ANG ALAM KO AY KATULONG ang pinasukan ko dito sa malaking bahay, iyon ang sinabi sa akin ni Sir. Pero parang hindi dahil wala akong uniform at mga bagong damit pa ang meron ako. Pati uniform para sa school ko ay may bagong bili para sa akin, may kasama pang bagong medyas at sapatos. Ang swerte ko talaga. Ang sabi ni Sir kukuhain niya ako para sa kanya magtrabaho pero sabi naman ng mga katulong ay iba naman ang utos sa kanila. Yung kwarto nga lang na pinagamit sa akin ay parang pang gusest room eh. Dahil sila sa baba lang ang mga kwarto. Sumunod na lang daw ako para hindi magalit si Sir. Tinanong ko kung masungit ito? Hindi naman nila alam dahil hindi naman daw ito dito nakatira. Ano itong bahay na ito kung hindi siya dito nakatira? Mabuti pa sila madaming bahay samantalang ako kapag mala

