BUMALIK NA KAMI SA CLASSROOM ng matapos ang aming break time. Nagsabi pa si Albert na sasabay sila sa amin kumain mamayang lunch. Pumayag naman si Elsie at wala rin namang kaso sa akin dahil hindi naman ako ang may-ari ng school para ipagbawal ang pagsabay nila sa amin. Mayroon naman din talagang makikitabi dahil hindi namin pwedeng ipagdamot ang upuan sa iba kaya naman pumayag rin ako. Wala naman sinasabi na sa akin si Joey. “Kung ngayon siya magsabi sa iyo na ihahatid ka bestie, papayag ka naba?” akalo ko ang konsensya ko ang nagsalita, ang akin palang kaibigan. “Saka baka naman matunaw na yung tao, grabe naman ang titig mo.” Dagdag pa nito habang naka upo kami sa aming upuan at hinihintay ang susunod naming guro. “Sobra ka naman sa akin. Pinapangunahan mo naman iyong tao. Saka hind

