Chapter 6

1935 Words
Chapter 6 NAKATULALA AKO habang iniisip ang sinabi ni mayor sa 'kin kagabi. Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala sa mga sinabi niya. Halo-halo ang nararamdaman ko kagabi ng sabihin niyang may gusto siya sa 'kin. Nangingibabaw ang pagdududa, masyadong gwapo si mayor, kaya ang daming mga babaeng baliw sa kanya dahil hindi lang siya gwapo, matangkad pa. Maganda din ang pangangatawan kaya laging sinasabi ng mga bakla na ang yummy daw ng katawan ni mayor. Mayaman pa, plus points din ang bad boy look niya kaya talagang nagtitilian ang mga babae kapag nakikita siyang nangangampanya dati. Kaya hindi ako makapaniwala na may gusto siya sa 'kin. Pakiramdam ko kasi ay pinagtitripan lang niya ako. Hinatid niya ako kagabi dahil nag pumilit ako na uuwi na. Dinahilan ko na baka umuwi na ang mga magulang ko at hanapin ako. Pero ang totoo ay hindi ko lang alam ang sasabihin ko sa kanya. Sino ba naman kasing hindi magugulat sa sinabi niya. Natatakot tuloy akong mag duty ngayong araw. Pwede naman akong hindi mag duty kung gugustuhin ko pero sayang kasi, masyado pang malaki ang hours na pupunuin ko. Kahit ayaw kong kumilos ay wala na akong nagawa kundi bumangon sa kama. Tumayo ako at akmang maglalakad na sana para lumabas ng kwarto ng biglang tumunog ang cellphone ko sa kama. Agad kong kinuha yun at nakita sa screen ng cellphone ko ang Love. Hindi ako ang nag save ng number niya kundi siya. Sinabi ko sa kanya na mayor ang isave na name pero ayaw niya pumayag. Ayaw kong sagutin ang tawag ni mayor. Kanina ko pa din pinagdarasal na sana hindi pumunta si mayor sa munisipyo. Nahihiya talaga ako at wala akong gustong sabihin sa kanya. Tumigil sa kakaingay ang cellphone ko kaya nakahinga ako ng maluwag. Ngunit bigla na namang tumawag si mayor kaya bumilis ang t***k ng puso ko. Kinakabahan ako sa kanya. Tumikhim muna ako saka ko pinindot ang answer call. Itinapat ko ang cellphone sa kaliwang teynga ko at hindi ako nagsalita. Hinihintay ko siyang mauna. "Elizabeth.." tawag niya sa pangalan ko sa namamaos na boses. "Ahm.. good morning po, mayor." Bati ko sa kanya. "Tinatawag mo na naman akong mayor, huh!" Saad niya sa kabilang linya. "K-Kasi po mayor baka may makarinig po sa'yo na kausap ako or ako marinig ng parents ko. Baka magtaka po sila na pag narinig ang salitang love." Depensa ko sabay nagkamot sa likod ng ulo ko. "Naka ready ka na ba?" Tanong niya sa 'kin. Kumunot ang noo ko. "Ready po saan, mayor? Sorry po, lutang lang po ako. Kagigising ko lang po kasi." Pagsisinungaling ko kahit hindi naman, hindi nga ako nakatulog ng maayos kagabi. "Take a shower, love. I will wait for you outside." Sabi niya kaya nanlaki ang mga mata ko. Napatakbo pa ako papunta sa bintana saka binuksan 'to. Sumilip ako sa bintana at nakita ang kotse ni mayor na naka park sa harap ng bahay ng kapitbahay namin. "I can see you from here, love. Did I surprise you?" Tanong niya sa 'kin. "B-Bakit ka pumunta dito, mayor? Bakit ang aga mong pumunta di—" "Hindi naman ako pumunta, love. Hindi naman ako umuwi kagabi nang mahatid kita." Pagpuputol niya sa sasabihin ko kaya mas lalong nanlaki ang mga mata ko. Umatras ako mula sa pagkakadungaw sa bintana at nagmamadaling kinuha ang t'walya na nakasabit sa pader. "Sabay na tayong kumain ng breakfast, love." Sabi niya kaya pinatay ko ang tawag. Napasabunot ako sa buhok ko dahil sa ginagawa ni mayor. Mababaliw na yata ako. Dali-dali akong lumabas ng kwarto at tinungo ang banyo namin. Nakasalubong ko pa si mama na nagluluto ng almusal namin. "Oh, anak.. bakit ka nagmamadali?" Tanong pa sa 'kin ni mama. Nag-isip naman ako ng isasagot ko kay mama. "Ahm.. kasi po mama, may dadaanan pa pala ako sa school bago ako pupunta ng munisipyo. Ngayon na po pala pasahan nang project namin." Palusot ko saka ako nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makapasok ako ng banyo. "Ikaw talagang bata ka.. may kailangan ka palang gawin sa school niyo ang tagal-tagal mong kumilos. Bilisan mo maligo para makakain ka ng agahan." Sigaw ni mama. Hinubad ko naman ang lahat ng saplot ko sa katawan. "Wag na po, mama. Sa school na po ako kakain." Sagot ko saka ako nag buhos ng tubig. "Aba, anong akala mo satin mayaman? Dito ka na kumain ng agahan. Naku talaga kayong mga kabataan.. napakaswerte niyo ngayon. Kami dati, baon namin piso lang. Tapos binabalot namin sa dahon ng saging ang baon namin. Ganyan kami katipid dati. Alas 5 palang nakabihis na kami dahil lalakarin pa namin ang skwelahan. Pero kayo, hinahatid pa sa school minsan sumasakay ng jeep." Dinig kong sabi ni mama sa kusina. Kinikwento na naman ang kapanahunan ni kupong-kupong. Hindi na ako sumagot kay mama at baka mag armalite na naman ang bibig niya. Minadali ko nalang ang pagligo ko lalo na't hinihintay ako ni mayor. Naguguluhan talaga ako sa kanya. Gusto ko sanang itanong kung seryoso ba talaga siya sa sinabi niya kagabi. Baka kasi nanliligaw na siya, mabuti na yung alam ko para mabasted ko na agad. Mabilis kong tinapos ang pagligo ko saka ko itinapis ang t'walya sa katawan ko. Lumabas ako ng banyo at nagmamadali akong tinungo ang kwarto ko. Dumeritso ako sa lagayan ng damit ko saka ako kumuha ng susuotin ko. Nalukot ang mukha ko ng wala na akong makitang slacks ko. Napalingon ako sa lagayan ng labahan ko at nakitang punong-puno yun. Napatampal ako sa noo ko dahil nakalimutan ko palang maglaba. No choice ako kundi mag suot ng skirt. Bahala na kung magalit man si mayor. Pinartneran ko 'to ng white strap top saka ko pinatungan ng black blazer. Nag suklay agad ako ng buhok ko sa harap ng salamin. Tumutulo pa ang buhok ko kaya pinunasan ko ulit gamit ng t'walya. Naglagay narin ako ng light make up saka ko kinuha ang pabango ko. Nag spray lang ako sa katawan ko. Nang maayos na ang itsura ko ay agad kong kinuha ang shoulder bag ko na nakapatong sa kama pati narin ang cellphone ko. Dali-dali akong lumabas ng kwarto at nakita pa si mama na nagtitimpla ng kape. "Ohh kumain ka munang bata ka." Sabi niya sa 'kin. "Hindi na po, ma. Hindi pa naman din ako nagugutom." Sagot ko habang nag patuloy lang sa paglalakad. "Mag-iingat ka!" Pahabol pa na sigaw ni mama. "Opo, mama." Sagot ko saka tuluyang lumabas ng bahay. Nagdadalawang isip ako kung lalapit ba ako sa kotse ni mayor. Baka makita ako ng mga tsismosa naming kapitbahay at makita si mayor. Naglakakad ako papunta sa kalsada hanggang sa makita ko ang kotse ni mayor. Nakayuko ako dahil nag t-type ako ng message para sa kanya. Nilagpasan ko ang kotse ni mayor at sakto namang sinend ko ang text ko sa kanya. Sinabi ko kasi na baka makita siya ng mga kapitbahay ko. Grabe pa naman ang mga mata nila, akala mo'y pinaglihi sa agila. Baka magulat nalang ako pag uwi ako na ang topic ng mga marites dito samin. Habang naglalakad ako ay may nakasunod naman na kotse sa 'kin. Alam kong si mayor yun kahit hindi ako lumingon. Nakalabas ako sa highway kaya palinga-linga ako sa paligid. Nagulat pa ako ng biglang huminto ang kotse ni mayor sa harap ko. Mababaliw talaga ako sa kanya, ngayon pa nga lang para na akong baliw para lang hindi siya makita ng mga tao. Dali-dali kong binuksan ang pintuan ng passenger seat saka ako pumasok sa loob. Napanguso ako ng makita kong magkasalubong ang kilay ni mayor. "B-Bakit po, mayor? May problema po ba?" Naguguluhan kong tanong. "Tinatawag mo na naman akong mayor. At bakit nakasuot ka ng skirt?" Tanong niya sa seryosong boses. "Ahm.. kasi wala na akong slacks, puro nasa labahan. Nakalimutan ko kasing maglaba." Sagot ko sa mahinang boses. Bigla namang kumalma ang mukha ni mayor. Napansin ko ang suot niya na kapareho lang din kagabi. Ibig sabihin talaga ay hindi siya umalis sa harap ng bahay namin. "Bakit hindi ka umalis kagabi? Saan ka natulog?" Tanong ko sa kanya. "Dito sa loob ng kotse." Sagot niya saka pinausad ang sasakyan. Tumango ako. "Pupunta na po ba tayo sa munisipyo?" Tanong ko ulit. "No. Sa tree house tayo." Sagot niya habang naka focus ang tingin sa daan. Hindi nalang ako sumagot sa sinabi niya saka ako tumingin sa labas ng bintana. "Nagugutom ka na ba?" Biglang tanong ni mayor. Umiling ako. "Hindi pa naman po m— love." Sagot ko. Muntik ko pang makalimutan ang tawag ko sa kanya. "Sayang." Bulong niyang sabi. Tumahimik ulit kami hanggang sa may dinaanan kaming restaurant. Hindi na kami bumaba dahil naka abang na ang isang crew sa labas ng restaurant habang bitbit ang dalawang malalaking paper bag. Inabot pa sa 'kin ni mayor ang burger at isang coffee kaya agad ko 'tong tinanggap. Bumyahe ulit kami dahil medyo malayo ang tree house na pag-aari ni mayor. Kagabi, buti nalang at nauna akong dumating kaysa sa mga magulang ko. Hindi ko pa naman alam ang isasagot ko kung sakaling nahuli ako kagabi. Isang oras mahigit ang byahe namin hanggang sa nakarating kami sa tree house. Agad na iginilid ni mayor ang sasakyan saka niya pinatay ang makina ng kotse. Tumingin siya sa 'kin. "Bakit po, mayor?" Takang tanong ko. Bigla nalang inilapit ni mayor ang mukha niya sa 'kin at sinakop ng halik ang labi ko. Nanlaki ang mata ko habang nakatitig sa mukha ni mayor. Mabilis kong tinulak si mayor kaya napatigil siya sa paghalik sa 'kin. "Hindi ba't sabi ko sa'yo parurusahan kita kapag tinawag mo ulit akong mayor." Saad niya habang seryosong nakatitig sa 'kin. Napakagat ako sa ibabang labi ko at mabilis na tumingin sa labas ng bintana. "N-Nagugutom na ako, love." Pag-iiba ko sa usapan. "Good. Let's go. Baka ikaw pa ang gawin kong agahan." Sabi niya kaya uminit ang magkabilaang pisngi ko. Ano bang ginagawa sa 'kin ni mayor. Hindi ko naman siya type eh, sa katunayan hindi ko siya gusto na mayor pero bakit ganun, parang biglang nag-iba. Bumaba si mayor sa kotse at agad na umikot papuntang passenger seat. Pinagbuksan niya ako ng pintuan saka ako inalalayan bumaba. Pinagsiklop pa talaga niya ang kamay naming dalawa kaya para tuloy may kuryenteng dumaloy sa katawan ko na hindi ko maintindihan. Nagpatianod lang ako kay mayor hanggang sa makaakyat kami sa tree house. Binuksan ni mayor ang pintuan saka kami pumasok. Tinungo namin ang kusina saka niya inilapag ang dala-dala niyang paper bag sa mesa. "Upo ka muna, love. Aayusin ko lang 'to sa mesa." Sabi niya saka niya ako pinaghugot ng upuan kaya umupo ako. Nakasunod lang ang tingin ko kay mayor na inaayos ang pagkain sa harap ko. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti dahil napaka seryoso ng mukha niya. Lumingon siya sa 'kin. "Coffee or milk?" Tanong niya sa 'kin. Napangiwi ako. "Baliktad. Diba ako dapat ang nagtatanong kung gusto mo ng kape." Naiilang kong sabi. "Wala tayo sa munisipyo, love. Wala ding ibang tao dito, tayo lang dalawa. Kaya ikaw ang pagsisilbihan ko." Sabi niya saka lumapit sa 'kin. "Seryoso ako kagabi, Elizabeth. Gusto kita. Ayaw ko ng magpaligoy-ligoy pa. Ayaw kong maunahan ako ng iba at sa huli ay pagsisisihan ko. Kaya dapat masanay ka na sa 'kin. Sa kotse ako matutulog habang nasa tapat ng bahay niyo. Gagawin ko yun hanggang sa makatabi na kita matulog." Sabi niya kaya napatulala ako. Nahihibang na talaga 'to si mayor. Mabilis niyang dinampian ng halik ang labi ko kaya napakurap-kurap ako sa harap niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD