Chapter 1

1994 Words
Cassiane Axelle Olivares’s POV Nabigla ako at halos mapamura sa lakas ng musikang bumabayo mula sa first floor ng bahay. “You gotta be kidding me!” Anas ko. Agad na umakyat ang dugo ko sa ulo. Hindi ako makapag-concentrate sa pag-aaral kapag may naririnig akong ingay tapos long quiz pa namin bukas. “Christ! Kuya!” Inis na tumayo ako. Nakakamaong na papadyak ako ng paa. Napapikit ako sa galit. Sinamantala na naman ng kuya na kami lang dalawa at walang sisita sa kalokohan niya. Wala ang mga magulang namin umuwing probinsya dahil namatay ang tiyahin namin, dalawang araw itong mawawala. Hindi kami sinama ni Kuya dahil may mga klase kaming dalawa. Si Ate Cassy naman may fashion show sa Bali, Indonesia. Sa kanilang tatlo lang naman siya takot kaya itong magaling kong kapatid ginawa na namang club ang bahay namin. He’s always been like this everytime our parents are away. Hindi ako nagsusumbong dahil ayokong pagalitan siya basta wag niya lang akong maistorbo lalo na kapag nag-aaral ako pero mukhang hindi kami nagkakaintindihan dalawa. It was so obvious na wala siyang paki sa ‘kin, alam naman nitong araw-araw nag-aaral ako. Kanina pa sila sa ibaba, wala akong paki dahil nakakapag-aral naman ako ng maayos hanggang sa nilakasan nga nito ang tugtog ng stereo. Nagbuka ako ng mga mata at napatingin sa desk ko. Sa lakas ng tugtog napapasayaw na rin ang mga gamit sa ibabaw ng desk ko. Nagmartsa ako patungo sa pinto palabas ng kwarto upang sitahin ito. Domuble nga ang lakas ng tugtog sa pagbukas ko ng pinto, nakakabingi, at mas lalong nakaramdam ako ng inis! Nakapatay ang ilaw sa first floor at humalili ang kumikislap na disco lights. Literal na naging club na nga ang bahay namin. Kay laki at kay bilis ng bawat hakbang ko papuntang hagdanan. Nahinto ako saglit at sinilip ko ang mga ito mula sa railing ng hallway malapit sa may hagdan. May mga lalaki at babaeng nagsasayawan. Mga bagong mukha ang ilan sa kanila. Ang iba’y nakikita ko ng kasama ni Kuya sa school. Agad na hinanap ng mga mata ko si Kuya. Naningkit ang mga mata ko nang makita ko siyang masayang nakikipagharutan sa kasayaw nitong babae. Nakatalikod sa kanya ang babae habang nakasandal ang likod nito sa dibdib niya at gumigiling pababa. Kilala ko siya, she’s Eve, I don’t like her. She’s a flirt, kilala siya sa pagiging playgirl at kung sino-sinog lalaki ang pinapatulan sa university. Na-o-O-a-han talaga ako sa kanya ta’s napaka-arte. Napatingin muli ako sa kapatid ko. Nakataas ang isang kamay nito sa ere, nakangiti may hawak na bote ng beer habang ini-enjoy ang pagsasayaw sa kanya ni Eve. “Living his best life, huh? Habang ako rito living in hell! Saya-saya ka, wait ka lang,” naiirita kong saad. Inis na nagpatuloy ako sa paghakbang patungong hagdanan. Bumaba ako. Nagpupuyos ang loob ko sa galit habang kay talim ng titig ko kay Kuya. Pagkababa ko ng hagdan ay nilapitan ko siya at kinalabit. Napangiwi ako ng maamoy ang matapang na amoy ng alak at sigarilyo. “Kuya!” Tawag ko sa kanya but he was ignoring me. Lasing na ito. Napatitig ako sa kanya, napakanot noo parang may kakaiba sa kinikilos niya, tila wala ito sa sarili. Muli ko siyang tinawag. Imposibleng ‘di niya ako marinig at ‘di mapansin ngunit nanatiling wala siyang paki sa ‘kin. “Kuya!” Nilakasan ko pa ang pagtawag sa kanya but he just kept on ignoring me. “Kuya naman, eh! Hindi ako makapag-concentrate! Nag-aaral ako! Pakihinaan naman ‘yung tugtug!” Sigaw ko. Kailangan kong sumigaw baka sakaling marinig niya ‘ko. Sa inis ko, hinila ko na ang suot niyang t-shirt. Sa wakas ay nagawa niya ‘kong tingnan ngunit bahagya nga lang niya ‘kong sinulyapan, namumungay ang mga mata, tila ‘di niya ako kilala at nagpatuloy sa pagsayaw. Naiiyak na ‘ko. “Hi,” nagulat ako ng lumapit ang isa sa tropa niya sa ‘kin. Napaatras ako at masama ko siyang tinignan. Hindi ko siya kilala. Ngayon ko lang nakita. “Gusto mo?” Alok niya sa ‘kin ng hawak niyang shot glass. Sinimangutan ko siya at pinakita ang pagkadisguto ko sa paglapit at sa ginawa niya. “Wanna try? Isa lang—” “Hindi!” Inis kong saad. At muling napaatras ng humakbang siya. Nagsimula akong kabahan lalo’t ayoko sa kung paano niya ‘ko titigan. “Wag kang lumapit.” Napalingon ako kay Kuya, nanatili itong walang paki, sobrang lasing na kasi niya. Napatingin muli ako sa lalaking lumapit sa ‘kin ng muli ay humakbang siya palapit sa ‘kin. “I said wag kang lumapit sa ‘kin!” Mabilis nitong tinaas ang mga kamay. “I am harmless. I'm your Kuya's friend. Casper forgot to mention he has such a gorgeous sister.” nakangisi niyang saad. Sinamaan ko siya ng tingin. Napa-atras pa ‘ko ng isang beses ng muli’y humakbang siya. “You’re so pretty, what’s your name? Don’t be scared, I just wanna be friends.” I don’t know, but there's something about him that feels off. Na parang may bumubulong sa ‘king tumakbo palayo. Umiwas ako ng tinangka niya ‘kong abutin. “Pare, tinatakot mo naman si baby girl,” hindi ko maipaliwanag ang kaba sa puso ko ng tumayo ang isa pa at lumapit sa kanya. Habang ang kuya ko tila lutang at wala sa sarili. Hindi ko na hinintay na makalapit ‘yung isa agad na nilayo ko na ang sarili. Nagmamadaling tumakbo paakyat ng hagdanan. Nang makapasok ako ng kwarto ay agad ko itong sinarado at siniguradong nakalock ito. Wala pa naman kaming ibang kasama na matanda ni Kuya dahil ang tiga linis at tiga laba naming si Aling Nasing ay sa umaga lang pumaparito. Nagmamadaling inabot ko ang cellphone na iniwan ko sa study table at tinawagan si Ate. Iba ang kutob ko sa mga kaibigan ni Kuya. Wala akong choice kung hindi ang magsumbong. Ate always knows what to do kaya siya ang tinawagan ko. I called her via video call. Naka dalawang ring lang, maya-maya’y nakita ko na siya sa screen. “Hey, sweetie, napatawag ka? Wait, anong malakas na ingay na ‘yan?” “Ate, si Kuya,” naiiyak kong sumbong. Agad na rumehistro sa mukha ni ate ang pag-alala ng makitang naluluha ako. “Hello, babe, for a while, kausap ko si Axelle,” saad nito marahil ay kausap nito sa isang phone ang fiance niyang si Kuya Izzie. He is Izmael Javier Donovan. Pitong taon na silang magkarelasyong dalawa. “Bakit? Ano na naman ginawa ng kuya mo?” Baling ni Ate sa ‘kin. “He brought friends here sa bahay. Naginuman sila. Lasing na lasing si Kuya, wala sa katinuan tapos ‘yung isang friend niya napaka-creepy he even offered me a drink.” Pagsusumbong ko. “What?!” Mula sa pagkakahiga ay napatayo si Ate. “Nasaan ka ngayon?” Nagsimulang mataranta si Ate. “Nasa room ko–” Nahinto ako at napalingon sa pintuan ko ng marinig ko ang paggalaw ng door knob. “Ate someone is outside my door trying to get in!” Natataranta kong saad. “What! Malilintikan ko talaga ‘yang kuya mo pakabalik ko!” Nagsimula na ring magpanic si Ate. Bakas ang takot at galit sa kanyang boses. “Puntahan ko na, babe.” dinig kong saad ni Kuya Izzie. “Oh, please, babe!” Pakiusap ng Ate. “Axelle,” tawag sa ‘kin ni Kuya Izzie. “Kuya,” tugon ko. “You go to your bathroom, lock your door and no matter what happens don’t open it unless you hear my voice. Do you get it?” Mando niya sa ‘kin. “Yes, po, Kuya.” Mabilis na tugon ko. “Good. Just calm down, I’m on my way. I’ll be there in a minute.” Pag-a-assure nito. Napakakalmado ng boses ni Kuya Izzie. At kahit na kinakabahan ay nagawa kong ikalma ang sarili at ginawa ang sinabi niya. “Thank you, po.” Pumasok ako sa banyo dala-dala ko ang phone ko. “Malilintikan ko talaga ‘yang Kuya Casper mo! Imbes na bantayan ka, siya pa nagdadala ng panganib sayo!” Galit na ang tono ng boses ni Ate Cassy. Nagitla ako muli ng mas lumakas ang tunog ng doorknob. “Ate, natatakot na ‘ko.” Nabibingi na ‘ko sa lakas ng kabog ng puso ko. “Babe, malapit ka na?” Tanong ni Ate kay Kuya Izzie. “Almost there.” Agad na sagot ni Kuya Izzie. “Did you hear that? Malapit na Kuya Izzie mo. Basta wag na wag mo silang pagbubuksan. Please pray, baby.” Saad ng ate. At mas lumakas nga ang kalabog ng puso ko ng makarinig ng malakas na lagabog sa labas ng banyo. Mukhang giniba na ng mga ito ang pinto ng kwarto ko. Nilapat ko ang tenga sa pinto ng banyo upang marinig ang labas. “She’s not here,” napapikit ako ng marinig ang boses ng lalaki kanina. Mukhang hindi siya mag-isa kasama kaya niya ‘yung isa pang lalaki? Oh God! Please protect me, po. Lihim na bulong ng puso ko. Habang palapit ng palapit ang mga yapak ng mga ito sa banyo ay palakas ng palakas naman ang kalabog ng puso ko. “They’re in my room, Ate,” saad ko sa mahinang boses.” “Gad!” Naiiyak na rin ang boses ni Ate. “Babe? Where are you now? Pakibilisan, please…” Rinig kong tanong ni Ate Cassy ngunit ‘di na sumasagot si Kuya Izzie. “Babe?” Sobra-sobra na ‘yung nararamdaman kong takot sa dibdib. Paano kung matatagalan pa si Kuya Izzie? Paano kung magawang makapasok ng mga ito sa loob ng banyo? “Ate,” I cried. “Calm down, sweetie. I’m sure darating si Kuya Izzie mo, ha. Please continue praying,” naiiyak na rin ang boses ni Ate Cassy. Pinikit ko ang mga mata at nagsimulang magdasal. Napaatras ako at napalayo sa may pinto ng gumalaw ang door knob. “Axelle, open the door, baby.” Parang nais kong mangilabot sa narinig. Tuluyan na ‘kong naluha. Tinakpan ko ang bibig upang ‘di makagawa ng ingay. Hindi pa ito nakontento at nilakasan pa nga ang pagpagpaikot ng doorknob. Napatingin ako sa phone ko ng tumunog ito. Ganun na lamang ang pakabahala ko ng mag-signal ito ng lowbat. Ilang saglit nga’y wala na sa screen si ate. Muli’y nakarinig ako ng lagabog sa labas. Napaupo ako sa corner ng banyo. Niyakap ko ang dalawang binti ko sa takot. Nagitla ako ng makarinig ng mas malakas na lagabog sa labas at sunod-sunod na pagkabasag ng mga gamit ko. “Our father, who art in heaven,” I started to pray. “Kuya Izzie!” Sambit ko sa pangalan niya. Siya na lang ang tanging pag-asa ko. Nakagat ko ang ibabang labi kasunod muli ang pagpatak ng luha ng muling gumalaw ang door knob. I closed my eyes and continued to pray. “Axelle? Sweetheart. Open the door. It’s okay. It’s me, Kuya Izzie.” Hindi ko maipaliwanang ang damdaming bumugso sa ‘kin sa oras na ‘yun ng marinig ko ang boses niya. My heart just knew I was safe. Kay bilis kong napatayo at binuksan ang pinto. At nang bumungad sa ‘kin ang nag-alala niyang mukha, I couldn't help it— I ran straight to him, threw my arms around his neck, and hugged him as tightly as I could, as if I never wanted to let go. At that moment, my heart felt an unfamiliar sense of ease. He hugged me back just as tightly, and in that embrace, every fear melted away. “It’s fine, you're safe now.” Yung boses niya tila kamay na humaplos sa puso ko. Iba ‘yung hatid na kapanatagan nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD