Chapter 3

2059 Words
Chapter 3 NAKASIMANGOT AKO habang ginagawa ang trabaho ko. Kanina pa ako hindi makaupo dahil panay ang utos ni mayor. Hindi ko alam kung sinasadya ba niya 'to o hindi. Simula ng makita ko siya kaninang umaga sa entrance ng munisipyo ay wala na siyang ginawa kundi sungitan ako. Kahit hindi naman mali ang gawa ko pinagsasabihan niya ako. Tapos ang dami pa niyang utos sa 'kin. Halatang pinapahirapan niya ako, hindi ko naman alam kung anong kasalanan ko sa kanya. Hindi naman sana ako late pumasok, hindi din naman ako tamad dito kapag nag du-duty ako. Sumasakit tuloy ang ulo ko sa mayor namin na may buwanang dalaw yata. Ginawa ko nalang muna 'tong inutos niya na folder na i-file ko daw. Kailangan daw niya 'to agad kaya kailangan maibigay ko agad at baka pagalitan na naman niya ako. Sayang naman ang outfit niya na akala mo nasa Kdrama. Ewan ko kung anong nakain ni mayor kung bakit ganun nalang ang porma niya. Sanay na sanay kasi ako sa astig niyang porma kahit pa nga naka longsleeve polo siya. Yung messy hair niya na may highlight na silver, mas lalo pa siyang bad boy tignan dahil sa hikaw niya sa ilong. Kaya talagang hindi halata na isa siyang mayor. "Ms. Santiago!!'' Muntik ko ng mabitawan ang hawak kong folder dahil sa gulat. Agad akong humarap kay mayor dahil baka may iuutos sa 'kin. Kahit naiinis ako ay nagawa ko paring ngumiti sa harap niya. "Yes po, mayor! May ipapagawa ka po ba?" Tanong ko habang naka paskil ang ngiti sa labi ko. "Stop smiling, Ms. Santiago." Saad niya sa seryosong boses kaya unti-unting nawala ang ngiti ko sa labi. "Alam ko kung peke ang ngiti ng isang tao kaya wag mo kong ngingitian ng ganyan." Sabi niya kaya natigilan ako. Ang sungit niya. "Make me some coffee, and after that deliver that folder to the finance office." Utos niya sa 'kin saka mabilis na bumalik sa opisina niya. Napasabunot nalang ako sa buhok ko saka tumalima sa utos ni mayor. Nakakainis siya! Halata talagang pinag iinitan niya ako, kanina pa siyang umaga ganyan. Malapit nalang mag uwian masungit parin. Iniisip ko tuloy na baka nag away sila ng girlfriend niya kaya mainit ang ulo. Hindi ako sure kung may girlfriend ba talaga si mayor. Wala naman kasing nababalita na uugnay na babae sa kanya. Pero baka ayaw lang ipaalam ni mayor sa taong bayan, baka want ni mayor na wag pag usapan ang lovelife niya. Nang makapagtimpla ako ng kape ay agad kong tinungo ang opisina ni mayor. Kumatok pa ako ng tatlong beses bago ko tuluyang binuksan ang pintuan. Nakita ko si mayor na naka sandal sa likod ng swivel chair niya habang nakapikit ang mga mata. "Ito na po ang kape mo, mayor." Saad ko sa mahinang boses. Hindi naman siya sumagot kaya inilapag ko ang dala kong kape sa office table niya. "Sige po, mayor. Labas na po ako." Pagpapaalam ko sakanya. Tumalikod ako saka nag umpisang maglakad. "Who's that guy?" Biglang tanong ni mayor kaya napatigil ako sa paghakbang. Hindi ako lumingon dahil naguguluhan ako kung ako ba ang kausap niya. "Elizabeth.." tawag niya sa pangalan ko kaya dahan-dahan akong lumingon. "Po?" Takang tanong ko ng makaharap ako kay mayor. Nakita ko siyang seryosong nakatitig sa 'kin kaya hindi ko maiwasang hindi maasiwa sa uri ng titig niya. "Yung lalaking naghatid sa'yo kanina, sino yun?" Tanong niya sa seryosong boses. Ngayon ko lang yata nakita ang ganitong itsura ni mayor. Lagi kasi siyang kalmado at pala ngiti sa mga tao. Pero ngayon, napaka seryoso ng mukha niya, walang bahid ng saya ang mukha niya. Nakakatakot pero mas lalo siyang gumagwapo kapag seryoso ang mukha niya. "Ahm.. si Peter po, mayor." Sagot ko nalamang. "Peter? Boyfriend mo?" Tanong niya habang nakakunot ang noo. "Naku hindi po, mayor. Pinsan ko po yun. Bakit po, mayor? May problema po ba?" Takang tanong ko sa kanya. "Pinsan? Are you sure?" Tanong niya na parang hindi makapaniwala sa sagot ko. "Opo, mayor. Nagbabakasyon po kasi sila sa bahay namin. May problema po ba?" Tanong ko sa kanya ulit. Bigla naman siyang nag iwas ng tingin sa 'kin at hindi na nagsalita pa. Hinintay ko pa ng ilang sandali at baka may sasabihin pa si mayor. Ngunit, hindi siya lumingon sa 'kin. Napakamot nalang ako sa likod ng ulo ko. "Sige po, mayor. Ihahatid ko po muna yung folder sa finance office po." Pagpapaalam ko sa kanya. "No need. Take some rest, Elizabeth." Sagot niya saka humigop ng kape. Nagtataka naman ako sa sinabi niya. Matapos niya akong kawawain kanina, gusto niya akong magpahinga ngayon. Ayos lang kaya si mayor? "Hindi na po, mayor. Malapit narin po ako mag out," sagot ko. "Sige po, lalabas na po ako." Dagdag kong sabi saka mabilis na naglakad papunta sa pinto. Hindi ko na siya hinintay na magsalita pa. Lumabas ako ng opisina ni mayor at agad akong lumapit sa table ko. Kinuha ko ang folder saka naglakad papunta sa finance office. Habang naglalakad ako ay may mga nakakasalubong akong staff. Magalang ko sila binabati at nginingitian. Wala akong planong magtrabaho dito samin. Ang gusto ko kasi kapag nakapagtapos ako ay aalis ako at pupunta ng Manila. Doon ko gusto magtrabaho. Napagusapan na namin nila mama at papa ang plano ko at pumayag naman sila. Gusto pa nga sana nila ay kay tita ako tumira ngunit hindi ako pumayag. Mas gugustuhin ko pang tumira sa maliit na apartment. Gusto kong masubukan mamuhay mag-isa. Nakarating ako sa finance office at agad kong binigay ang folder sa isang staff. Hindi ko masyadong kilala ang mga tao dito, medyo malayo kasi ang finance office mula sa opisina ni mayor. Bumalik din ako agad sa office ni mayor. Nasa labas kasi ng opisina ang table ng secretary. Malapit na ang out ko kaya aayusin ko na ang mga gamit ko. Mabuti nalang wala akong klase ngayong araw. Bukas meron akong dalawang subject kaya hanggang 2PM lang ako dito sa munisipyo. Inayos ko muna ang gamit ko saka ko inayos ang mukha ko. Baka kasi sa sobrang busy ko kanina nag mukha na pala akong gusgusing bata. Nag ayos lang ako ng mukha nang bigla kong marinig ang pagbukas ng pintuan ng opisina ni mayor. Tinigil ko ang ginagawa ko at mabilis na tumayo. Nakita ko naman si mayor na nakatayo sa gilid ng table ko. "Just keep doing what you're doing, Elizabeth." Saad niya sa seryosong boses. Nahihiya naman akong ngumiti kay mayor. "Tapos na po ako, mayor." Sagot ko saka ngumiti ng pilit. Ngunit mabilis ko din tinigil at baka masaway na naman niya ako tulad kanina. "Aalis ka na po ba, mayor?" Tanong ko sa kanya. Alam ko kasi may gagawing program sa plaza sa susunod na linggo. Malapit na kasi ang hearts day kaya balak ni mayor mag pa concert. Baka pupunta siya do'n para makita ang venue. "Malapit na uwian, hindi ka pa ba uuwi?" Balik tanong niya sa 'kin. "Uuwi na po, mayor. Inaayos ko lang po ang gamit ko." Sagot ko saka ko pinulot ang shoulder bag ko sa mesa. "Sabay na tayo." Sabi niya kaya natigilan ako. "Po?" Takang tanong ko. "Sabay na tayong umuwi. Pauwi narin naman ako. At isa pa, madadaanan ko lang naman ang barangay niyo." Sagot ni mayor. Hindi ko alam kung papayag ba ako. Marunong din naman ako mahiya. "Ahh.. wag nalang po, mayor. May pupuntahan pa po kasi ako." Pagsisinungaling ko. Kumunot ang noo niya at maging ang kilay niya ay nagsalubong. "Saan? May ka meet up ka ba?" Tanong niya kaya mas lalo akong nagulat. "Ahh ehh... may bibilhin lang po, mayor." Sagot ko saka ngumiti ng pilit. "Daanan nalang natin. Halika na, sumabay ka na sa 'kin." Sabi niya saka naka pamulsang naglakad palayo sa 'kin. Napakamot ako sa likod ng ulo ko sa katigasan ng ulo ni mayor. Kulang yata yung palusot ko eh, dapat pala sinabi ko makikipag date ako. Sumunod nalang ako kay mayor. Habang naglalakad ako ay tinetext ko ang pinsan ko na wag na niya akong sunduin. Nag reply naman agad ang pinsan ko at mabuti nalang hindi pa siya nakaka alis ng bahay. Naabutan ko si mayor sa entrance ng munisipyo. May kausap 'tong lalaki kaya hindi na muna ako lumapit. Nakatayo lang ako habang nakatitig kay mayor. Ewan ko ba, namamangha na din ako sa kagwapuhan ni mayor. Pero hindi katulad ng ibang ka edad ko na patay na patay kay mayor. Pati yata picture ni mayor ay pinagnanasahan. Lumingon sa gawi ko si mayor kaya biglang bumilis ang t***k ng puso ko ng magtagpo ang tingin naming dalawa. Sumenyas siya sa 'kin na lumapit ako sa kanya kaya agad akong naglakad papunta sa pwesto niya. Nang makalapit ako ay sakto namang natapos ang pag-uusap nila mayor at nang lalaki. Tumingin sa 'kin si mayor kaya nahihiya akong nag-iwas ng tingin. "Let's go, Elizabeth." Aya niya sa 'kin kaya tumango ako. Kinakabahan talaga ako kapag kami lang dalawa ni mayor. Hindi ko nga alam kung bakit, hindi naman siguro ako kakainin ng buhay ni mayor. Nang makarating kami kung saan naka park ang kotse ni mayor ay pinagbuksan niya ako ng pintuan ng kotse. Nahihiya akong ngumiti at nag pasalamat saka ako pumasok sa loob ng kotse. First time kong sumakay sa kotse, halatang mamahalin ang sasakyan ni mayor. Hindi ko din masasabi na dahil sa pag ma-mayor niya kaya siya nakabili ng ganitong kotse. Dahil alam ko, kahit hindi pa siya naging mayor ay may kotse na talaga siya. Hindi lang isa kundi pitong sasakyan na puro mahal. Isang business man kasi si mayor. Ang ama din nito ay isa sa mayaman din sa bayang 'to, hindi lang sa bayan na 'to. Kaya hindi na kami magtataka kung ganito ka gaganda ang sasakyan ni mayor Aivann. Pumasok si mayor sa driver seat at agad binuhay ang makina ng sasakyan. Ako naman ay tahimik lang, yung puso ko lang yung hindi tahimik. Kanina pa tambol ng tambol, nakaka inis tuloy. "Saan yung dadaanan mo?" Biglang tanong sa 'kin ni mayor kaya nataranta akong nag iisip ng idadahilan. "Ahh.. wag na po, mayor. Sa susunod na araw ko nalang po bibilhin yun." Sagot ko nalamang. "Books?" Tanong niya saka pinausad ang sasakyan. "Naku hindi po, mayor. May inutos lang po sa 'kin si mama ko." Sagot ko. Pati mama ko tuloy dinawit ko. "Ahh.. akala ko nagdadahilan ka lang kanina dahil ayaw mo kong makasabay." Sagot niya kaya napalingon ako sa gawi niya. Nakita ko siyang nakangiti habang nakatuon ang mata niya sa daan. "Hindi po ganun, mayor. May dadaanan mo talaga ako." Saad ko kaya tumango siya habang nakangiti parin. Hindi ko maialis ang tingin sa kanya dahil ang gwapo tignan ni mayor. "Anong plano mo sa heart's day? May ka date ka ba sa araw na yun?" Tanong niya at iniba ang usapan. Napakurap-kurap naman ako at hindi alam ang isasagot kay mayor. Bakit naman niya ako tatanungin ng ganun. Single 'to mayor, at walang balak makipag date. "Sa bahay lang ako no'n mayor. Hindi naman po ako mahilig gumala kapag may event po eh. Kaya yung mga nagdaang concert hindi po ako nanonood.'' Sagot ko habang naka tingin sa harap ng sasakyan. "Bakit? Strict parents mo?" Tanong niya saka lumingon sa 'kin. Umiling ako. "Hind po, mayor. Sila nga po yung pilit ng pilit na lumabas o gumala po ako eh. Ako lang po yung ayaw. Nakakatamad po kasing gumala." Deritso kong sagot. "Oh, nice." Bulong niyang sabi ngunit narinig ko naman. "May klase ka ba bukas?" Tanong niya sa 'kin. "Opo, mayor. Out po ako bukas ng 2PM po." Magalang kong sagot. Tumango lang siya sa 'kin saka lumingon. "Are you hungry?" Tanong niya kaya agad akong umiling. "Hindi po, mayor. Nagkape kasi po ako kanina kaya busog pa po ako." Sagot ko naman. "Kape? Nakakabusog ba yung kape?" Tanong niya sa 'kin. "Opo, mayor. Minsan po yun lang ginagawa ko. Para diet narin po." Saad ko habang nakangiti. "Hindi yan healthy, Elizabeth. Hindi ka naman mataba kaya bakit gusto mong mag diet." Sabi niya sa seryosong boses. Napakamot nalang ako at hindi sumagot kay mayor. Mas lalo akong napakamot sa ulo ko ng makita kong lumiko ang sinasakyan namin ni mayor. Balak talaga niya akong pakainin kaya wala na akong magagawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD