"Good morning Feliz! Isuot mo ang bagong uniform mo pagpasok. Kumain ka at si Mang Rey ang maghahatid sa iyo sa school mo. Siya din ang susundo sa iyo pag-uwi mo." ito ang mensahe na gumising sa akin ngayon. Galing kay Sir Jay. Ito na rin tawag ko dahil ito naman ang tawag sa kanya ng mga tao dito. Hindi naman ako namahay. Agad akong nakatulog paglapat pa lang ng katawan ko sa malambot na kama. "Good morning din po Sir Jay. Salamat po." reply ko dito. Tumunog ang phone ko, " Na kay Manang Rosa ang allowance mo. Kumain ka sa canteen ninyo ng gusto mong kainin. Huwag kang magpapagutom. Mag-aral kang mabuti. " may allowance pa ako? Sobra sobra na ang binibigay niya sa akin. Nahihiya na ako sa kanya. " Maraming salamat po talaga. Sana po ay makilala ko na kayo para makapag pasalamat po

