NAKAKALUNGKOT MAN NA MAG – PAALAM sa aking mga kasamahan ay natutuwa na rin sila dahil hindi ko na kailangan magpuyat sa trabaho. Isa si Tracy na masaya para sa akin. Nag ka iyakan pa kami nito. Naalala ko tuloy ng mag – apply ako dito at napag kamalan ako nito noon na gusto ding maging dancer. Mabuti na lang at hindi ako marunong sumayaw. “Dalawin mo kami dito ha,” wika ni Tracy. “OO naman basta may pagkakataon. Hindi ko pa naman totally nakikilala ang aking amo. Pero sa ngayon okay naman siya.” Sagot ko dito. “Mag-iingat ka dito.” Sabi ko pa dito. Nag paalam ako sa lahat ng nakasama ko at syempre hiling ko rin na magkaroon sila ng magandang buhay. Inihatid pa ako ni Tracy sa labas at isinakay sa tricyle. Ramdam ko na nalungkot ito ng sobra. Excited akong umuwi ng bahay para masimul

