ANG BILIS NG ARAW at Lunes na. Maaga akong gumising dahil may flag ceremony kami ngayon. Tulad pa rin ng dati laging may text si Sir Jay at laging nag pa pa alala. Nadagdagan ang nagtetext sa akin, walang iba kundi ang kaibigan kong si Elsie. Speaking of Elsie , malapit na pala ang birthday niya. Dalawang linggo mula ngayon. Hindi ko alam kung totoo ang sinasabi nito na kapag 18 na siya ay pwede na siyang magpaligaw. Halata naman na gusto din niya si Albert. Hinihintay lang niya talaga ang tamang panahon at iyon ay ang pagsapit niya ng 18. Bibilhan ko siya ng regalo, pag nag kataon ay ito pa lang ang unang tao na mabibigyan ko ng gift. Ibabawas ko na lang sa savings ko sa bangko ang ipambibili ko ng regalo dito, Hindi ko kasi alam kung kailan ako papasahurin ni Sir Jay. Nahihiya din ak

