BREAK TIME NGAYON AT KANINA NGA ay natawag kami sa graded recitation sa Math. Mas lalo ng hindi nakasagot si Feliz at alam ko kung ano ang dahilan. Ang mga eskandalosang kapitbahay nito. Lumabas kami ng classroom na tahimik ito, marahil ay iyong sa Math pa rin ang iniisip niya dahil malaki ang magiging effect nito sa grades niya. Sa stone bench kami tumuloy nito. Medyo ina alo ko siya para naman sumigla ito. Apektado kasi ako kapag malungkot siya. Ako lang ang kaibigan niya at ramdam ko ito kapag may malalim na problema. “Bestie may nagyari ba kanina?” tanong ko dito. Kami lang naman ang naka upo pa. “Naku Elsie, gusto ko ng umalis sa lugar na iyon. Kanina may sumugod na naman sa akin sa bahay. Ito ang gumising sa akin. Nagwawala dahil naubos daw pera ng asawa niya. Ano bang kinalaman k

