Chapter 4

2531 Words
Chapter 4 TAHIMIK AKONG nakikinig sa teacher namin habang nag di-discuss siya sa harap. Araw ng mga puso ngayon, kaya yung mga classmate ko ay excited ng matapos ang klase. Isang subject lang naman kami ngayon, kagagaling ko din sa munisipyo para mag duty. Mabuti nga at wala si mayor Aivann do'n. Busy siguro siya lalo na't may event mamayang gabi sa plaza. Okay narin yun na hindi kami nagkita kanina dahil nahihiya ako kay mayor. Hindi ko makalimutan n'ong hinatid niya ako sa bahay n'ong isang araw. Kaloka yung nanay ko! Tuwang-tuwa pa ng makita si mayor, talagang nagpa picture pa dahil hindi daw siya makalapit kay mayor sa t'wing nag iikot 'to sa buong lugar. Akala ko nga ay tatanggihan ni mayor ang request ni mama, pero laking gulat ko nang pumayag si mayor. At mas lalo pa akong nagulat dahil hindi umalis agad si mayor at nakipag chikahan pa sa nanay ko. Nahiya tuloy ako dahil ang topic nila ay ako. Muntik pang ipakita ni mama ang photo album ko n'ong baby pa ako. Mabuti nalang at napigilan ko dahil naalala ko na may picture akong naka hubad n'ong baby pa ako. Nakakahiya naman kong makita yun ni mayor. Natigil ako sa pag-iisip ng maramdaman kong may kumalabit sa braso ko. Agad akong lumingon sa left side ko at nakita ang classmate kong si Melbur. Kumunot agad ang noo ko sa kanya ng makita kong may inabot siya sa 'kin na isang tangkay ng red rose. Naguguluhan naman akong inabot yun. "Pinapaabot mo ba sa 'kin 'to?" Tanong ko. Baka kasi para sa classmate namin 'to at pinapaabot lang niya sa 'kin. Hindi naman ako pinanganak na assumera. "Hindi. Para sa'yo talaga yan." Sagot niya sa 'kin. Sasagot na sana ako ng marinig ko ang boses ni prof. Bigla kasing tumikhim sa likuran namin. Nasa likod kasi ako nakaupo, ayaw ko talaga sa harap, at isa pa matangkad din kasi ako kaya dapat lang nasa likod ako. "Ano yan? May ligawan na bang nagaganap dito sa likod?" Saad ni prof kaya agad nag ingay ang mga classmate ko. Inasar pa talaga ako kaya nalukot ang mukha ko. Matagal na kasing nanliligaw sa 'kin si Melbur at alam yun ng mga classmate ko. Binasted ko na nga ang lalaki dahil hindi ko naman siya type at isa pa lagi ko siyang classmate sa major subject kaya ayaw ko talaga. "Baka mag da-date po yan sila mamaya, prof." Saad ng ka-klase kong lalaki. Huminga ako ng malalim dahil nagsisimula na akong mainis. Pinaka ayaw ko pa naman ay yung inaasar ako at pina-partner sa kung sino-sino. Wala namang problema sa itsura ni Melbur. May itsura naman siya, matangkad, may kaya din sa buhay. Kaso hindi ko siya type. Yung ibang mga babae sa school ay n po-pogian sa kanya, pero ako hindi talaga. Gwapo siya pero nakakasawa tignan ang mukha niya. Narinig kong tumikhim si Melbur ngunit hindi ko siya pinansin. "Pwede ba tayong lumabas mamaya, Eliza?" Tanong sa 'kin ni Melbur. Nakikita ko sa gilid ng mata ko na nakatitig siya sa 'kin habang hinihintay niya ang sagot ko. "Pasenya na! May pupuntahan ako mamaya kasama ang parents ko." Sagot ko habang hindi siya nililingon. Dinig ko ang tawanan ng mga classmate ko at parang pinagtatawanan nila si Melbur. Hindi na ako sumagot pa dahil pati si prof ay nakikisabay sa kakulitan ng mga classmate ko. Mabuti nalang at tumahimik na nang magsimula ng mag seryoso si prof. Nakinig ulit ako habang nag di-disuss si prof. Nagbigay pa talaga ng assignment kaya napakamot ako sa likod ng ulo ko. Natapos ang klase namin kaya agad kong inayos ang bag ko. Lumabas ako sa room at hindi na sumabay sa mga classmate ko. Alam ko kasing gagala lang sila. Yung iba may date, yung iba naman ay pupunta ng plaza para manood ng concert. Ako, uuwi na sa bahay. Mas gusto ko pang humiga kaysa sa gumala. Naglalakad ako sa covered walk mag-isa. May mga kasabay akong estudyante at puro naririnig ko kung saan sila kakain. Mas lalo kong binilisan ang paglalakad ko hanggang sa makarating ako sa gate. Ngumiti pa ako kay kuya guard dahil ka close ko naman si kuya Edgardo. "Uwi ka na, Eliza?" Tanong sa 'kin ni kuya. "Opo, kuya. Mag co-concert nalang ako sa kwarto ko kaysa manood sa plaza." Sagot ko kaya natatawa siya habang napapa-iling. "Ikaw talagang bata ka. Hala, sige mag-ingat ka sa pag uwi." Saad sa 'kin ni kuya Edgardo kaya tumango ako. Lumabas ako ng gate. Napadako ang tingin ko sa babaeng nakatayo sa gilid ng gate. May hawak 'tong bouquet na punong-puno ng mamahaling bulaklak. Halatang mamahalin, unang tingin palang. Nag patuloy nalang ako sa paghakbang dahil baka maingit lang ako sa bouquet na makikita ko. Kanina pa nga do'n sa loob ng skwelaha may mga nakikita na ako na may bitbit na flower. Taga sana all lang ako, wala na ngang flower, wala pang chocolate. Naglalakad ako nang biglang may humawak sa balikat ko. Agad akong lumingon at nakita ang babaeng nakatayo sa gilid ng gate. Ngumiti siya sa 'kin kaya napipilitan akong ngumiti pabalik sa kanya. Hindi ko naman kasi siya kilala. "Ahm.. bakit po?" Tanong ko sa babae. "Hi! Ikaw ba si Elizabeth Santiago?" Tanong sa 'kin ng babae. Dahan-dahan akong tumango. "Ako nga po yun. B-Bakit po?" Naguguluhan kong tanong. "Para sa'yo pala," sabi niya sabay abo ng bouquet. "Naku po! Baka hindi po sa 'kin yan. Baka nagkamali ka lang po." Sabi ko habang iniiling pa ang ulo ko. "Para sa'yo talaga 'to, Ms. Santiago. May nagpapabigay po." Sagot niya sa 'kin saka inilagay sa kamay ko. Naguguluhan naman akong hinawakan ang bouquet habang nakatitig parin sa mukha ng babae. Ang ganda kasi niya, naguguluhan tuloy ako kung taga deliver ba siya ng bulaklak. Wala kasi sa itsura. Matangkad ang babae, sexy kahit simple lang suot niyang damit. Mukha din siyang mabait dahil maamo ang mukha niya. "Wala po akong maisip na may magbibigay po sa 'kin ng ganito, ma'am. Sigurado ka po talaga na para sa 'kin po?" Paninigurado ko sa babae. "Oo. Para sa'yo talaga yan. At don't worry, bayad na yan. Ahh nga pala, may nakalimutan pa ako. Wait ka lang ha! kukinin ko lang sa kotse ko." Sabi niya saka nagmamadaling umalis sa harap ko. Mas lalo akong naguguluhan habang sinusundan siya ng tingin. Lumapit siya sa white BMW niyang kotse. Nakasunod lang ang tingin ko hanggang sa makabalik siya sa harap ko. May dala siyang paper bag at agad niyang inabot 'yon sa 'kin. "Para sa'yo.." sabi niya kaya tinanggap ko ang paper bag. "A-Ano po 'to?" Tanong ko sa babae. "Chocolate. Galing pa yan sa Italy." Nakangiti niyang sabi. "Enjoy your chocolates, Elizabeth." Sabi niya sa 'kin saka umalis sa harap ko. Ako naman ay naguguluhan parin sa nangyari. Hindi ko alam kung sino ang nagbigay sa 'kin nito. N'ong nakaraan din ay may natanggap akong flower, pinadala sa bahay namin pero hindi ko kilala kung sino. Kaya panay ang tanong sa 'kin ni mama kung may manliligaw ba daw ako. Wala akong maisip kung sino. Sumasakit lang ang ulo ko pag iniisip ko. Nakatayo parin ako sa gilid ng kalsada habang pinagmamasdan ang babae kanina na pumasok ng kotse niya. Dumaan ang kotse niya sa harap ko kaya sinundan ko 'to ng tingin. Iniisip ko talaga kung saan ko nakita ang mukha ng babae. Medyo pamilyar kasi sa 'kin pero hindi ko lang maalala kung saan ko siya nakita. Napabuntong hininga na lang ako habang nakatitig sa flower na hawak ko. I WAS DRINKING whiskey from the glass I was holding while waiting for my sister's reply. Kanina ko pa inaabangan ang text niya para malaman ko kung naibigay ba niya kay Elizabeth ang bouquet and chocolate. Gusto ko sanang ako ang magbigay no'n pero wala akong lakas ng loob. Kaya palagi ang bunso kong kapatid ang inuutusan ko. Kapag hindi niya ginawa ang utos ko ay ipasasara ko ang coffee shop niya kaya lagi niya akong binabatukan sa ulo. Hindi na ako makapaghintay sa reply ni Audrey kaya tinawagan ko na ang number niya. Tinungga ko ang baso na may lamang alak habang hinihintay si Audrey na sagutin ang tawag. Naka ilang ring pa ako, after a few moments, Audrey answered my call. "Hi, Kuya!" Bungad niya sa 'kin sa kabilang linya. "Did you give it to Elizabeth?" I asked her. I heard her blow air on the other line. I frowned. "Why? Hindi mo ba nakita si Elizabeth?" Tanong ko sa kapatid ko. "Nakita ko siya, kuya. Kaso nga lang.. hindi ko naibigay ang flower at chocolate na pinapabigay mo." Sagot niya. "Why?" Tanong ko saka umayos ng upo. "Eh pano ako lalapit kung may kasamang lalaki si Elizabeth. I think boyfriend niya yun kasi magka holding hands sila at may dalang flower si Elizabeth ng makita ko silang lumabas ng school." Sagot niya kaya agad uminit ang ulo ko. "What? Boyfriend?" Tanong ko sa seryosong boses. "Oo. Sabi ko naman kasi sa'yo, kuya, pormahan muna. Ayan tuloy naunahan ka." Sagot ng kapatid ko. "Pero in fairness gwapo ang boyfriend ni Elizabeth. Halatang mabait at walang bisyo. Mapupula-pula pa ang labi kaya halatang hindi naninigarilyo. Ang galing pumili ni Elizabeth ha!" Dagdag na sabi ng kapatid ko. Agad kong pinatay ang tawag saka ko malakas na ibinato ang cellphone ko sa pader. Kinuha ko ang bote ng whiskey at agad kong tinungga 'to. Naiinis ako na may kasamang iba si Elizabeth. Damn it! Pumunta pa talaga ako ng Italy para lang bumili ng chocolate. Hindi pa ako natutulog kaya hindi ako nakapasok kanina sa munisipyo. Tapos ito lang ang malalaman ko. Putangina talaga! Gusto kong mag amok sa kalsada at hamunin ang lahat ng dumadaan. Pero naalala ko na mayor nga pala ako. I ran my fingers through my hair in frustration. Iniisip ko kung paano ko sasakalin ang boyfriend ni Elizabeth. Kinuha ko ang bote ng whiskey saka ako uminom ulit. Inilapag ko sa mesa ang bote saka ako tumayo mula sa pagkakaupo ko. Naglakad ako palabas ng opisina ko dito sa bahay. Tinungo ko ang hagdan at nag mamadaling bumaba. Nakita ko pa ang pamangkin kong si Trie kasama ang yaya niya na habang naglalaro. "Titohh.." tawag sa 'kin ng pamangkin ko. Agad naman akong lumapit sa kanya saka ko ginulo ang buhok niya. "Titohh let's play." Nakangusong sabi ng pamangkin ko. "Tito can't play with you right now, Trie." Biglang sulpot ng kapatid ko. "Mommy!!!" Masayang sigaw ng pamangkin ko saka tumakbo papunta kay Audrey. "Aalis ka kuya? Ay wait, pupunta ka sa plaza or pupuntahan mo si Eliza?" Tanong sa 'kin ng kapatid ko habang nakakalokong nakangiti sa 'kin. Karga-karga niya ang kanyang anak na si Trie. "Sa plaza." Tipid kong sagot. "Wee? Naku, wag ka na pumunta do'n, kuya. Baka makita mo pa si Elizabeth na may ka kiss." Sabi niya na halatang inaasar ako. "Shut up, pokwang!" Inis kong sabi saka ako naglakad paalis sa harap niya. Narinig ko pa ang tawa ng kapatid ko. Lumabas ako ng bahay at agad tinungo ang kotse ko. Lumapit ako sa sasakyan ko at binuksan ang pintuan ng driver seat at mabilis na pumasok. Binuhay ko ang makina at agad pinausad. Automatic na bumukas ang gate kaya pinaharurot ko ang kotse ko. May event ngayon at dapat magbibigay ako ng speech. Ngunit, pumasok sa isip ko ang sinabi sa 'kin ni Elizabeth. Naalala ko na hindi siya mahilig sa mga concert. Kaya baka pinagtri-tripan lang ako ng kapatid ko. May gumugulo lang sa isip ko. Baka ayaw ni Elizabeth pumunta ng concert dahil baka may ka date siya sa bahay nila. Naalala ko na naman kasi ang sinabi niyang hindi matatapon ang sabaw dahil kapitbahay niya ang boyfriend niya. Pinaharurot ko ang sasakyan para pumunta sa bahay ni Elizabeth. Gusto kong makasiguro kung may boyfriend ba talaga siya, baka mabaliw lang ako kakaisip pagnagkataon. Mahigpit ang hawak ko sa manibela habang pumapasok sa isipan ko ang iba't-ibang scenario. Napamura ako ng ilang beses dahil kanina pa tumutunog ang cellphone ko. Wala akong planong sumagot dahil alam kong hinahanap na ako sa event. Nakarating ako sa papasok na barangay nila Elizabeth. Tinungo ko ang bahay nila at agad kong inihinto ang kotse sa tapat ng bahay nila. Hindi ako bumaba ng sasakyan habang pinagmamasdan ang bahay nila Elizabeth. Tahimik ang paligid pero may ilaw naman ang bahay. Napakamot ako isa kong kilay dahil sa kabaliwan ko. Dapat talaga hindi na ako pumunta dito. Akmang iuusad ko na sana ang sasakyan ng biglang bumukas ang pintuan ng bahay nila Elizabeth. Agad akong lumingon at nakita ang dalaga na naka suot ng maiksing short at craptop. I can't take my eyes off of her as she walked out of their house. Nakakunot ang noo niya habang pinagmamasdan ang sasakyan ko. Lumapit siya sa kotse ko saka niya kinatok ang bintana ng passenger seat. Ibinaba ko ang window kaya nagkatitigan kaming dalawa. "Mayor? B-Bakit ka po nandito?" Tanong niya sa 'kin na may halong pagtataka. I just stared at her face and didn't answer her question. "Mayor? Ayos ka lang po ba?'' Tanong niya sa 'kin kaya agad akong umiwas ng tingin. "I'm okay now. Nakita kita eh," I answered. "Po?" Takang tanong niya. Naiinis ako kapag sinasabi niya ang po. Nagmumukha akong matanda sa kaka po niya sa 'kin. "A-Ano pong ginagawa mo dito, mayor? Diba po may event sa plaza? Bakit hindi ka po pumunta do'n?" Tanong niya sa 'kin. "Eh ikaw.. bakit hindi ka pumunta sa plaza?" Balik tanong ko sa kanya. "Ahm.. hindi po ako mahilig sa concert, mayor. Yung mga magulang at tiyahin ko po pumunta sila pati narin po ang pinsan ko. Mahilig po kasi sila," sagot niya habang nakangiwi. Pinatay ko ang makina ng kotse saka ko binuksan ang pintuan ng driver seat. Bumaba ako ng kotse at mabilid na naglakad patungo kay Elizabeth. "Ang tahimik ng lugar niyo." Saad ko ng makalapit ako sakanya. "Ahh.. tahimik po talaga dito, mayor. Lalo na po ngayon at nandoon sila sa Bayan para manonood po ng concert." Sagot niya sa 'kin kaya tumango ako. "Ayaw mo bang pumunta talaga?" Tanong ko. Umiling siya. "Ayaw ko po, mayor. Mas gugustuhin ko pang lantakan ang chocolate na bigay sa 'kin habang nanonood ng movie." Sagot niya sa tanong ko. "Chocolate? Nagbigay?" Tanong ko sakanya habang naka kunot ang noo. "Opo, mayor. May nagbigay kasi sa 'kin ng flower at chocolate kanina. Babae pero pinadeliver lang po daw kaya hindi ko po alam kung sino ang nagbigay sa 'kin no'n." Sagot niya. Pinipigilan kong ngumiti dahil para hindi ako mahuli ni Elizabeth. Loko talaga yung kapatid ko, pinagtripan na naman ako. "Sige po, mayor. Pasok na po ako sa loob. Enjoy ka po sa panonood ng concert." Nakangiti niyang paalam sa 'kin. Mabilis kong hinawakan ang kamay niya kaya napatigil siya sa paghakbang. Lumingon siya sa 'kin na may pagtataka. "Samahan mo ko sa pupuntahan ko. Don't worry, hindi concert ang pupuntahan natin." I said. "Saan po, mayor?" Kunot noo niyang tanong. "My favorite view." Sagot ko habang nakatitig parin sa mga mata niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD