bc

A collaboration with different writer. Mapaglaro ang tadhana, at alam 'yon ni Riza. Pero ang hindi niya maunawaan ay kung bakit

book_age16+
44
FOLLOW
1K
READ
sex
second chance
pregnant
rejected
secrets
like
intro-logo
Blurb

A collaboration with different writer.

Mapaglaro ang tadhana, at alam 'yon ni Riza. Pero ang hindi niya maunawaan ay kung bakit sa lahat lahat ng tao ay ang ina niya pa ang magiging kaagaw sa lalaking minamahal niya.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Tricycle?"  Umiling siya at sinabi, “Hindi po, Tatay."  Ngumiti naman sa kanya ang matandang tricycle driver at saka umalis na. Maglalakad lang siya dahil ang baon niya ay pambili niya lang ng project mamaya at pang-recess. At isa pa malapit lang naman ang eskwelahan kaya hindi na siya nagmamaganda at sumakay pa ng tricycle. Patingin-tingin lang siya sa lalaki nang nakalampas na ito sa kanya ngayon dahil sa bilis niyang maglakad, parang kanina lang ay na sa likuran niya lamg ito. Ang tangkad niya at ang haba rin kasi ng kaniyang mga paa. At kahit naka-side view ito alam niyang gwapo ang lalaki na naka-uniform din tulad niya kaya alam niya na estudyante rin. Napangisi siya nang may naiisip na naman siyang kalokohan.  “Psst, kuya,” tawag niya pero hindi siya nito pinansin. “Kuya, bukas ang zipper mo."  Nagpipigil siya na ngumiti nang tumigil ito at bumaba ang ulo, at tumingin sa ibaba. Pilit niya pinipigilan matawa sa kalokohan niya. Naabutan niya na ito pero lumayo siya at nilampasan ang lalaki.  Umismid siya ng nakita sa gilid ng mata niyang nakatingin ito sa kanya. "Joke lang."  Maya-maya lang ay sumigaw ang lalaki at sinabi, “May tagos ka."  Pero hindi naniniwala ang babae. Tiningnan niya lang ang lalaki at umirap. Naglakad ulit siya. Ano siya tanga para maniwala sa mokong na iyon? Hindi niya naman ito kilala kaya bakit siya maniniwala? Panigurado ay gumaganti lang siya ngayon. However, pinagtitinginan na siya ng mga tao pero wala siyang pakialam. Dahil siguro 'yon sa mukha niyang nakabusangot.  "Bakit ba ayaw mong maniwalang may tagos ka nga."  Agad na napatingin siya sa lalaki. At nanlaki ang matang tiningnan niya ito dahil ang bilis niya naman at nahabol niya siya kaagad. Napaigtid pa siya ng pumaikot ang kamay nito sa bewang niya. Akmang itutulak niya ito nang makita jacket pala ang tinatali ng lalaki. Kaagad niyang sinilip ang likod na natatakpan ng jacket at lumakas ang kabig ng puso niya nang ibalik ang tingin sa lalaki na ngayon ay tapos ng itali ang jacket sa bewang niya. Bigla siyang nahiya dito. "Thank you," ani niya at hindi magawang tingnan ang lalaki.  "Ang kulit mo kasi. Sinabihan na kita kanina doon sa wala pang masyadong tao pero ayaw mo’ng maniwala."  Napaangat siya ng tingin dahil sa sinabi nito. "Malay ko ba na ginagantihan mo lang pala ako sa ginawa ko kanina?" matatawa niyang sabi at napailing-iling.  Hindi makapaniwalang napatitig siya sa lalaki. Ang gwapo pala talaga nito, singkit ang mga mata at ang tangos din ng ilong. Moreno siya pero hindi 'yon nagpabawas sa kagwapuhan niya Nakanganga lang siya at bumalik lang ang diwa niya nang tumingin ito sa kaniya. Nagkatinginan silang dalawa nang tumunog ang monesipyo. Kapag ganoon kasi flag ceremony na kaya hindi na sila nakaabot at late na sila. Siya naman ay kailangan pang umuwi para magpalit.  "Sige. Time na pala, late ka na. Ako kasi uuwi pa ako para magpalit. Salamat dito sa jacket mo, ‘wag kang mag-alala dahil ibabalik ko 'to sayo pagkatapos kong labhan,” paalam niya. Tumango ito kaya napakamot na lang siya sa pisngi at saka tumalikod. Natigil lang siya sa paglalakad nang maramdaman niya na may sumusunod sa kanya. Tinignan niya at ang lalaki lang pala. Tumaas ang dalawa niyang kilay sa lalaki as she is asking him a question without opening her mouth. “Sasamahan na lang kita para may kasama ka mamaya pagbalik mo." "Late ka na, eh."   "Late naman na talaga ako kaya sasamahan na lang kita."  Tumango na lang din siya kasi wala naman siyang magagawa at sumusunod na ang lalaki sa kaniya.  "Nga pala bago ka lang dito?" tanong niya at tinignan ang lalaki. Tahimik lang kasi ito sa tabi niya. Nag-assume pa naman siyang na may gusto sa kaniya ang lalaki kaya sumama ito talaga. Wala naman ginagawa ang lalaki at hindi siya tinatanong kung may jowa ba siya kaya malamang wala talaga siyang gusto sa kaniya.  "Yeah, bigla kasing nalipat si Nanay d'yan sa elementary kaya lumipat kaming lahat dito."  "Ibig sabihin teacher ang Nanay mo,” pag-uusisa niya at tumango-tango ang lalaki. “Eh, ‘di mayaman pala kayo."  "Sakto lang. Nakakakain ng tatlong beses sa isang araw," sagot nito.  Napangiti naman siya, ang humble niya naman. Hindi mayabang tulad na lang ng mga gwapo na nakikita niya o mga kaklase niya. "Ibig lang sabihin transferee ka pala. Ngayon ang first day mo?” tanong niya ulit at tumango ulit ang lalaki. “Diyan na ang bahay namin." Turo niya sa bahay na medyo nasa malayo pa sila. Ayaw niyang dalhin sa malapit-lapit sa kanila ang lalaki at baka makita pa sila ng kabitbahay niya na mga tsismosa. At baka kung anu-ano pa ang sabihin ng mga ito sa kanila. "Dito ka muna. Hintayin mo ako dito, ah, babalik ako pagkatapos kong magpalit ng damit,” paalam niya at tumango ang lalaki kaya iniwan niya na siya at pumasok sa loob ng bahay niya. Nagtataka naman ang nanay niya nang makita siya. "Anong ginagawa mo rito? Bakit bumalik ka?"  "Tinagusan ako, Nay. Nakakainis kasi 'tong regla ko. Ang lakas-lakas,” reklamo niya habang naghuhubad siya. Samantala naghahalungkat naman ang nanay niya. Binigyan siya nito ng bagong palda at panty na may kasamang short.  "Maghugas ka ulit doon. Tapos maglagay ka ng napkin sa panty mo,” utos ng nanay niya. Tumango naman siya. Tinanggap niya ang binigay nito at saka pumasok sa loob na ng banyo dala-dala ang napkin at panty. Naka-panty lang na lumabas siya. Ang nanay niya naman tinaasan siya ng kilay.  "Tayo lang naman, Nay, eh."  "Dalaga ka na kaya dapat umakto kang dalaga, at saka dapat tigilan mo na 'yang kakalaro sa labas dahil mangingitim ka lalo. Mga bata pa naman ang kalaro mo,” sermon nito. Papasok na nga lang siya nakatikim pa siya ng sermon sa ina. "Opo, Nay," sagot niya na may galang. "Daliin mo na d'yan, late ka na,” paalala ng nanay niya.  Kaya naman nagmadali na siya sa pagkilos lalo na at may naghihintay sa kanya sa labas. Dinamay pa talaga niya ang lalaki.  "Nay, alis na ako!" paalam niya. "Mag-tricycle ka na, oh." At inabutan siya nito ng bente na kaagad niyang tinanggap. Sayang din 'yon.  "Salamat, Nay!" sigaw niya at saka nagmamadaling lumabas ng bahay. Lakad at takbo ang ginawa niya para mapadali ang pagpunta niya sa lalaki.  Mula naman sa malayo ay nakita niya ang lalaki na pinaglalaruan ang mga bato sa lupa gamit ang paa niya. Tumigil lang ito nang makita siya.  "Sorry, ang tagal ko." Hinihingal na tumigil siya sa harapan ng lalaki.  Tumayo naman na ito at sumagot, “Okay lang."  "Matagal ba ako? Sorry, ah?" paumanhin niya at nagsimula na silang maglakad. Bigla naman na napatingin siya sa orasan. “Dios ko! Malapit na matapos ang unang subject. Gusto mo bang mag-tricycle na lang tayo?" tanong niya. Hindi ito sumagot kaya naman tumawag na siya ng tricycle. Baka nahihiya lang ito.  Nauna na siyang pumasok sa loob bago sumunod ang lalaki. Nakatingin lang siya sa harapan niya na maliit na salamin at  sa mukha niya siya nakatingin. Samantala napatingin siya sa braso niya dahil tumitindig ang balahibo niya sa balat nila na nagkakadikit sa tuwing umaalog ang tricycle. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold-hearted Beast -SPG-

read
42.4K
bc

The Young Master's Obsession (SPG)

read
74.6K
bc

Behind The Billionaire's Contract

read
25.4K
bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

PLEASURE (R—**8)

read
57.8K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.7K
bc

My Serbidora owns me. George Zoran Zither

read
29.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook