Axelle’s POV Hindi tumutol si Papa. Baka napagod na siya o baka gusto na niyang mawala ako sa puder niya. Naiintindihan ko siya kung sakali. Walang mga magulang ang matutuwa sa pinaggagawa ko sa buhay. Dumalo ang mga magulang ko sa kasal namin ni Kuya Izzie ngunit ‘di ko maramdaman ang presensya nila. Alam kong napilitan lang silang pumunta dahil kailangan, dahil sila ang mga magulang ko at responsibilidad nilang dumalo. Maging ang presensya ni Izzie ‘di ko maramdaman, dama kong napipilitan lang rin siya. But what did I expect? Ako lang naman ang may gustong makasal sa kanya habang siya’y iba ang nais na maihatid sa altar at makasama habang buhay. Maliban kina Papa, naroon rin ang mga magulang ni Kuya Izzie kasama sina Tito Justine, na kakambal ni Tita Jazlyn at ang asawa nitong si Tit

