis oras na ng gabi. Baka nagpapahinga na ito sa mga oras na ito. “Hi love! Bahay na ako, love. Salamat love ang saya ko,

