Chapter 5
SUMAMA AKO kay mayor Aivann kahit hindi ko alam kung saan kami pupunta. Dala-dala ko pa talaga ang mga chocolate ko para naman may kakainin ako habang nasa sasakyan kami.
Dumaan din si mayor sa isang convenience store at bumili ng chichirya at drinks. Nag suot pa talaga siya ng itim na sumbrero at mask para siguro hindi siya mamukaan sa store.
Hindi ko alam kung bakit hindi pumunta si mayor sa event ngayong gabi. Ayaw naman niya kasing sagutin ang tanong ko.
Tahimik lang akong nakaupo sa passenger seat habang nakatingin sa labas ng bintana. Nagtataka ako dahil palabas na kami ng bayan.
Lumingon ako kay mayor at nakita siyang seryosong nagmamaneho. "Pwede po ba akong mag tanong, mayor?" Tanong ko sa mahinang boses.
"Before you ask question, can you remove po and mayor kapag tayo lang dalawa." Sabi niya kaya kumunot ang noo ko sa pagtataka.
"Eh.. ano po ang itatawag ko sa'yo, mayor? Nakakahiya naman po kung kuya ang itatawag ko po sa'yo." Tanong ko habang binuksan ang bottled water saka ako uminom.
"Call me Aivann. Pwede din ang love." Sagot niya kaya muntik na akong mabilaukan sa iniinom ko.
"M-Mayor naman eh.. seryoso po ako. Kuya nalang po, medyo okay naman po yun 'di ba?" Nakangiwi kong sagot. Ngunit napahawak ako sa suot kong seat belt dahil sa biglang pagpreno ni mayor.
Napatingin pa ako sa harapan namin kung may kotse ba. Pero wala naman akong makita, tahimik ang kalsada at walang dumadaan na sasakyan.
"Bakit mo naman ako tatawagin na kuya?" Tanong sa 'kin ni mayor na halatang naiinis sa sinabi ko.
"Eh kasi po, mayor.. paggalang ko po sa'yo. Dapat po mayor nalang ang itawag ko." Sagot ko sa mahinang boses.
"Call me Love." Nanlaki naman ang mata ko habang nakatitig sa kanya.
"Love? B-Bakit ko naman itatawag yun, mayor?" Naguguluhan kong tanong.
Bumuntong hininga naman siya habang nakatitig parin sa 'kin. Nakahinto ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Mukha pang nakakatakot ang daan dahil ang tahimik.
"Yan ang tawag ng pamilya ko sa 'kin. Love. Kaya love narin tawag mo sa 'kin." Saad niya kaya napatango ako. Baka kasi alyas yun ni mayor, pero ang weird ng alyas niya ha! Love talaga?
Ngumiti ako ng pilit kay mayor. "Sige po, mayor. Ay, este Love po pala." Saad ko saka pinalo ng mahina ang labi ko dahil nagkamali ako.
"Good. From now on, call me love. Ayaw ko ng may po at mayor kapag tayo lang dalawa." Sabi niya sa seryosong boses. Tumango nalamang ako kaya ibinalik ni mayor ang tingin niya sa harap saka pinausad ulit ang sasakyan.
"Love.." tawag ko kay mayor kahit naiilang ako na tinatawag siyang ganun. Pakiramdam ko kasi ay boyfriend ko siya. Para tuloy akong tanga.
"Yes, love?" Sagot niya kaya uminit ang magkabilaang pisngi ko. Parang tanga talaga 'to si mayor.
"Ahm.. ano po kasi.. saan po tayo pupunta? Nakalabas na po kasi tayo sa bayan. Baka po magabihan tayo masyado at maabutan ako nila mama at papa ko na wala sa bahay." Pagsasabi ko ng totoo. Biglaan naman kasi ang pagsama ko kay mayor. Hindi nga ako nagbihis ng damit dahil ayos lang naman daw ang suot ko.
Bigla tuloy akong nakaramdam ng ginaw dahil sa aircon ng sasakyan ni mayor. Lumingon sa 'kin si mayor saka ibinalik ang tingin sa daan. "Nilalamig ka?" Tanong sa 'kin ni mayor.
Tumango ako. Biglang iginilid ni mayor ang sasakyan at itinigil. Tumingin siya sa back seat at inabot ang isang kumot.
Ipinatong ni mayor ang kumot sa katawan ko. Siya pa talaga ang nag ayos at talagang binalot ako ng husto sa kumot. "Nilalamig ka parin ba?" Tanong niya sa 'kin sa malambing na boses.
"Hindi na po, mayor." Sagot ko habang nakatitig kay mayor. Biglang sumeryoso ang mukha ni mayor na ikinapagtataka ko. Agad pumasok sa isip ko ang binanggit ko.
"Ayy sorry, love. Nagkamali lang ako." Nakangiwi kong sabi. Nakakalimutan ko naman kasi na hindi mayor ang itawag sa kanya.
"I accept your apology, love. But, if you call me mayor again, you might not like what I'm going to do to you." Saad niya sa seryosong boses.
Dahan-dahan akong tumango. "Sorry, love. H-Hindi kasi ako sanay." Sagot ko sa mahinang boses sabay yuko.
"It's okay, masasanay ka din." Sagot niya saka pinausad ang sasakyan. Hindi nalang ako nagsalita at baka magkamali na naman ako sa pag tawag sa kanya. Baka bigla akong pababain ni mayor at iwanan dito. Nakakatakot pa naman dahil wala man lang kaming ka bahay-bahay nadadaanan. Puro puno lang, wala din masyadong sasakyan kaming nakakasalubong.
Ilang sandali lang ay may natatanaw akong isang bahay na nakatayo sa malaking puno. Namamangha kong pinagmasdan ang tree house dahil sa design nito. First time kong makakita kaya talagang nagningning ang mga mata ko.
Tumigil ang kotse kaya lumingon ako kay mayor. "Sayo ba yang tree house, love?" Tanong ko.
"Yeah, Did you like it?" Balik tanong niya sa 'kin kaya tumango ako.
"First time kong makakita ng bahay na nasa puno." Sagot ko kaya tumawa siya ng mahina.
"Halika, ipapakita ko sa'yo." Aya niya sa 'kin saka niya binuksan ang pintuan ng driver seat.
Bumaba si mayor kaya agad kong tinanggal ang kumot na nakapatong sa katawan ko saka ko tinanggal ang seat belt. Akmang bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse ng maunahan ako ni mayor.
Nahihiya akong ngumiti kay mayor at yumukod. "Thank you, love." Pagpapasalamat ko. Naiilang talaga ako sa t'wing tinatawag ko siyang love, pero baka magalit sa 'kin si mayor kung tatawagin ko siyang mayor kaya wag nalang.
Inalalayan ako ni mayor bumaba ng sasakyan. Kinuha pa niya ang bag na may lamang drinks at chichirya saka niya isinara ang pinto.
Hawak-hawak niya ako sa braso at para akong inaalalayan niyang maglakad.
Nakatingin lang ako sa nadadaanan naming mga puno. Napakatahimik ng lugar.
Nakarating kami sa harap ng tree house kaya napaangat ako ng tingin.
"Halika!" Aya sa 'kin ni mayor saka tinungo ang hagdan para makarating kami sa itaas.
"Dito ka po ba palagi naglalagi, mayor?" Tanong ko kaya lumingon
sa 'kin si mayor habang nakakunot ang noo.
"Gusto mo talagang maparusahan, Eliza?" Tanong niya.
"Po?" Naguguluhan kong tanong.
"Dinagdagan mo na naman." Sabi niya. "Sinabi ko na sa'yo 'diba? Wag mo kong tatawaging mayor at yung po." Saad niya habang titig na titig sa 'kin.
Napakamot ako sa likod ng ulo ko. "Sorry, love. Nasanay kasi ako. Pasensya na talaga." Paghingi ko ng sorry sa kanya.
"I don't accept your sorry." Sagot niya kaya napakagat ako sa ibabang labi ko.
"Mayor naman eh, last chance nalang po. Patawarin niyo na po ako." Saad ko sa mahinang boses.
Umiling naman siya habang nakatitig parin sa mukha ko. "Ayaw ko! Pero mapapatawad parin naman kita sa isang kondisyon." Saad niya.
"A-Ano yun? Ipapalinis mo ba ang bahay mo, love? Ayos lang sa 'kin." Sabi ko saka tumingin sa paligid.
"Bakit naman kita palilinisin?" Kunot noo niyang tanong.
"Eh.. ano po ba yung kondisyon na sinasabi mo?" Nagtatakang tanong ko.
"This.." saad niya saka hinawakan ang beywang ko saka ako hinila palapit
sa kanya. Nagulat ako sa ginawa ni mayor pero mas nagulat ako ng mabilis niyang sinakop ng halik ang labi ko.
Natulos ako sa kinatatayuan ko. Nakalimutan ko yatang huminga dahil sa ginawa ni mayor. Napasinghap ako ng mahinang kinagat ni mayor ang ibabang labi ko.
Nanlaki ang mga mata ko ng ipasok ni mayor ang dila niya sa loob ng bibig ko na parang may hinahanap. First time kong mahalikan kaya hindi ko alam ang gagawin. Ganito pala ang pakiramdam kapag may humahalik. Iniisip ko tuloy kong pipikit ba ako o hindi.
"Uhmmm.." ungol ko dahil sinipsip ni mayor ang dila ko. Hindi ko mapigilang hindi umungol dahil sa ginagawa niya. Napakapit ako sa balikat ni mayor para kumuha ng supporta at baka matumba ako dahil nanginginig ang tuhod ko.
Tumigil si mayor sa paghalik sa 'kin kaya hinihingal akong nag iwas ng tingin. "Yan ang gagawin ko sa'yo kapag tinawag mo pa ulit akong mayor." Sabi niya kaya napakagat ako sa ibabang labi ko. Hindi ako lumingon kay mayor dahil nahihiya ako.
Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko saka niya ako hinila ng mahina. Nagpatianod nalang ako kay mayor habang umaakyat kami ng hagdan.
Hanggang ngayon ay iniisip ko parin kung bakit niya ako hinalikan. Hindi ko makalimutan kung gaano ka lambot ang labi ni mayor. Nababaliw na talaga ako, kasalanan 'to ni mayor eh.
Kung kanina ay namangha ako sa labas ng tree house. Ngayon naman ay mas lalo akong namangha ng makapasok kami sa loob. Simple lang ang design ng bahay. May sala set, kusina at isang kwarto ang nasa loob. Ang ganda din ng chandelier na nakasabit, halatang mamahalin. May mga paintings din na nakasabit sa pader.
"Dito ako umuuwi kapag pagod na pagod ako sa trabaho." Biglang sabi ni mayor.
Tumango ako dahil wala akong masabi sa kanya. Nahihiya parin kasi ako sa nangyari kanina.
Naglakad si mayor sa sliding door saka niya 'to binuksan. Nakita kong terrace pala ang naka konekta do'n. "Come here.." tawag sa 'kin ni mayor kaya agad akong lumapit sa kanya.
Nanlaki ang mata ko ng bumungad sa 'kin ang lights sa city. Kitang-kita dito sa terrace. Kung maganda sa harap ng tree house, mas maganda pa pala sa likod.
"Ang ganda.." sambit ko. Kaya pala dito siya umuuwi. Ang ganda ng tanawin dito at ang presko ng hangin.
Nakita ko si mayor na may nilalatag na kumot sa sahig. Nang maayos niya yun ay tumingin ulit siya sa 'kin. "Upo ka." Saad niya kaya agad akong lumapit sa kumot na nakalatag. Tinanggal ko pa ang suot kong sandals bago ako umupo sa kumot.
Umupo din si mayor sa tabi ko saka niya inilapag ang pinamili niya kanina na drinks at chips. Inilabas yun lahat ni mayor sa kumot saka siya nagbukas ng inumin saka niya inabot sa 'kin. "Thank you, love." Pagpapasalamat ko. Hindi na ako pwedeng magkamali dahil baka masipsip ulit ang dila ko.
Nakita kong mgumiti si mayor sa sinabi ko habang nagbubukas ng chichirya.
"Bakit ka natatawa?" Tanong ko.
"Akala ko kasi magkakamali ka ulit. Gusto ko sanang matawag mo akong mayor para masipsip ko ulit ang dila mo." Sabi niya kaya biglang uminit ang magkabilaang pisngi ko.
Umiwas ako ng tingin dahil naalala ko na naman ang nangyari. Inabot naman sa 'kin ni mayor ang binuksan niya kaya agad akong kumuha para kumain. Bahala si mayor.
Habang kumakain ako ay panay naman ang lipad ng buhok ko sa mukha ko. Hindi tuloy ako makakain ng maayos.
Biglang lumipat si mayor sa likuran ko saka niya hinawakan ang buhok ko. "Continue eating, love. Hawakan ko nalang muna ang buhok mo para hindi ka maistorbo sa pagkain." Saad niya kaya hindi ko mapigilang hindi mapangiti.
"Thank you.." sagot ko saka kumain ulit.
"Bakit hindi ka pumunta sa event, love?" Tanong ko dahil hindi niya ako sinagot kanina.
"Ikaw bakit hindi ka pumunta?" Balik tanong niya katulad kanina.
"Eh hindi naman talaga ako mahilig sa ganun. Eh bakit ikaw.. wala ka bang date ngayon?" Tanong ko dahil napaka imposible naman na walang girlfriend si mayor. Akala ko nga makikipag date siya pagkatapos niyang mag speech sa plaza.
"Wala akong girlfriend." Sagot niya habang hawak parin ang buhok ko.
"Wee? Talaga? Bakit naman?" Sunod-sunod kong tanong dahil hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.
"Manililigaw palang kasi ako," sagot niya kaya bigla akong natahimik. Ewan ko, bakit para akong nawalan ng gana kumain.
"Ahh.. may nililigawan ka po, mayor? Siguro po ako na isang model yun. Mas bagay kasi sa'yo ang mga ganung babae. Yung maganda, sexy, mayaman." Saad ko at hindi pinahalata na malungkot ako.
"Model? Hindi ako mahilig sa model." Sagot niya. Kumuha ako ng chips para sana isubo ko sa bibig ko ng mabilis hawakan ni mayor ang palapulsuhan ko saka niya inilapit ang bibig niya sa hawak kong chips at sinubo.
Hindi nalang ako umangal sa ginawa niya. "Ayaw mo sa model, love? Mas bagay kaya yun sa'yo. Pwede din business woman para pareho kayo." Suhestyon ko pa.
Naramdaman kong bigla akong niyakap ni mayor mula sa likuran kaya nagulat ako. Nakadikit ang katawan niya sa likod ko kaya parang nakalimutan kong huminga na naman.
Napasinghap ako ng ilapit ni mayor ang labi niya sa isa kong teynga. "Bakit mo ba ako pinipilit sa model at business woman? Hindi naman sila ang type ko." Bulong niya sa teynga ko. Nagsitayuan tuloy ang balahibo ko sa katawan.
Napasinghap ako ng kagatin ni mayor ang gilid ng teynga ko. "Ikaw ang gusto ko, Elizabeth. Kaya wag mo kong ipagtulakan sa iba dahil ikaw lang sapat na." Bulong niya sa 'kin kaya nanlaki ang mga mata ko.