Axelle’s POV
“How are you, Axelle? Okay ka lang ba?” Bakas ang pag-alala sa tono ng boses ni Tita Jazlyn. Siya ang mommy ni Tito Izzie. Sa haba ng panahon na pinagsamahan nina Ate Cassy at Kuya Izzie naging malapit na rin sa pamilya namin ang pamilya niya.
Galing sa kilalang pamilya ang pamilya ni Kuya Izzie. Laman ng news, billboards at tabloids ngunit sobrang napakadown to earth bawat membro ng kanilang pamilya lalo na ang mga magulang niya. Simple lang ang pamilya namin, may kaya ngunit malayo sa kung ano ang estados ng pamumuhay na meron sila ngunit kailanman ay hindi naramdaman namin ng pamilya ko ang agwat ng estados namin sa kanila dahil sa pakikitungo at pagtanggap nila sa ‘min lalo na sa ate ako.
Tipid na tumango ako.
“Hindi ka ba nila nasaktan–”
“Mom, I really think she needs to get some rest now. Could you please speak with her tomorrow?” Natigil si Tita Jazlyn sa pagsasalita.
“Oh, sorry. Oo naman. Come here. Come here, I'll walk you to your Kuya Xavier's room. It's just beside Kuya Izzie's.” Malambing na saad ni Tita Jazlyn. Agad na sumuod ako sa kanya.
Nang makarating kami sa loob ng kwarto ay muli siyang nagsalita. Nasa likod niya lang si Kuya Izzie.
“If you need something, don’t hesitate to tell us.”
“Or you just knock on my door,” singit ni Kuya Izzie.
“Yeah. Oo nga pala, nasa tabi lang kwarto ng Kuya Izzie mo. Feel at home, iha, okay?”
Magalang na tumango ako at ngumiti.
“Thank you po, Tita.” Sunod na tinignan ko si Kuya Izzie. “Thank you so much, Kuya.”
Inabot niya ang tuktok ng ulo ko at bahagya niya itong ginulo.
“Anytime, Axelle.”
Matapos kong makapaglinis ng katawan ay agad na humiga ako ng kama. Ang laki ng kwarto. Triple yata sa laki ng kwarto ko sa bahay. Ilang taon ng walang gumagamit nito simula nang umalis ng bansa si Kuya Xavier para doon mag-aral. Since then, hindi ko na siya nakita pang muli.
Pinikit ko ang mga mata. Pinilit kong makatulog kahit hirap dahil sa raming bumabagabag ngayon sa isipan ko. Hanggang sa hinid ko namalayan nakatulog na pala ako.
“No! Wag! Bitawan niyo ‘ko!” Pinilit kong manlaban. Pinilit kong makawala sa hawak nila. Sinubukan kong pagsusuntukin sila ngunit wala akong sapat na lakas. Hindi ko sila mahampas ng malakas. Pinagtulungan nila akong ihiga. Hawak-hawak nila ako sa magkabilang braso. “Wag! No!” Pumaibabaw sa ‘kin ang isang lalaki. Hindi ko maaninag ang kanyang mukha. Tinangka ko siyang sipain ngunit ‘di ko magawa. Naiyak ako ng pumitin nito ang suot kong damit. Sinubukan kong sumigaw ng tulong ngunit walang boses na lumabas sa bibig ko.
“Maawa kayo! Wag po! Wag, please—”
“Axelle.” Naririnig kong may tumawag sa ‘kin. Kilala ko ang boses na iyon, si Kuya Izzie.
“Axelle.”
“Axelle.”
“Hah!” Napabalikwas ako ng bangon. Basang-basa ako sa pawis. Kay bilis ng takbo ng puso ko at abot ang hininga ko. Unang bumungad sa paningin ko ang mukhang ni Kuya Izzie na puno ng pag-alala.
“You had a nightmare,” saad nito.
Hindi ako sumagot. Nanginginig na naiiyak ako sa takot. He drew me into his arms, holding me tight as if his embrace could take away the fear right out of me. Umiyak ako sa dibdib niya. Niyakap ko ang mga braso sa kanya, mahigpit.
Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakakulong sa mga braso niya habang unti-unting naikalma ko ang nararamdamang kaba, takot sa puso ko, hanggang sa nahinto ang mga hikbi ko.
“I’ll get you a glass of water,” saad niya ngunit nang tinangka niyang kumawala sa yakap sa ‘kin ay humigpit ang hawak ko sa kanya.
“Please, wag mo ‘kong iwan, Kuya. Natatakot ako,” pakiusap ko sa kanya. Totoong takot ako. Totoong ayaw kong paiwan sa kanya. Gusto ko rin na nandito lang siya sa tabi ko.
Naramdaman ko ang malalim niyang paghinga. Bakit pakiramdam ko kay bigat ng hiling ko sa kanya? Bahagya kong nilayo ang sarili at upang tignan siya.
“Sige…” Dama kong parang napipilitan lang siya ngunit hindi ko na inisip ‘yon. “Matulog ka na ulit, dito lang ako sa ibaba ng kama. I’ll watch you over.”
“Malaki naman po ‘yung kama, Kuya Izzie. Dito ka na lang po, please,” pakiusap ko. “Sige na po, please?” Patuloy kong pakiusap sa kanya. Habang hinihintay ang tugon niya’y nakatitig lamang ako sa kanya. Bakas ang pagdadalawang isip sa mga mata niya. “Please, kuya.”
“Fine.”
Inalalayan niya ‘kong mahiga. Kinumutan. Pinikit ko ang mga mata. Nakikiramdam. Nakatalikod ako sa gawi niya. Ewan ngunit imbes na kumalma ang puso ko ay unti-unti na naman silang bumilis sa pagsipa lalo na nang humiga si Kuya Izzie sa tabi ko.
Ramdam ko ang space sa pagitan naming dalawa. Ilang minuto ang lumipas ay nanatiling ilap sa ‘kin ang antok. Dahan-dahan na humarap ako sa kanyang gawi. Dahan-dahan kong binuka ang mga mata. Pasimple ko siyang sinulyapan. Nakataas ang dalawang kamay nito at ginawang unan, nanatiling gising, tila kay lalim ng iniisip habang nakatitig sa kisame.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko, umusog ako at siniksik ko ang sarili sa tagiliran niya. Naramdaman kong nagulat siya sa ginawa ko ngunit nagpanggap akong tulog na. Hindi pa ‘ko nakuntent at niyakap ko pa ang isang braso sa katawan niya.
“F8ck.” Hindi ko alam kung mura ang narinig ko mula sa bibig niya sa hina ng pagkakasabi niya. Sinundan ito ng sunod-sunod na malalim na paghinga.