CONFIDENT NA AKONG MAKAKASAGOT na ako bukas sa Math. Naituro na sa akin ni Joey ang tamang formula para makuha ang sagot sa problem na binigay ni Sir Gatchalian, ang subject teacher namin sa Math. Buo na rin ang aking desisyon na tanggapin na ang offer sa akin ng misteryosong lalaki. Makikilala ko na naman siguro siya kapag tinanggap ko na ang offer nito. Nagpahinga muna ako pagkadating ko ng bahay. May oras pa akong matulog para mabawi ang tulog ko kaninang umaga. Sa dami ng ganap ay mabilis akong nakatulog. “Feliz para sa iyo,” wika ng lalaking may iniaabot sa akin na bulaklak. “Salamat.Bakit anong meron?” tanong ko dito. “Nakalimutan mo na ba? Anniversary natin ngayon. First year anniversary natin simula ng ako ay sagutin mo.” Sagot nito sa akin. “Sorry Joey nakalimutan ko. Pas

