Lumipas ang mga araw at sa paglipas nito ay mas lalong napalapit na si Feliz kanila Joey. Madalas na silang apat ang magkakasama. Araw ngayon ng exam, at maaga ang uwi ng mga estudyante. Break time pa lang ay nagsabi na si Joey kanila Feliz. "Maaga naman ang uwi natin mamaya, baka pwede tayong lumabas. Let's give ourselves a break." wika nito sa aming tatlo. Nagtinginan naman kami at tumango sa akin si Elsie. Hindi ako pwedeng basta sumagot dahil may amo ako at lahat ng gagawin ko ay dapat kong ipag paalam sa kanya. "Magpa paalam lang muna ako kay Sir Jay, baka mapagalitan niya ako. Mamaya pa naman tayo lalakad si ba? Hintayin ko lang sagot niya. Saka saan ba tayo pupunta? " hiningi ko na lahat ng detalye para naman hindi na paisa isa ang text ko kay Sir. " Uwian aalis na tayo d

