RAINE’s POV "Tristan..." "Hmmmn?" "Tristan...." "Ano?!" "Galit ka?!" "....." Hay, nako. Kanina ko pa siya gustong kausapin pero mukhang nagtatampo talaga ang tipaklong na asawa ko. Ang hirap amuin ng loko. Bakit ba siya nagtatampo? Ayaw ko pa kasing ahem makipagtoot-toot sa kanya. Dalawang buwan na kaya akong buntis. Paano kung matusok niya si baby sa loob? Ang haba kaya nung kanya! Paano kung mapisa si baby? Eh di made-deform siya! Paano kung masobrahan niya sa paggalaw? Baka pilay ang baby namin paglabas! Basta. Ayoko! Nakakatampo. Tatlong taon na nga niyang pinagsawaan ang katawan ko. Pasalamat nga siya at pumayag na akong magbuntis kahit 'di pa kami kinakasal sa simbahan. Para pitong buwan lang siyang magtitiis, 'di pa siya makapag-sacrifice para sa amin ng magiging anak niya.

