7 Kabanata

2014 Words
AKO SI ELSIE ang nag – iisang best friend ni Feliz. Nakilala ko siya dito sa paaralan noong grade 11 namin. Matanda ito sa akin ng dalawang taon kaya ate ko na siya. Bestie ang tawag ko sa kanya at minsan ay tinatawag namin silang Nanay si Feliz at Tatay naman si Joey. Mas matanda sa aming lahat si Joey. Madali kong naka gaanan ng loob si Feliz. Naalala ko pa noong bagong pasok ito ay hindi ito kumikibo. Maganda siya, at siya ang nakita ko sa paaralan na may pinaka magandang mukha. Sady ana ngang mailap sa tao pero magaling sa klase. Break time iyon ng sumubok akong lapitan siya. May baon akong sandwich na cheeze whiz lang ang palaman. Pero iyon ay para talaga sa kanya, sa aming dalawa. Nahihiya pa itong tanggapin ang ibinibigay ko sa kanya pero mapilit ako. “Kainin mo na iyan,” pilit ko dito. “Kumain na ako ng biscuit, sa lunch ko na lang ito kakainin.” Sagot nito sa akin. “Yan lang ang kakainin mo ng lunch? Mabubusog ka ba niyan? Kainin mo na, ililibre na lang kita ng kanin mamaya sa canteen. May pera naman ako dito binigyan ako ng Ninang ko kahapon ng mapunta sa bahay namin.” Wika ko sa kanya para kainin na niya ang tinapay. “Hindi rin ako kakain kapag hind imo kinain iyan,” kinonsensya ko na siya para naman mabusog siya. “Sige na nga, pinipilit mo ako eh. Ano pa lang pangalan mo?” tanong niya sa akin. “Pasensya ka na ha kung hindi ko alam ang mga pangalan ninyo. Mga teachers lang ang kilala ko dito.” Nahihiya pa nitong wika. “Okay lang, ako pala si Elsie. Ikaw si Feliz di ba? Tama baa ko? Kasi iyon tawag sa iyo ng mga teachers natin. Ang galing mo nga sa klase at ang ganda mo pa. May lahi ka ba?” turan ko sa kanya. “Oo ako si Feliz, masaya akong makilala ka Elsie. At salamat din sa paglapit mo sa akin para makipag kilala.” Sagot pa nito. “Ano ka ba? Kaya kita nilapitan ay para makipag kaibigan sa iyo. Masaya kaya kapag may kaibigan ka kahit isa. “ saad ko sa kanya. Wala pa naman din akong itinuturing na best friend, lahat naman ay kabatian ko pero wala akong laging kasama dito sa school. Kung sino malapitan ko sila kinakausap ko. Pero si Feliz, iba kasi siya sa lahat. Unang tingin ko pa lang mabuti na siyang tao. Pero syempre kailangan munang kilalanin namin ang isa’t isa. Pagdating nga ng lunch ay agad ko itong nilapitan sa kanyang upuan. Iniisip ko kasi ay baka ito biglang magtago at hindi na kumain. Para walang kawala ay pinuntahan ko agad ito. “Feliz, tara na sa canteen at kumain na tayo,” saad ko dito. “Elsie, hindi mo naman ako kailangang ilibre.” Sagot nito sa akin. “Ano ka ba? Kanina ko pa ito sa iyo sinabi kaya naman ay kakain tayo. Tingnan mo may pera ako.” Inilabas ko pa ang buong 500 pesos para lang maniwala ito na may pera nga ako. “Kaya tar ana, sayang ang oras natin sa pilitan. Basta ako bahala sa iyo.” Dagdag ko pang salita sa kanya. Tumayo na ito at sumama na nga sa akin. Pumunta kami sa canteen. Ibinaba muna namin ang mga gamit namin para may sure na kaming uupuan. Saka ko muli itong hinawakan sa braso para dalhin sa harapan ng mga pagppipilian naming pagkain. “Ayan mamili ka na dyan. May mga gulay, manok at baboy. May ulam pa ng pang breakfast din. Sige ituro mo at ako ang bahala.” Sabi ko pa rito. Naun ana rin akong umorder para hindi naman siya mahiya. Umorder ako ng sinigang na baboy at isang rice. Dahil mahiyain siya ay gumaya rin siya sa inorder ko. Nagpa dagdag pa ako ng pang himagas namin ng leche flan. After ng maasim, matamis naman. Sana lang ay hindi sumakit ang tyan naming dalawa. Pati pagsubo ay nahihiya pa rin siya. “Feliz, relax ka lang. Bakit naman parang hiyang hiya ka sa pagsubo. Gayahin mo lang ako, ganito relax na relax. Huwag mong isipin ang mga taong nasa paligid mo. Ienjoy mo kung anong ginagawa mo.” Saad ko dito. Napapansin ko kasi na nakayuko siya masyado habang kumakain. “Okay lang ba na magtanong ako sa iyo ng mga personal questions?” paalam ko muna dito. “Pwede mong sagutin at pwede ding hindi kung hindi okay sa iyo.” Wika ko pa sa kanya. “Okay lang naman. Sige ano bang gusto mong malaman,” sagot nito sa akin. Mukhang nagkakaroon na siya ng confidence at okay sa akin na maging komportable siya. “Saan kayo nakatira?” tanong ko sa kanya. “Saan ako nakatira? Ah dyan sa malapit na squatters area. Doon ako nakatira. Mag-isa lang akong nakatira doon sa maliit na barong barong.” Sagot nito sa akin. Hindi ako makapaniwala dahil sa hitsura nito ay hindi pang squatters area. Ngayon ko napagtanto kaya pala siya nagtitipid malamang. At sabi niya ay siya. “Mag-isa ka lang basa bahay ninyo? Kasi sabi mo ako pero ang tanong ko ay kayo.” Paglilinaw ko pa dito. Biglang lumungkot ang magaganda nitong mga mata na kulay brown din ang bilog. “Oo, mag isa lang akong nakatira sa barong barong,” sagot muli nito sa akin. Mas lalo akong naging interesado sa buhay nito. “Nasaan ang mga mga magulang mo? Okay lang kung ayaw mong sagutin.” Pabahol ko pa dito. “Wala na si Inay namatay ito 6 years ago. Biktima siya ng hit and run. Hindi na nakilala kung sino ang nakasagasa sa kanya. Bata pa ako noon at wala naman akong kilalang kamag-anak namin. Mabuti at may mababait pa kaming kapitbahay noon na tinulungan ako na maipalibing si Inay. Hindi ko rin nakilala ang aking tatay kahit sa larawan. Wala akong pagkakakilanlan sa kanya. Sabagay sabi naman ni Inay ay patay na ito nasa tiyan pa lang niya ako. Sa sobrang hirap ni picture wala sila, kaya hindi ko siya nakita. Ngayon magkasama na sila sa langit at sana ay bantayan nila ako. Ang lungkot mabuhay ng mag-isa. Kaya sinasanay ko ang sarili ko na mag-isa na lamang. Wala naman akong maaasahan kundi sarili ko. Wala naman akong kakampi kundi sarili ko.” Mahabang kwento nito na lumuluha na. Hindi ko na rin naiwasan na tumulo ang aking mga luha sa pinagdadaanan ng bagong kaibigan ko. Sa murang edad masyado akong humanga dito dahil nakayanan niya ang lahat ng mag-isa lamang siya. Samantalang ako ay buo ang pamilya pero may mga pagkakataon na nagrereklamo pa ako kapag hindi masarap ang ulam at kapag hindi nabigay sa akin ang mga gusto ko. Hindi ko alam may isang tao pal ana namumuhay mag-isa, lunalaban ng mag – isa at hinaharap ang mga araw ng mag-isa. Hindi ko na napigilan ang sarili ko niyakap ko si Feliz. Gusto kong maramadaman niya na may tao pa rin na concern sa kanya at hindi na siya mag-iisa. Dahil ipinangako ko na simula sa araw na ito ay lagi akong naririto para sa kanya. Alam ko nan ito pa lang ang simula ng kanyang kwento at madami pa akong mmalalaman sa kanya. Ang importante sa oras na ito ay may matatawag siyang kaibigan. “Tara kumain na tayo, malamig na ang sabaw,” sabi ko at sa kabila ng paghikbi ay pilit kong tumawa para tumawa din si Feliz. “Para sumaya daw ay kumain tayo ng matamis. Magugustuhan mo yang leche flan nila dito,” sabi ko pa sa kanya. “Ngayon lang ako nakakita niyan at ngayon pa lang din ako makakatikim. Nakakahiya Elsie, alam mo na ang buhay ko. Kaya ikaw mahalin mo ang magulang mo, kasi hind imo alam kung hanggang kailan sila dito sa mundo,” saad nito sa akin. “Salamat Feliz sa pagtitiwala sa akin. Lahat ng sasabihin mo lalo na ang mga dapat isikretong bagay ay safe sa akin. Madaldal lang ako pero mapagkakatiwalaan. Unang araw pa lang kitang nakilala ang dami ko ng natutunan sa iyo at sa buhay mo. Sana lagi kang maging masaya sa bawat araw,” saad ko dito. Ngayong malapit siya sa akin saka ko lang napansin ang uniform nito, oo malinis ito pero sa malapitan makikita na hindi ito plantsado. Malamang wala siyang plantsa sa bahay nila. Pagkalaba baka ipinapagpag lang niyang mabuti para hindi masyadong lukot. Isa na namang bagay na kahanga hanga. Ang importante talaga sa kanya ay makapag tapos wala siyang paki alam kung lukot man ang damit niya. Kung pwede ko lang sana siyang ipa ampon kanila Mama at Papa ay ginawa ko na. Hindi naman kami mahirap pero hindi rin kami mayaman. May mga oras na gipit din ang mga magulang ko kaya nag kaka utang sila. Maswerte ako dahil may Mama ako na nagpaplantsa ng uniform ko at naglalaba. Natapos ang aming tanaghalian na masaya na parehas. After naming umiyak, mas lalong gumanda ang mga mata ni Feliz. Kapag may pagkain sa bahay ay dinadalhan ko si Feliz, para may kakainin siya sa kanila. Nahihiya nan ga ito. Minsan nabanggit niya na may trabaho naman siya kaya lang ay sapat lang sa pang araw araw. Bago pa siya pumasok ng grade 11 ay may trabaho na siya. Iniipon niya ang mga tip at ang kita niya ay panggastos sa araw araw kasama na ang pagkain niya at pambili ng mga kailangan sa school. Nahiya pa siya ng sabihin niya sa akin na nagtatrabaho siya sa isang club. Akala ko nga kaya siya nahihiya ay dahil sa nagsasayaw siya. Hindi pala, siya ay isang taga linis at serbidora lamang doon. Nag sorry agad ako dito kasi iba ang biglang pumasok sa aking isipan. Naiintindihan naman daw niya dahil bata pa ako. Ang hindi niya maintindihan ay ang mga matatanda na wala daw pinagkatandaan. Pangit daw ang image niya sa kanila dahil nabansagan na daw siya doon na Feliz ang babaeng haliparot. Ayaw niyang pati ako ay madamay sa mga pangit na salita ng mga kapitbahay nila. Kaya hindi niya ako isinasama. Saka wala din naman daw akong gagawin doon. Kaya kapag may kailangan kaming pag-aralan ay dito na lang sa school namin ginagawa. Minsan sa library, minsan sa canteen at minsan doon sa mga stone benches dito sa school. Sa tagal na naming magkaibigan ay mas lalong tumatatag ang aming samahang dalawa. Natuto na rin si Feliz na makisalamuha sa iba. Alam na nila ang buhay ni Feliz na ulilang lubos pero hindi ang trabaho nito. Sobrang sikretong malupit talaga ito. Iniisip niya na baka ganoon din ang gawing paghusga ng mga kaklase namin tulad ng panghuhusga ng mga kapitbahay nila. Alam nilang nagtatranaho lang siya. Iyon lang at wala ng iba. Kapag may ambagan ay exempted na ito. Minsan ay humihingi ako ng pera kanila Mama para pambayad ni Feliz. Minsan ko na itong naisama sa aming bahay. Gusto siya ng parents ko kasi nag-aaral daw akong mabuti at hindi nababarkada sa mga mabisyong estudyante. Tulad ni Feliz ay bahay, eskwelahan lang ako. Kapag uwian ay sabay kami nito. Bababa lang siya sa kanto at lalakarin na nito ang papasok na eskinita. Madami itong manliligaw sa school pero lahat ay basted. Si Joey ang pinaka matindi nitong manliligaw at ito lang din sana ang bagay kay Feliz, ngunit mailap ang kaibigan ko lalo na sa mga lalaki. Focus siya sa pag-aaral. Pangarap niyang makapagtapos ng kolehiyo, makapagtrabaho ng maganda at maka ipon ng pera para maka alis sa lugar na tinitirhan niya ngayon. Sa lahat ng babae na sasabihan pa nila ng pangit na salita ay si Feliz pa talaga. Siguro kung ako nakatira doon lahat sila pinagbobomba ko na ng zonrox ang mga bunganga. Ang papangit ng lumalabas sa mga bibig nila. Hindi sila nakakatuwa. Kung pwede lang sana silang mga ipa barangay ginawa ko na. Hindi sila nakamatulong sa kaibigan ko. Dagdag stress pa sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD