Axelle’s POV Nang maramdaman ko ang pagtugon niya sa mga halik ko ay mas lalong nalasing ang diwa ko. Agad sumiklab ang apoy sa katawan ko at tuluyan na ngang natangay ng init ng mga halik niya ang natitira kong huwisyo. Ganitong-ganito ang mga halik niya at ang pakiramdam ng mahalikan niya, at maangkin ng mga labi niya sa mga panaginip at imahinasyon ko, ang pinagkaiba, this time it’s real… Ngunit sa gitna ng halikan naming dalawa naramdaman ko ang pagtukod ng isang kamay niya sa kama sa gilid ko at bahagyang pag-angat ng katawan niya mula sa pagkakadagan sa ‘kin ngunit nang maramdaman kong tila nais niyang kumawala’y, natakot akong huminto siya kaya mas hinigpitan ko ang pagkakayakap ng mga braso ko sa kanya, drew him even closer. Gusto ko ang pakiramdam ng pagkakalapat ng kata

