Chapter 2
I'VE BEEN thinking about what Elizabeth said earlier. The f**k! Tinawag niya akong kuya. Ganun ba ako katanda para tawagin niyang kuya.
I tried to calm myself down at baka pumunta ako sa barangay kung saan nakatira si Elizabeth. Kanina pa din ako pinipigilan ng kapatid kong si Pokwang kahit wala naman akong kwene-kwento sa kanya.
Naputol ang pag-iisip ko ng marinig ko ang ginawang pagkatok ni Pokwang sa mesa. Nag-angat ako ng tingin saka bored na tinignan ang bunso kong kapatid. "What?" I asked her.
"Anong what ka dyan! Hoy, Mayor Aivann Kym Valdemar nag iinum ka dyan! Akala ko ba may business meeting ka mamaya?" Tanong sa 'kin ng kapatid ko.
"Cancel ko muna." Walang buhay kong sagot saka ko ininum ang alak na nasa bote.
"Ano bang nangyayari sa'yo? Bakit ka ba naglalasing? May nangyari ba sa'yo?" Sunod-sunod na tanong ng kapatid ko.
I sighed. I looked at my sister. "Matanda na ba ako?" Tanong ko sa aking kapatid.
Napakurap-kurap naman siya sa harap ko habang nakatitig parin sa 'kin. "B-Bakit mo naman na tanong yan? Hindi naman halata na 28 years old ka ay mali.. malapit ka na pala mag 29 years old." Sagot ng kapatid ko.
"Do I look old?" Tanong ko ulit.
"Hindi nga! Mukha kang tambay sa kanto na laging nag aamok ng gulo. Ganun itsura mo. Hindi ko alam kung bakit ka naging mayor, sa porma mo palang bad influence na." Sagot ng kapatid ko kaya nalukot ang mukha ko.
"Napaka supportive mo talaga eh no!'' I said in a sarcastic voice.
Tumawa naman siya saka umupo sa upuan na nasa harap ng table. "Bakit ganyan ang suot mo, kuya? Hindi ba naka longsleeve ka kanina nang umalis ka. Bakit ngayon naka jacket ka?" Nagtatakang tanong ng kapatid ko.
"Pormahan ko talaga 'to." Sagot ko sa tanong niya.
"Oo pormahan mo kapag sinusundan mo si Eliza." Tatawa-tawa niyang sabi.
Masama kong tinignan ang kapatid ko dahil sa sinabi niya. "How did you know?" Tanong ko habang matalim siyang tinitigan.
"Eh.. aksidente yun, kuya. Kasi naman ikaw eh, nakita kitang sumakay ng jeep kanina. Alam kung ikaw yun kahit pa mga mukha kang holdaper sa outfit mo." Sagot niya saka tumawa.
"Audrey!!" Saway ko sa kanya kaya tumigil siya sa pagtawa.
"Oo na, titigil na. Kasi naman ikaw eh, bakit mo naman kasi sinusundan si Eliza? Umayos ka nga kuya!" Sabi niya sa seryosong boses.
"Gusto ko lang makasiguro na safe siyang makakarating sa school niya. Bawal ba yun?" Kunot noo kong tanong.
"Ano ka magulang niya? Dinaig mo pa mga magulang ng bata sa pag-alala eh." Sagot niya na halatang iniinis niya ako.
Hindi nalang ako sumagot sa sinabi ng kapatid ko at baka mabalibag ko lang siya.
"So, ano na, kuya? Bakit mo tinatanong kung mukha ka na bang matanda?" Tanong ng kapatid kong chismosa.
"Wala yun. Kalimutan mo nalang." Walang buhay kong sagot.
"Tinawag ka bang kuya ni Eliza?" Tanong niya ulit kaya napabuga ako ng hangin. "Tama ako no?" Nakangiti niyang tanong.
"Masyado ba akong matanda sa kanya?" I asked in a frustrated voice.
"Oo sa edad. Pero sa itsura, hindi naman." Sagot ng kapatid ko.
Hindi naman ako sumagot. Hindi mawala sa isip ko ang sinabi sa 'kin ni Elizabeth. Mas lalo pa akong nainis ng maalala ko ang sinabi niyang may boyfriend na siya. Nabwe-bwesit akong isipin na may ka holding hands si Elizabeth na iba. Ang masaklap pa, kapitbahay pa niya. Tangina talaga! Gusto ko na tuloy lumipat ng bahay na malapit lang din sa bahay ni Elizabeth para hindi matapon yung sabaw na sinasabi niya.
"Hay naku, kuya.. kanina ka pa nakatulala. Tama na nga yan! Para kang timang eh," biglang saad ng kapatid ko.
"Lumabas ka na nga sa kwarto ko." Saad ko sa seryosong boses.
"Tinawag tawag mo ko dito tapos palalabasin mo lang pala ako. Kutusan kita eh," sabi niya sabay irap sa 'kin.
"Labas!" Pagpapalayas ko sa kanya.
"Oo ito na. Pahirapan ka sana ni Elizabeth." Bulong niya pero narinig ko naman. Tumayo siya saka nag simulang maglakad.
"Hindi mangyayari yun." Sagot ko sabay inum ng alak sa bote.
Lumingon naman sa 'kin ang bunso kong kapatid saka dahan-dahan ngumiti. "Alam mo, kuya.. gusto sana kitang tulungan eh. Alam mo na." Sabi niya saka naglakad pabalik sa 'kin.
"What do you mean? Anong tulong naman yun?" Tanong ko habang nakakunot ang noo ko.
"Kasi naman diba.. yung si Elizabeth ay sigurado ako mahilig yun sa mga oppa. Alam mo na.. bakit hindi mo gayahin ang style ng mga oppa, sigurado ako magugustuhan ka ni Eliza." Suhestyon ng kapatid ko.
"Oppa? Baka oppa-kan kita dyan! Anong oppa pinagsasabi mo?" Tanong ko kaya malakas na tumawa ang kapatid ko. Pinag ti-tripan na naman ako nito.
"Akong bahala sa'yo, kuya. Sa monday, sigurado ako mapapa nga-nga si Elizabeth sa itsura mo." Sabi pa niya. Pakiramdam ko parang may masamang binabalak 'to eh.
"Fine. Siguraduhin mo lang na maganda ang kalalabasan ko nyan. Kundi humanda sa 'kin yung flower shop mo." Pananakot ko sa kanya.
"Susubukan mo.. isusumbong kita kay daddy." Sagot niya saka naglakad palayo sa 'kin.
"Bye, oppa!" Sabi pa niya saka binuntutan ng tawa. Lumabas ng kwarto ko ang kapatid ko kaya huminga ako ng malalim.
Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko para mag search kung ano ba talaga yung oppa.
MAAGA AKO NAGISING dahil monday na naman. Duty ko na naman kay mayor. Dalawang araw ko iniisip ang mga pinagsasabi ko n'ong huli kaming nagkita ni mayor. Hiyang-hiya talaga ako sa kabobohan ko.
Ayaw ko nga sanang mag duty ngayon pero hindi naman pwede. Gusto ko ng matapos ang pag o-ojt ko do'n kaya kailangan mag duty ako para maubos ko yung 300 hours.
Pero kapag naiisip ko ang pagtawag ko kay mayor ng kuya ay para akong maiiyak. Malinaw pa kasi sa isipan ko ang mukha ni mayor na halatang naiinis sa 'kin. Hindi ko makalimutan ang panga niya na umiigting na akala mo'y nagpipigil ng inis sa 'kin.
Buti nga kuya tinawag ko sa kanya eh, paano pa kaya kung hoy ang tinawag ko sa kanya. Kasi naman.. bakit kasi siya nag di-disguise, pati tuloy ako nalilito kung anong itatawag ko sakanya n'ong araw na yun.
Napabuntong hininga ako saka ako tumayo sa kama. Inayos ko muna ang higaan saka ko napagdesisyonan na lumabas ng kwarto ko.
Nang makalabas ako ay nakita ko ang pinsan kong si Peter. Kahapon nag bonding lang kaming dalawa. Hindi talaga ako makapaniwala na mas matangkad na siya ngayon kaysa
sa 'kin. Ang liit kasi niya dati, kaya gulat na gulat ako ng makauwi ako n'ong friday at nakita siya.
"Oh bansot.. gising ka na pala." Tawag niya sa 'kin ng makita niya akong nakatayo.
"Bansot? Ikaw ang tinatawag kong bansot dati eh," nakanguso kong sabi.
"Dati yun, iba na ngayon. Tignan mo nga.. mas bansot ka pa sa 'kin." Sagot niya. Hindi nalang ako umimik at naglakad palapit sa mesa saka ko tinignan ang niluluto niya.
Umupo ako saka ako pumulot ng isang hotdog. "Si mama?" Tanong ko sa pinsan ko.
"Umalis sila, kasama din si mama ko." Sagot niya.
"Ahh.. saan daw nag punta?" Tanong ko ulit.
"Sabi dadalawin daw nila ang kaibigan nila n'ong high school." Sagot niya saka inilapag ang pinrito niyang ham. "Kain ka na. Sabi ni tita may duty ka daw ngayon." Dagdag niyang sabi.
"Oo nga eh. Gusto ko nga hindi mag duty pero hindi naman pwede." Nakanguso kong sabi.
"Hatid nalang kita mamaya. Mag motor nalang tayo para hindi ka na mag jeep." Saad ng pinsan ko.
"Bakit may lisensya ka ba?" Tanong ko habang kumakain.
"Meron syempre. Akala mo sa 'kin ha!" Sagot niya saka nagsimula narin kumain. Tumawa nalang ako dahil sa tono ng pananalita niya. Mas matanda kasi sa 'kin ng dalawang taon si Peter. Kaso dati ang liit talaga niya, mas matangkad ako sa kanya dati kaya minsan napagkakamalan na mas matanda ako sa kanya.
Natapos akong kumain at agad akong bumalik sa kwarto ko para kumuha ng t'walya. Nasa labas kasi ang banyo katabi ng kusina namin.
Nang makuha ko ang t'walya ay agad akong lumabas ulit. Nakita ko pa si Peter na naghuhugas ng pinggan.
"Ligo muna ako, insan." Saad ko saka pumasok ng banyo.
Agad kong binuksan ang gripo saka ko isinara ang pinto at nilock. Naghubad ako ng saplot ko saka ako nagsimulang maligo. Mabilis ang ginagawa kong buhos dahil ang lamig ng tubig. Ito talaga ang kalaban ko simula ng mag-aral ako eh. Napapasigaw nalang talaga ako bawat buhos ko ng tubig.
Nang matapos akong maligo ay agad kong pinunasan ang katawan ko gamit ang t'walya. Itinapis ko 'to sa katawan ko saka ko binuksan ang pintuan ng banyo at lumabas.
Wala na si Peter sa kusina, siguro ay nasa labas siya at pinapaandar ang motor ni papa.
Agad akong pumasok ng kwarto ko saka inilock ang pinto. Lumapit ako sa kama saka ko isinuot ang hinanda kong susuotin. Naka slacks na naman ako. Gustong-gusto kong mag skirt pero ang mayor may saltik sa utak. Ayaw akong makitang naka suot no'n. Wala naman sanang centavo ang legs ko. Makinis at maputi ako kaya kahit isang guhit ng sugat or pilat ay wala ako. Nakakainis lang dahil hindi ko maisuot ang gusto kong suotin. Ang dami ko pa namang skirt tapos slacks lang pala ipapasuot sa 'kin.
Kinuha ko ang blouse na hinanda ko din kanina. Lahat ng isusuot ko ay dapat hindi kita ang dibdib ko. Minsan pa ay naka longsleeve ako. May uniform naman kami sa school para sa ojt namin. Black skirt yun na may slit sa gilid, ang itaas naman ay may white spag strap na pinatungan ng blazer na black. Kaso kinausap ako ni mayor at sinabi kung pwede daw ay hindi yun ang suotin ko habang nag du-duty ako. Pumayag nalang ako syempre dahil sino ba naman ako, nag o-ojt lang naman ako. Sinabihan ko na din ang prof ko at pumayag naman din siya.
Inayos ko na ang mukha ko at naglagay ng light make up. Hinayaan ko lang ang buhok ko na naka lugay lalo na't basa pa. Mamaya ko nalang tatalian kapag nasa munisipyo na ako.
Nang matapos na ako ay agad akong lumabas ng kwarto ko. Hinanap ko ang pinsan kong pangit para ihatid na niya ako.
Lumabas ako ng bahay at nakita ang pinsan ko na naka suot ng pantalon at tshirt. Nilock ko muna ang bahay saka ako lumapit sa pinsan ko.
"May pupuntahan ka ba pagkatapos mo akong ihatid?" Tanong ko sakanya.
"Oo. Mag-iikot ikot lang muna ako." Sagot niya sabay abot sa 'kin ng helmet.
Tinanggap ko naman ang helmet saka ko isinuot sa ulo ko. Pinaandar naman ng pinsan ko ang motor kaya agad akong humawak sa balikat niya saka ako sumampa sa motor.
"Okay na?" Tanong niya sa 'kin.
"Oo. Larga na!" Sagot ko naman kaya agad niyang pinatakbo ang motor.
Mabuti nalang hinatid ako ng pinsan ko. Nakakapagod kasi mag jeep. Kung pwede nga lang ako nalang ang mag drive ng motor ni papa para hindi na hassle sa byahe ko. Pero sa kasamaang palad hindi ako marunong mag motor kaya wag nalang.
Tahimik lang ako buong byahe hanggang sa makarating kami sa harap ng munisipyo. Iginilid ng pinsan ko ang motor kaya agad akong bumaba habang naka hawak sa balikat niya.
Tinanggal ko ang suot kong helmet saka ko inabot yun sa pinsan ko. "Sunduin mo din ako mamaya ha!" Saad ko sa pinsan ko.
"Ayos ahh.. ginawa mo kong taga hatid sundo." Sagot niya sa 'kin.
"Eh nandito ka narin naman sa probinsya bakit hind ko pa lubos-lubusin diba? Kaya ikaw na muna ang maghahatid-sundo sa 'kin sa school pati narin dito." Sabi ko habang inaayos ang buhok ko.
"Oo na. Basta ilibre mo ko palagi ng kwek-kwek." Sagot niya na parang napipilitan.
"Okay. Sige na, papasok na ako. Ingat ka!" Pagpapaalam ko saka ko tinapik ang ulo niya na may suot na helmet.
Tumalikod agad ako sa pinsan ko saka ako nagsimulang maglakad. Ngunit napahinto ako ng may makita akong naka simangot na lalaki habang nakatayo sa entrance ng munisipyo. Mayor Aivann Kym.