MASAYA AKONG UMUWI ng aking bahay. Ngayon ako susunduin ng driver ng misteryosong lalaki. Nagpalit lang ako ng damit. Simpleng pantalon at t-shirt lang. Ito lang naman mga damit ko nabibili ko lang sa ukay ukay dahil wala naman akong pera. Hanggat mapagkakasya ko pa ay sinusuot ko pa. Kaya ilan lang din ang mga damit ko. Ang pamasok ko ay dalawang blouse at isang palda. Nilalabhan ko lang tuwing umuuwi ako. Ayos na ako, hindi na ako makapaghintay na dumating na ang susundo sa akin. Sabi pa kasi ng lalaki ay hintayin ko na lang dito sa bahay. Kaya sinunod ko lang din ang sinabi nito. Pwede kasing sa labas na ng eskinitang ito ko siya kitain. Pero hindi pumayag ang misteryosong lalaki kaya naman susunod na lang ako. May kumakatok sa aking pinto, pinagbuksan ko ito at isang lalaking may

