Chapter 8

1990 Words
Chapter 8 MAHINA KONG sinusuklay ang buhok ni Elizabeth gamit ang mga daliri ko. Mahimbing siyang natutulog sa kama ko kaya malaya kong pinagmamasdan ang maamo niyang mukha. Magdidilim na sa labas ngunit wala akong balak gisingin si Elizabeth. Ayaw ko siyang umuwi sa bahay nila. Gusto ko kasi siyang makatabi matulog. Hindi ko alam kung anong pagpipigil ang ginawa ko kanina lalo na't magkatabi kaming nakahiga sa kama. Ayaw kong gawin ang bagay na yun dahil ni re-respeto ko si Elizabeth. Hindi ko nga lang mapigilang halikan ang labi niya. Naaadik ako sa sa halik niya, parang gusto ko siyang halikan bawat minuto. Dahan-dahan kong hinaplos ang pisngi niya ngunit agad ako napatigil ng gumalaw si Elizabeth. Nahigit ko ang hininga ko dahil ayaw ko siyang magising para dito nalang siya matulog. Pero mukhang hindi ako malakas kay Lord dahil unti-unting nagising si Elizabeth. Nagkasalubong ang tingin naming dalawa bago siya lumingon sa labas ng bintana. "Mag ga-gabi na pala.." saad niya saka umupo sa kama. I gasped and got up and sat on the bed. I wanted to tell her not to go home. Gusto kong sabihin na dito nalang muna siya. But I know her parents will be worried if she can't go home. Kaya hindi ko na susubukang sabihin pa. Mag titiis nalang muna ako hanggang sa pwede na. I smiled at her. "Ihahatid na kita sa bahay niyo." I said. She nodded and quickly stood up. "Magbibihis lang ako ng uniform ko, love. Pasensya na kung nakatulog ako." Panghihingi niya ng pasensya sa 'kin. "Masaya ako na nakatulog ka. Nakapagpahinga ka sa school at sa duty mo." I said. "Go, change your clothes. I'll wait for you in the living room." Saad ko saka ako naglakad papunta sa pinto ng kwarto saka ko 'to binuksan. Lumabas ako ng kwarto para ihanda ang dadalhin ko sa loob ng kotse. Magdadala ako ng kumot at unan para hindi ako mahirapan matulog mamaya. Kinuha ko narin ang laptop ko dahil may gagawin ako mamaya. Hindi ako pumunta ng munisipyo kaya tumawag sa 'kin ang secretary ko kanina. May ka meet up din akong business man bukas na magiging ka sosyo ni daddy sa negosyo. Madami akong gagawin bukas kaya gusto ko sanang makasama si Elizabeth ngayong gabi. Nang maiayos ko na ang dadalhin ko ay hinintay ko nalang si Elizabeth na lumabas ng kwarto. Ilang sandali lang ay lumabas siya habang nakasuot na ng uniporme niya. Bumaba ang tingin niya sa hawak ko saka siya ulit tumingin sa 'kin. "Wag mong sabihin sa 'kin na matutulog ka ulit sa kotse mo?" Tanong niya sa 'kin. "Eh 'di hindi ko sasabihin." Sagot ko saka ako lumapit sa kanya at mabilis na hinalikan siya sa labi. I couldn't help not to smile because she always suprised when I stole a kiss from her. Inilayo ko ang mukha ko saka ko hinawakan ang kamay niya. "Let's go, love." Saad ko saka ko siya hinila ng mahina. Nagpatianod naman siya sa 'kin kaya pinagsiklop ko ang kamay naming dalawa. Sabay kaming naglakad palabas ng tree house. "Are you hungry, love? Gusto mo kumain muna tayo sa res—" "Wag na! Sa bahay nalang ako kakain. Busog pa naman ako." Pagpuputol niya sa sasabihin ko. "Okay." Tipid kong sagot saka ko siya inalalayan papunta sa kotse ko. Binuksan ko ang pintuan ng passenger seat saka ko siya tinulungan makapasok sa loob. Isinara ko ang pinto saka ko binuksan ang pintuan ng back seat para ilagay ang mga dala ko. Isinara ko ang pinto saka ako umikot papuntang driver seat. Binuksan ko ang pintuan saka ako pumasok sa loob ng kotse. Nakita ko pa sa mukha ni Elizabeth na parang may gusto siyang sabihin sa 'kin. Binuhay ko ang makina ng sasakyan saka ko 'to pinausad. "May sasabihin ka ba sa 'kin, love?" Tanong ko habang palipat-lipat ng tingin sa daan at sakanya. "Kasi.. w-wag ka nalang matulog sa kotse mo. Umuwi ka nalang sa bahay mo. Hindi mo naman kailangan gawin yun eh." Sabi niya sa mahinang boses. "I already told you, I will sleep in my car until I can sleep next to you in bed." I answered. "Eh kasi.. baka hindi ka makatulog sa kotse mo. At isa pa.. nanliligaw ka palang naman 'di ba? Bakit kailangan mo pa 'tong gawin?" Tanong niya kaya napangisi ako. "Mahirap na.. baka masalisihan pa ako. Mas mabuti ng bantay sirado kita sa mga lalaking magtatangkang ligawan ka." Sagot ko kaya narinig ko ang pagbuntong hininga niya. "Tatapatin kita, mayor. W-Wala pa sa isip ko ang pag bo-boyfriend. Gusto ko nga sana sabihin na basted ka na kaso hindi ko alam kung paano ko sasabihin." Saad niya kaya na preno ako ng wala sa oras at itinigil ang sasakyan. "What? A-Ako basted?" Gulat na gulat kong tanong habang nakatitig kay Elizabeth. Tumango siya ng dahan-dahan. "P-Pangarap ko kasing makapunta ng Manila, mayor. Gusto kong magtrabaho do'n. Kaya wala talaga sa isip ko ang pumasok sa relasyon. Maging sa school namin, madaming nanliligaw sa 'kin pero kahit isa ay wala akong sinagot. Hindi sa pagmamayabang pero talagang sinasabi ko lang ang totoo. Kasi may priority po ako at yun ay makapag trabaho ako sa malaking companya at maka work sa Manila. Sinasabi ko 'to sa'yo para hindi ka na magsayang ng oras pa sa 'kin, mayor. Para ituon mo nalang sa iba ang attensyon mo, mas marami namang babae na mas maganda sa 'kin at babagay sa'yo, mayor. Kaya sana mayo—" "Stop. Ayaw ko ng marinig ang sasabihin mo, Elizabeth." I said in a serious voice. Napakamot ako sa likod ng ulo ko dahil sa sinabi niya. "Kung basted pala ako.. bakit mo ko pinapayagang halikan ka? Bakit hindi mo ko tinutulak sa umpisa palang?" Tanong ko sa kanya. Halata sa boses ko ang pagkadismaya. Napakagat siya sa ibabang labi niya kaya napasunod ang tingin ko do'n. "H-Hindi ko din alam.. hindi ko alam kung bakit hindi kita kayang itulak." Sagot niya sa mahinang boses. I averted my gaze because I was tempted to kiss her lips again. Damn it! Pinausad ko ulit ang sasakyan at hindi na ulit nagsalita pang muli. ISANG ORAS ang byahe namin ni mayor bago kami nakarating sa kanto papasok ng barangay namin. Sinadya kong pinatigil si mayor dito at baka makita ako ng mga kapitbahay ko na bumaba sa isang magarang kotse. Kanina pa ako hindi pinapansin ni mayor. Siguro ay galit siya sa sinabi ko. Sinabi ko lang naman ang gusto kong sabihin sa kanya. Dapat sasabihin ko na kanina pero kapag kasama ko siya ay nawawala ako sa sarili ko. Hindi ko alam kung tama ang mga sinabi ko, gusto ko lang talaga pumunta ng Manila dahil yun ang dream ko simula pa ng bata ako. Gusto ko do'n magtrabaho. Gusto kong masubukang mamuhay mag-isa sa isang apartment. Tumingin ako kay mayor at napabuntong hininga dahil hindi niya ako pinapansin. Tinanggal ko ang nakakabit na seatbelt sa katawan ko saka ulit tumingin kay mayor na seryoso ang mukha habang nakatitig sa unahan. Itinigil niya ang kotse sa gilid ng kalsada ngunit hindi niya pinatay ang makina nito. "Baba na po ako, mayor." Pagpapaalam ko sa kanya. Tumango lang siya at hindi talaga nagsalita. Binuksan ko ang pintuan ng kotse saka ako bumaba sa sasakyan. Isinara ko ang pinto at gumilid kaya agad na umandar ang kotse palayo sa 'kin. Nakatitig lang ako sa papalayong sasakyan ni mayor saka napabuga ng hangin. Mas mabuti na yung alam niya ang nasa isip ko para lumayo na siya. Para tumigil na siya at hindi mag sayang ng oras sa 'kin. Hindi ko kasi yun magagawa dahil alam kong may ibang epekto si mayor sa 'kin. Kaya mas mabuti nang siya nalang ang lumayo sa 'kin. Nangingibabaw talaga sa 'kin ang pangarap kong pumunta ng Manila kaya mas pipiliin ko yun. Nagsimula na akong maglakad papasok ng kanto samin. Hindi mawala sa isip ko ang hitsura ni mayor kanina. Nakokonsensya tuloy ako at parang gusto ko siyang tawagan at bawiin ang mga sinabi ko. Pero dinadaga ako, hindi ko alam kung paano ko sasabihin. Napakamot ako sa likod ng ulo ko habang naglalakad sa gilid ng kalsada. Nakarating ako sa harap ng bahay namin at dumeritso ako pumasok sa loob. Nakita ko pa si mama na nagluluto ng ulam namin. Tinawag niya ako pero nag patuloy lang ako sa paglalakad papasok ng kwarto ko. Pabagsak akong humiga sa kama at iniisip parin si mayor. Sumasakit tuloy ang ulo ko dahil nagtatalo ang puso at isipan ko. Dumapa ako sa kama saka ko ipinikit ang mga mata ko. Gusto ko nalang matulog para kahit papano ay hindi ko maisip si mayor. Kinabukasan, maaga akong umalis sa bahay para pumunta ng munisipyo. Gusto kong makita si mayor. Gusto kong sabihin sa kanya na binabawi ko na ang sasabihin ko. Sana lang talaga ay pumunta siya ng munisipyo ngayon. Desidido na talaga ako, hindi ako nakatulog kagabi kakaisip sa gagawin ko. Nakarating ako sa munisipyo at agad lumapit sa office table ko saka ko inayos ang mga folder na nasa table. Nandito na din ang secretary ni mayor na si ate Trishia. Lumapit ako kay ate Trishia para tulungan siya sa ginagawa niya. Inayos ko ang mga folder saka ko inaabot yun kay ate. Hindi ako mapakali dahil iniisip ko ang sasabihin ko kay mayor mamaya. Lumipas ang mga oras pero wala parin si mayor. Gusto ko sanang mag tanong kay ate Trishia kung nasaan si mayor pero nahihiya ako. Bumalik ako sa table ko at hinihintay lang si ate Trishia kung may iuutos siya sa 'kin. Kating-kati na talaga ang dila ko para itanong kung pupunta ba si mayor. Lumipas pa ang mga oras ay wala parin si mayor. Isang oras nalang ay mag o-out na ako. May klase ako ngayon kaya sa university ako pagkatapos ng duty ko. Yumuko ako ng mapansin kong nahulog pala ang ballpen ko sa sahig. Pinulot ko ang ballpen ng may marinig akong yapak at ang pagbati ni ate Trishia sa taong dumating. Napangiti ako dahil dumating na si mayor. Excited akong nag angat ng mukha habang naka paskil sa labi ko ang ngiti. Ngunit agad nawala ang ngiti ko ng makita kong may kasama si mayor na magandang babae. Tumingin pa sa 'kin ang babae kaya napipilitan akong ngumiti saka ako yumukod para batiin sila ni mayor. Deri-deritso silang pumasok sa loob ng opisina saka isinara ang pinto. Hindi man lang ako tinapunan ng tingin ni mayor. Nakatulala lang ako habang nakatitig sa nakasarang opisina ni mayor. Kilala ko ang babaeng yun, siya ay anak ng mayamang business man sa lungsod namin. Si Ms. Reyzel Ticmon, ang nag-iisang anak ni Mr. Joselito Ticmon. Tumikhim ako dahil parang may nakabara sa lalamonan ko. Lumapit sa 'kin si ate Trishia saka parang may sinisilip sa loob ng opisina ni mayor. "Ang ganda ni Ma'am Reyzel no? Bagay na bagay sila ni mayor." Sabi niya sa 'kin na parang kinikilig. Napipilitan naman akong ngumiti kahit parang hindi ako masaya sa nakita ko. "O-Oo nga po. Bagay na bagay po sila, ate Trish." Sagot ko nalamang saka ngumiti ng pilit. "Bali-balita ay may gusto daw talaga si Ma'am Reyzel kay mayor. Sabi din nila ay classmate daw yan sila simula pa ng high school. Kaya yung ibang mga tao ay gustong-gusto na sila ang magkatuluyan. Siguro gwapo at maganda ang magiging anak nila panigurado sa future." Mahabang sabi ni ate Trishia kaya tumango nalang ako at hindi na nagsalita pa. Inayos ko nalang ang bag ko, maaga nalang ako mag o-out. Pakiramdam ko ang bigat-bigat ng katawan ko. Yung mga balikat ko ay parang mabigat din na hindi ko maintindihan. Dapat matuwa pa ako dahil ito naman ang gusto ko, pero bakit nasasaktan ako. Pakiramdam ko ay may nakadagan na mabigat sa dibdib ko. First time kong maramdaman 'to kaya hindi ko alam kung ano 'tong nararamdaman ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD