Axelle’s POV “How is she!” Kay bilis kong napalingon sa may pinto ng marinig ko ang nag-aalalang boses ni Ate Cassy sa labas. “She’s inside, Babe,” it was Kuya Izzie’s voice. Muli kong pinikit ang mga mata at nagpanggap na tulog nang bumukas ang pinto. Pinapakiramdam ko siya. Narinig ko ang pagtunog ng takong niya papasok sa loob ng kwarto hanggang sa makalapit siya at huminto sa gilid ng kama sa tabi ko. Inasahan kong pagagalitan niya ‘ko ngunit ni saglit ‘di ako nakarinig ng masasakit na salita mula sa kanya bagkus ay ramdam ko ang sobrang pag-alala niya, ni ‘di ko mababakasan na naiinis o nagagalit siya ginawa ko. Inalagaan niya ‘ko. At ngayo nga’y pinupunasan niya ng bimbo ang mga braso ko habang panay ang kausap niya sa ‘kin kahit na akala niya’y wala akong malay dahil sa ka

