MASAYA AKO NA paunti unti ay nakakalapit na ako kay Feliz. Hindi naman sa natutuwa ako na hindi siya nakasagot kanina sa Math subject namin pero pwede ko itong magamit para makalapit sa kanya. Noong birthday ni Aaron ay nagpasabi na ang mga ito na magpapaturo sila dahil hindi nga maintindihan ni Feliz ang lesson ni Sir. Doon pa lang ay natuwa na ako dahil anumang oras ay lalapit ito sa akin para makapag paturo pero sadyang mahiyain pala ito at kailangan ako pa gumawa ng paraan para lumapit dito na tama lang din dahil ako ang may gusto na makuha ang atensyon niya. Binati na naman ako kanina nito ng pagdating niya. Kaya lang ay mukhang may iba pang iniisip. Tapos na ang panunumpa pero nakataas pa ang kanyang kamay kaya sinabi ko kay Albert at si Albert naman ang nagsabi sa best friend ni

