MASAYA KONG IKINUWENTO KAY Elsie ang magandang balita na aalis na ako sa lugar na kinalakihan ko. Masaya din ito para sa akin. “I’m so happy for you bestie. Sana nga ay mabait talaga ang magiging boss mo at pamilya niya.” Wika nito sa akin. “Mukha namang mabait ang misteryosong lalaki. Sana ay mabait din ang pamilya niya sa akin. Mamaya ko malalaman dahil mamaya raw ako susunduin sa lugar namin.” Masaya ko pang balita dito. “Okay iyan tapos inggitin mo ang mga kapitbahay mo na may mayaman ka ng sugar daddy. Kaya aalis ka na sa lugar ninyo,” turo pa sa akin ni Elsie. “Tama magandang idea iyan, sige gagawin ko nga iyan mamaya.” Sagot ko dito . BIglang tumahimik ang klase dahil padating na si Sir Gatchalian. May kaklase kasi kaming look out sa labas para pagpapasok na ang teacher ay tahim

