Chapter 9
PUMUNTA AKO ng school na mabigat ang pakiramdam. Hindi ko magawang ngumiti sa mga classmate ko nang makapasok ako sa classroom namin.
Nakatulala lang ako habang nakikinig sa prof namin. Nakikinig nga ako pero hindi naman pumapasok sa isip ko ang sinasabi ni prof. Napabuga ako ng hangin dahil bigla nalang ako nagka ganito simula ng makita ko si mayor at si Ms. Reyzel. Hindi pa nakakatulong ang pumapasok na imahe sa isipan ko kaya mas lalo akong nawawalan ng gana.
Nagsisisi ako kung bakit ko sinabi yun kay mayor. Pero talagang na sa huli ang pagsisisi kaya wala na akong magagawa. Siguro ayos narin 'to para hindi ko makalimutan ang pangako ko sa ate kong namatay dahil sa sakit. Sampung taon palang si ate ng mawala samin. Pangarap niya makapunta ng Manila at makapag trabaho paglaki niya. Lagi niyang sinasabi sa 'kin yun pero hindi ko naman siya maintindihan dati dahil sa murang edad ko.
Nang mag high school ako ay do'n lang pumasok sa isipan ko ang pangarap ng ate ko. Sa t'wing binibisita namin nila mama at papa ang puntod niya ay lagi kong sinasabi na tutuparin ko ang pangarap niya. Kaya gustong-gusto kong pumunta ng Manila para sa ate ko.
Kaya nag-iisa nalang akong anak nila mama at papa. Hindi narin sila naka buo pang muli, kahit gustuhin man nila mama ay hindi na talaga sila binigyan ng anak. Malungkot din ang mag-isa, lalo na kung mag-isa lang ako sa bahay at wala sila mama at papa.
Natigilan ako sa pag-iisip ng mag pakuha ng notebook si prof para mag notes. Magbibigay daw kasi siya ng quiz next meeting namin.
Nakatuon lang ang attensyon ko sa sinusulat ko. Palipat-lipat ang tingin ko sa black board saka sa notebook ko.
Nang matapos si prof ay saktong time na din kaya nagpaalam na siya samin. May next subject pa kami kaya napakamot ako sa ulo ko. Gustong-gusto ko na kasing umuwi dahil wala talaga ako sa mood.
Lumabas kami ng classroom kasama ko ang tatlo kong classmate. May 20 minutes pa kaming break bago ang next class namin. Niyaya nila akong pumunta ng canteen kaya sumama ako.
Tahimik lang akong nakasunod sakanila hanggang sa makarating kami sa canteen. Bumili ang tatlo kong classmate pero ako ay hindi. Wala akong gana kumain, tatambay lang muna talaga ako kasama sila. Gusto kong makipag kwentuhan para mawala sa isip ko si mayor.
"Uy, Eliza.. sama ka samin mamaya?" Tanong sa 'kin ni Lorie saka umupo sa tabi ko.
"Saan?" Bored kong tanong sa kanya.
"Sa bahay nila Froilan. Birthday niya ngayon kaya pinapunta tayo. Ano sama ka?" Tanong niya ulit sa 'kin.
Ngumiwi ako dahil wala talaga akong ka interest-interest sa mga ganito. "Pass ako!" Sagot ko kaya inirapan ako ni Lorie.
"Ang kj mo talaga. Lagi ka nalang wala kapag may gala tayo mag ka-klase. Last year din yung swimming hindi ka din sumama. Haler! Ms. Elizabeth, kunting kembot nalang at maghihiwalay-hiwalay na tayo. Kahit bonding nalang natin 'to mamaya. Tsaka, marami naman tayo eh." Pangungulit niya sa 'kin.
"Wala ako sa mood eh," sagot ko.
"Hayy naku ka talaga. Sumama ka na kasi. Babalik din yang mood mo kapag sumama ka. Mag e-enjoy ka do'n." Sabat ni Jia sa usapan namin ni Lorie.
Napakamot ako sa likod ng ulo dahil sa hitsura ng mga classmate ko. Talagang gusto nila akong pasamahin. "Sige na nga. Pero hindi ako magtatagal ha! Baka kasi hanapin ako ng mga magulang ko." Pagdadahilan ko kahit alam ko namang papayagan ako nila mama at papa. Sila pa nga ang nagtutulak sa 'kin na gumala paminsan-minsan dahil taong bahay talaga ako.
"Good! Text mo nalang parents mo na mala-late ka ng uwi." Saad ni Jia saka uminom ng softdrinks.
Napanguso naman akong kinuha ang cellphone sa bulsa ko saka ako nagtipa ng message. Sure ako na mag iinum kami nito, alam ko kasing mga mukhang alak 'tong mga classmate ko. Mag iinum nalang din ako.
Nag message ako kay mama at sinabing may pupuntahan kaming birthday ng mga classmate ko. Sinabi ko din kung sino ang may birthday at sinabi ko din na baka mag inum ako. Pinindot ko ang send saka ko pinatay ang phone ko.
Tumingin ako sa mga classmate ko na may mga hawak din na cellphone. "Okay na. Nakapagpaalam na ako sa mama ko." Sabi ko sakanila kaya tumingin sila sa 'kin at ngumiti.
Tumingin ako sa malaking relo na nakasabit sa pader ng canteen at nakitang five minutes nalang ay mag u-umpisa na ang next subject namin. Inaya ko na ang mga classmate ko para pumunta sa next subject namin.
Pagpasok namin sa room ay nandoon na si prof. Mabuti nalang at hindi pa siya nag a-attendance. Sa likod ako umupo, nakasunod naman sila Lorie sa 'kin na umupo din sa likod.
Nilalaro ko lang ang ballpen ko habang nakikinig kay prof na tinatawag ang pangalan namin for attendance.
Naisipan kong tignan muna ang cellphone ko habang hindi pa
nagsisimula si prof. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa saka ko inopen 'to. Kumunot ang noo ko dahil hindi man lang nag reply si mama sa text ko. Alam ko kasi nag re-reply yun agad eh.
Naisip ko nalang na baka hindi ko na pindot ang send kaya pinindot ko ang message para i-check kong na send ko ba talaga. Ngunit, laking gulat ko ng makita kong naka send yung text ko pero hindi sa mama ko kundi kay mayor. Napasabunot ako sa buhok ko dahil sa katangahan ko.
Ang gaga ko talaga. Kaya naman pala hindi nag reply si mama.
Dali-dali kong cinopy paste ang text ko kay mayor saka ko sinend yun kay mama. Nang masend ko yun ay bumalik ako sa conversation namin ni mayor. Nanlulumo akong nakatitig sa text ko kanina. Buti sana kung messenger 'to ay made-delete ko pa sana at malalaman ko kung na seen na ba niya. Ang tanga ko talaga! Iniisip ko tuloy kung ite-text ko ba si mayor at sabihing na wrong send lang ako. Pero baka sabihin naman niya na sinadya ko. Pambihirang buhay talaga 'to oh!
Biglang nag vibrate ang cellphone na hawak ko at pumasok ang message ni mama. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti sa text ni mama. Ang cool talaga ng mama ko, nireplayan ba naman ako na maghanap ng jowa at wag daw ako uuwi kapag wala daw akong nahanap sa birthday ng classmate ko. Ewan ko ba dito sa nanay ko.
Nireplayan ko parin 'to kahit parang ewan ang text ni mama. Nang masend ko yun ay agad kong swinitch off ang cellphone ko. Sinabi ko din kay mama na mag o-off ako ng cellphone dahil palowbat na. Para mamaya makaka text ako sakanya kung pauwi na ako.
Nag di-discuss na ang teacher namin pero 'tong dalawa kong katabi at puro chismiss ang pinagsasabi. Ang daldal talaga nitong si Lorie. Nakikisali din ako sakanila at paminsan-minsan ay nakikinig din kay teacher.
Napalingon ako sa left side ko ng mapansin kong may nakatitig sa 'kin. Nakita ko so Melbur kaya tinaasan ko siya ng kilay kaya agad siyang nag-iwas ng tingin.
"Ang suplada mo talaga kay Melbur. Kung ako ang nagustuhan niyan, su-sunggaban ko talaga agad. Ang yummy kaya niya. Rawr!" Sabi ni Lorie sa 'kin habang nakatitig kay Melbur na nakayuko na ngayon.
"Kung gusto mo sayo na. Hindi ko naman sita type." Sagot ko saka tumingin kay prof.
"Ay, sabi mo yan te ha! Akin na yan si papa Melbur. Manda siya sa 'kin mamaya. Pakikitaan ko yan ng twerk, twerk ko." Malanding sabi ni Lorie kaya natawa kami ni Jia.
"Gaga! Ang tanong gusto ka din ba? Eh si Eliza ang gusto niyan." Pangbabara ni Jia kay Lorie.
"Aray naman anteh! Wag mo namang ipamukha sa 'kin na lamang ng paligong tubig sa 'kin si Eliza. Bukas na bukas dadamihan ko ang tubig panligo ko para malamangan ko si Eliza." Irap na sabi ni Lorie.
"Girls at the back! Can you please keep quiet!" Biglang sigaw ni prof kaya natigilan kaming tatlo. Siniko ko pa talaga si Lorie dahil sa kadaldalan niya. Mabuti nalang at hindi kami tinawag ni prof sa harap, baka masabunutan ko talaga si Lorie pag nagkataon.
Lumipas ang isang oras mahigit ay natapos din ang klase namin. Agad kaming nagkayayaan mga classmate na sabay-sabay na pumunta sa bahay ni Froilan.
Lumabas agad kami sa school at maingay kaming sumakay ng jeep. Pinaka maingay samin ay si Lorie.
Medyo nawawala na ang mabigat na nararamdaman ko kanina. Siguro dahil 'to sa mga classmate ko na maiingay. Mabuti nalang talaga at holiday bukas kaya isa din sa dahilan kaya sumama ako dahil wala akong gagawin bukas. Baka matulog lang din ako maghapon.
Nakarating kami agad sa bahay nila Froilan. Nandito din pala sila Melbur at ang iba ko pang mga classmate. May sasakyan naman kasi si Melbur kaya do'n siguro naki sabay ang ibang lalaking classmate namin.
Tinawag kami ng mama ni Froilan na kumain. Nahihiya pa ako dahil first time ko talagang sumama sa mga classmate ko.
Hindi naman nagtagal ay natutuwa narin ako habang nakikipag kwentuhan sa mga classmate ko. Ngayon ko lang naisip na masaya din pala na makasama sila sa ganitong bonding.
Kung ano-ano lang pinag kwe-kwentuhan namin. Iba ang grupo ng boys iba din ang grupo naming mga babae. Nang matapos kaming kumain ay may inilabas na gin si Froilan sa harap namin. Dali-dali namang tumayo si Jia para daw timplahan ang gin na ibinigay ni Froilan na may kasamang juice.
Nang matimpla yun ni Jia ay saka siya bumalik sa tabi ko. Siya narin ang taga lagay ng tagay sa baso. Kahit hindi ako umiinom ay ininom ko parin ang alak na inabot sa 'kin ni Jia. Ayaw kong sumira ng moment namin kaya makikitagay nalang ako sa mga classmate ko.
Napangiwi pa ako ng malasahan ko ang juice pero ang sa huli ay medyo matapang yun na parang gumuhit sa lalamunan ko. Agad akong kumuha ng pulutan namin na sisig saka ko kinain yun.
Nagtawanan pa ang mga classmate ko dahil sa hitsura ko. "First time ni Eliza kaya mag palakpakan." Sabi ng isa kong classmate kaya agad nag palakpakan ang mga sira ulo kong classmate.
"Kapag nalasing ako ihatid niyo akong lahat sa bahay ha!" Sabi ko sakanila.
"Sige ba! Basta ba ihatid mo din kami pagkatapos ka naming ihatid sa bahay mo." Sagot naman ni Jewel sa sinabi ko. Tumawa nalang ako saka bumalik ulit sa pakikipag chikahan sa mga classmate ko.
Naka ilang tagay narin ako kaya medyo nahihilo ako. Pero kaya pa naman, hindi nga namin namalayan na naubos namin ang isang pitchel na tinimpla ni Jia kanina. Naglabas ulit ng gin si Froilan na agad namang tinimpla ulit ni Jia.
Hindi pa naman ako nalalasing, nahihilo lang ako konti pero nawawala naman. Kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa ko ng maalala ko na pinatay ko pala yun kanina.
Napatingin pa ako sa orasan na nakasabit sa pader nila Froilan at nakitang 8PM narin pala. Tumingin ako sa paligid saka ko tinawag si Froilan para makihiram ako ng charger.
Tinawag ko si Froilan na agad namang tumayo saka naglakad palapit sa 'kin.
"Ano yun? Uuwi ka na ba?" Tanong sa 'kin ni Froilan ng makalapit sa 'kin.
"Hindi! Makikihiram sana ako ng charger. Lowbat cellphone ko eh para ma-text ko ang mama ko mamaya pag pauwi na ako." Sabi ko sa kanya na ikinatango niya.
"Saglit kukunin ko charger ko." Sagot naman niya saka naglakad paalis sa harap ko.
Bumalik ang tingin ko sa mga ka inuman ko at nakitang ako na pala ang iinum ng alak. Kinuha ko ang baso at agad ininum 'to kaya tuwang-tuwa ang mga classmate ko.
Sakto namang bumalik si Froilan sa 'kin saka inabot ang charger. "Thank you! Makiki-charge ako ha!" Pagpapaalam ko pa sa kanya.
"Oo, sige. Walang problema." Sagot pa niya. Tumayo muna ako saka ako lumapit sa outlet. Isinaksak ko ang charger saka ko chinarge ang phone ko. Swinitch on ko pa talaga at baka nag text sa 'kin si mama.
Hinihintay ko ang cellphone ko na umayos, ilalapag ko na muna sana nang sunod-sunod na may pumasok na text. Agad ko binuksan yun sa pag aakala na si mama ang mag text sa 'kin at hinahanap na ako. Ngunit, laking gulat ko na puro yun kay mayor. Halatang galit 'to dahil gusto niya akong lumabas sa bahay ng classmate ko. Mas lalo pa akong nataranta ng mabasa ko ang huling text niya na kanina pa daw siya sa labas ng bahay ng classmate kong si Froilan at pinagmamasdan ako.
Muntik na ako mabilaukan sa laway ko habang binabasa ang mga text ni magor sa 'kin. May isang text ang mama ko at sinabing kapag lasing daw ako ay itext daw sila para masundo nila ako or kung hindi naman ay makitulog daw ako sa classmate kong babae para bukas nalang ako umuwi ng umaga.
Hindi na ako naka reply pa kay mama dahil natatanta ako sa message ni mayor. Mas lalo pa akong kinabahan ng mag text ulit si mayor at sinabihan akong kakatok daw siya sa gate nila Froilan kung hindi daw ako uuwi.
Napakamot ako sa ulo ko saka ko binunot ang charger sa outlet saka ako lumapit sa mga classmate ko.
"Uwi na ako, guys. May emergency sa bahay namin eh," pagdadahilan ko.
"Ihatid ka ba namin? Or pwede din si Melbur nalang maghatid sa'yo may kotse naman siya para hindi ka na sumakay ng jeep." Sabi ni Froilan na lumapit pa talaga sa pwesto ko.
''Naku, wag na! Susunduin ako ng papa ko." Pagsisinungaling ko. "Salamat sa pag imbita, Froilan. Happy birthday ulit." Nakangiti kong sabi sa classmate ko.
"Thank you din sa pagpunta. Mag-ingat ka pauwi." Sabi niya sa 'kin. Tumingin ako sa mga classmate kong babae saka ako nag paalam sa kanila. Tinagayan pa talaga ako ni Lorie ng isang basong punong-puno. Akala mo'y juice lang ang iniinom namin. Tinanggap ko parin para makalabas na ako. Ayaw kong kumatok si mayor dito, tiyak magtataka ang mga classmate ko pag nagkataon.
Lumabas na ako ng ng bahay nila Froilan at tinungo ang gate. Hindi pa ako nakakalabas ay nakita ko na ang kotse ni mayor sa kabilang kalsada.
Napabuntong hininga ako ng umilaw ulit ang cellphone kong hawak at nabasa ang text ni mayor na pinapapasok niya ako sa loob ng kotse.