Axelle’s POV
Hindi ko alam kung gaano katagal na nakayakap ako sa kanya. ‘Di ko makumbinsi ang sarili kong bumitaw at lumayo sa anya. Gustong-gusto ko ‘yung pakiramdam na nakakulong sa mga braso niya. I felt so safe in those big arms.
Gustong-gusto ko ‘yung init na binibigay niya sa katawan ko, maging kung paano niya ‘ko yakapin at kung paano dumadampi nag init ng buga ng hininga niya sa balat ko. Gustong-gusto ko ‘yung gawi ng pagkakayakap niya sa ‘kin, the placement of his hands around my back, the feeling of being held in his arms… Sa mga yakap niya, parang bulang naglaho ang kanina’y takot na narararamdaman ko.
Binaon ko ang mukha sa leeg niya. Takot ako ngunit nagawa ko pang i-appreciate ang amoy niya, f*ck! Naramdaman kong bahagya niyang nilayo ang sarili ngunit hinigpitan ko ang pagkayapos ng mga braso ko sa leeg niya pinaparamdam ang pagprotesta ko sa ginagawa niya.
“Are you still scared?” Malumanay niyang tanong. Tumango ako sa leeg niya. Naramdaman ko ang banayad na haplos niya sa likod ko, tila inaalo niya ‘ko, pinapakalma ngunit sa likod ng utak ko ‘di ‘ko mapigilang makaramdam ng guilt. Alam kong mali na ‘tong ginagawa ko. Alam kong may mali sa nararamdaman ko ngunit tila sarado ang isip ko sa nararamdaman ko.
Kung hindi lang siguro narinig namin ang serene ng police patrol ay nanatili pa rin akong nakayakap sa kanya.
Ilang saglit lang ay dumating na nga ang mga police. Nagsimula itong mag-imbestiga. May mga tinanong sila sa ‘kin na si Kuya Izzy na ang sumagot.
Maya-maya nga’y pinagdadampot na nila ang dalawang lalaking nangahas na pumasok sa kwarto kong puno ng pasa ang mukha at halos ‘di na makilala ang mga ito. I wonder how Kuya Izzie managed to smash up their faces like that. Ang lakas niya. Mas lalo lamang akong nakaramdam ng paghanga.
Sinama na rin ng mga police ang ibang kainuman ni Kuya, kahit na si Kuya ay hindi nakaligtas. May nakita kasi silang drugs sa parte ng bahay kung saan sila nagiinuman. Kaya siguro wala sa katinuan si Kuya, posibleng high rin ito sa drugs.
“God!”
Hindi makapaniwala si Ate sa narinig matapos ikwento sa kanya ni Kuya Izzie ang lahat. Nakavideo calls sila. Habang ako nakatulala pa rin.
Saka lamang nag-sink-in sa isipan ko ang lahat ng nangyari. Napapa-overthink ako. Paano kung nahuli ng ilang minuto si Kuya Izzy? Hindi ko maisip ang posibleng mangyayari sa ‘kin pagnagkataon lalo’t napag-alamang parehong high sa druga ang dalawa kaya posibleng may gagawin ang mga itong masama sa ‘kin dahil kung wala hindi nila ako pupuntahan sa kwarto ko, hindi nila gigibain ang pinto ko para lamang makapasok.
Ngunit ang mas bumabagabag sa isipan ko ay ang nararamdaman ko para kay Kuya Izzie sa sandaling yakap namin ang isa’t-isa. Napapikit ako at napailing.
“Mali!” Sigaw ko sa isipan. Hindi pwedeng makaramdam ako ng ganito sa fiance ng kapatid ko. Siguro napahanga lang niya talaga ako dahil niligtas niya ‘ko sa kapahamakan. I don't know, but I couldn't shake off the guilt for feeling this way about him.
“Kung pwede lang lumipad na ‘ko pauwi ginawa ko na kaso may event ako mamaya. Hindi ko pwedeng hindi siputin dahil nakakontrata.” Dama ko ang frustration ni Ate Cassy, maging ang sobrang pag-alala niya para sa ‘kin. Sobrang close kasi naming dalawa. Sobrang ramdam ko ang pagmamahal niya para sa ‘kin. Kung anong meron siya, kailangan meron din ako. Lahat ng hinihiling ko, binibigay niya. At lahat ng kailangan ko, binibigay niya. Mas close pa nga ako sa kanya kaysa nina mommy at daddy. Kaya ganito na lamang siya kung mag-alala sa ‘kin….
“It’s fine, Babe. Sa ‘kin na muna si Axelle.” Napalingon ako kay Kuya Izzy. Bakit bigla akong nakaramdam ng excitement na mananatili muna ako sa kanya? D8mn! What were you thinking, Axelle! Kastigo ko sa sarili. “Sa bahay na muna siya, doon kina mommy,” It wasn’t the first time though na pupunta ako sa bahay nila. Kilala ko na rin ang mga kapatid at magulang niya pero hindi naman ako nakaramdam ng ganitong excitement noon, ngayon lang. The thought that I'll still get to be with him and see him for a few more hours excites me.
“Thank you, so much babe. I owe you this a lot. Paano na lang kung hindi ka dumating—my God! I can’t imagine!”
“Calm down, now. She’s okay now. Focus on your work then go home with me after. I miss you so much.” Nag-alis ako ng tingin sa kanya. D*mn! Ba’t ganito nararamdaman ko. Nagseselos ba ‘ko? Ba’t ako nasasaktan? What is wrong with you, Cassiane Axelle? He’s your sister’s fiance, for pete’s sake!
“Uh… I miss you so much too, babe. I promise to be home right after my last shoot.”
“You take care, okay? Pakakasalan pa kita.” Nakita ko kung paano niya titigan ang screen kung saan ka video call niya si Ate. Kita ng dalawang mga mata ko ‘yung pagmamahal niya para sa kapatid ko And deep down, I wish I was the one he stared at that way.
“Ouch. That’s f*cking hurt.”
Hindi ko alam kung bakit naiinis ako. I shouldn’t feel this way. Kapatid ko ang kausap niya. Mahal siya ng kapatid ko. Mahal niya kapatid ko. Nagmamahalan silang dalawa.
Nakita ko na lamang ang sariling tumalikod at lumayo kay Kuya Izzie upang ‘di ko na marinig ang palitan nila ng mga malalambing na salita ngunit nakailang hakbang pa ‘ko ay natigil ako ng abutin ni Kuya Izzie ang kamay ko. Napatingin ako sa kamay kong hawak niya bago ako napatingala sa kanya.
“Where are you going?” He asked. Wala na sa linya si Ate Cassy.
Hindi ko alam kung anong isasagot. Saan nga ba ako pupunta? Gusto ko lang naman lumayo sa kanya para ‘di ko na marinig ang pag-uusap nila sa ate ko.
“R–room. I-I’ll get my things.” Nauutal kong sagot.
“I’ll help you.”
Nauna na siya habang nanatiling hawak niya ang kamay ko habang ako heto nakasunod sa kanya habang nakatitig sa kamay kong hawak-hawak niya. Napapikit ako ng mga mata at napailing.
“Stop it, Axelle. You're not supposed to feel that way.”