Axelle’s POV
Mas lalong naging mailap sa ‘kin ang antok. Kay lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung ano itong ginagawa ko. Pinakiramdaman ko si Kuya Izzy. Hindi siya gumalaw ngunit panay ang buga ng hininga nito.
Ewan ngunit lihim akong umaasa na yakapin niya ‘ko pabalik ngunit lumipas ang ilang minuto ay nanatili lamang siya sa kanyang posisyon. Ni hindi siya gumagalaw. Nais ko mang silipin kung gising pa ba siya o tulog na ngunit natatakot akong mahuli niya ‘ko.
Nagpatuloy ako sa pagpanggap na tulog na. Pinikit ko ang mga mata hanggang sa ‘di ko namalayang nakaidlip na pala ako.
Nagising na lamang ako ng makarinig ng nag-uusap.
“Ayaw niyang paiwan mag-isa rito sa kwarto ni Xavier kaya tinabihan ko na. Takot na takot. We need to get her checked when you come back. It seems like she's been traumatized by what happened.”
“Thank you so much for taking care of her, babe. Hindi ko alam kung anong gagawin kung wala ka,” boses iyon ni Ate. Bahagya kong minulat ang mga mata upang silipin kung saan nanggagaling ang narinig kong mga boses. Nakita ko si Kuya Izzy nakatayo at nakatikod sa gawi ko habang hawak-hawak niya ang cellphone.
“It's nothing, babe. She's your family, so basically, she's my family too. She's like a little sister to me.”
Ouch! Nagsisi ako kung bakit nagising pa ‘ko at narinig ang usapan nila. Hindi sana ako nakaramdam ng kirot ngayon sa puso ko. Ewan, eversince naman he already treating me as his little sister, at wala lang sa ‘kin iyon, pero ngayon parang sinaksak ‘yung puso ko. Hindi ko matanggap.
“You know how much we've longed for a sister.” Saad ni Kuya Izzie. Kaya mahal na mahal rin si Ate ng pamilya ni Kuya Izzie maging ako man dahil sabik silang lahat sa isang babaeng kapatid at anak dahil pawang mga lalaki silang tatlo. Ilang saglit na hindi ko narinig ang boses ni Ate. “Why? Why did you suddenly go quiet?” Untag ni Kuya Izzie kay Ate Cassy.
“Wala. Nakaka-amaze lang ‘yung pagmamahal ni God sa ‘kin dahil binigay ka niya sa buhay ‘ko.” Hindi ko alam kung anong mararamdaman. ‘Yung puso ko inaatake na naman ng guilt. Pinikit ko ang mga mata. Pinilit na makatulog muli upang ‘di ko na marinig ang pag-uusap nila ngunit kay ilap na ng antok sa ‘kin.
“Cassandra…” Kung ganda ng pagkakasambit niya ng pangalan ni Ate. Ramdam ko ‘yung pagmamahal at respeto.
“Salamat sa sobrang pagmamahal at pag-unawa na kahit na halos madalang na lang tayong magkasama nitong mga nakaraang buwan dahil sa sunod-sunod kong projects but your still there, supporting me, patiently waiting kung sa pag-uwi ‘ko, sa pagmamahal sa pamilya ko.”
“Because I love you…and I know how much this makes you happy. I want you to make the most of it, because I understand how hard it is for you to give up something you were truly passionate about just for me.”
“Thank you, babe. Sana matapos na ‘yung kontrata ko para pwede na tayong makasal and I promise, sayo na lahat ng oras ko, ibubuhos ko sayo at sa bubuohin nating pamilya ang sarili ko. Sabik na sabik na akong ibigay ang buong ako sa’yo at sa magiging anak nating dalawa.”
“I can’t wait to marry you.”
Kung ako kaya ang unang nakilala ni Kuya Izzie, magawa rin kaya niya akong magustuhan? Mamahalin rin kaya niya ako gaya kung paano niya mahalin ang Ate Cassy ko?
Alam kong mali, alam kong napakasama kong kapatid na makaramdam ng ganito sa taong mahal na mahal ng Ate ko ngunit kahit na anong pakiusap ko sa sariling ihinto ang nararamdaman ko para kay Kuya Izzie ay hirap akong pigilan ang sarili. Siguro noon hindi ko lang maamin sa sarili na gusto ko siya dahil malaki ang respeto ko kay Ate pero ngayon hindi ko na nakikita ang sarili sa kahit na sino pa mang lalaki but Kuya Izzie… Pakiramdam ko siya lang ang may kayang protektahan ako, sa tabi niya I always feel safe. Hindi ko alam kung makakakita pa ‘ko ng higit pa sa kanya because for me he’s perfect, an ideal man…
Matapos ang pag-uusap ng dalawa, umaasa akong tabihan niya ‘ko muli lalo na nung maramdaman kong lumapit siya sa kama at tumayo sa gilid nito. Naramdaman kong nakatitig siya sa ‘kin habang ako’y patuloy sa pagpapanggap na tulog. Nadismaya ako nang matapos niyang ayusin ang kumot ko ay tumalikod siya at mas piniling sa couch matulog.
Nang magising ako wala na si Kuya Izzie sa loob ng kwarto. Napatingin ako sa may terasa, nakabukas ito ay pumapasok ang liwanag mula sa labas. Bumangon ako ng makarinig ng malakas na talsik ng tubig. Tinungo ko ang terasa. Napatingin ako sa baba nito kung saan kita ang malawak na swimming pool ng mansion. Nahinto ako at napatitig sa taong nagba-backstroke. Mula sa gwapo nitong mukha ay ‘di ko napigilan ang sariling mga mata na maglakbay pababa sa katawan niya—hot… wala sa sariling sambit ko.
Napalunok ako ng dumako ang tingin ko sa maumbok na pribadong parteng iyon ng katawan niya— “Good morning, Axelle!”
Kay bilis kong nag-iwas ng tingin. Napatingala ako bigla ng batiin niya ‘ko. Agad na nag-init ang magkabila kong pisngi. Sana lang talaga ay ‘di niya ‘ko nahuling nakatitig sa parteng iyon ng katawan niya–Kakahiya ka, Axelle!
“Come down! So, you can have your breakfast.” Saad nito. Saka ko lamang binalik ang tingin sa kanya.
“S-sige po,” nauutal kong saad.
Bago ako bumaba ay naligo na muna ako at nagbihis, isang short sleeve white bodysuit at pinatungan ko ng itim na maong short.
Habang pababa ako ng hagdan ay rinig ko ang boses ng mga lalaki sa living room.
Unang bumungad sa ‘kin ang si Thirdy, kasama niya sina Rafa at Kiro tila may pinagtatalunan ang tatlo. Kilala ko sila dahil nakikita ko sila tuwing sinasama ako ni Ate kapag may family event sina Kuya Izzie at laging present ang mga ‘to.
Nakita kong napatingin sa gawi ko si Thirdy, inalis nito agad ang tingin ngunit agad ring binalik sa ‘kin ang ingin.
“Hey, Axelle! You’re here.”
“Nandito ka rin nga,” pilosopo kong saad. Lagi ko ‘tong kaasaran, eh.
“Sarap mong kausap.”
“Alam ko,” tinaasan ko siya ng kilay.
“Sungit mo talaga. Unblock mo na ‘ko.”
“Blinock ka, pre?” Kantiyaw ng dalawa. Napakamot sa ulo si Thirdy.
“Ayoko ko, nga!”
Tuluyang nakababa ako ng hagdanan.
“Axelle, Thirdy, Rafa, Kiro, hali na kayo at nakahanda na ang pagkain,” aya sa ‘min ni Tita Jazlyn.
“Yes po, Tita.” Sabay-sabay naming tugon.
“Makikipagkaibigan lang naman.” Ang kulit talaga nitong tipaklong na ‘to.
“Hindi ko kailangan ng kaibigan.”
Binalak kong silang lagpasan ngunit ang hayop na thirdy inakbayan ba naman ako.
“Sige, ka-i-bi-gan na lang— ouch!”
Impit nito ng biglang may tumalpal ng malakas sa braso niyang nakaakbay sa ‘kin. Paglingon ko si Kuya Izzie nakatapis na kasuot na lamang ng bathrobe ta bahagyang nakabukas ang sa bandang dibdib nito. Pumalit ang braso ni Kuya Izzie sa balikat ko sabay layo niya sa ‘kin kay Thirdy.
“Tigil-tigilan mo baby girl namin, ako sasapak sayo. Sa iba ka magloko.”
“T*ngina Kuya Izzie, parang ‘di pamilya!”
“Wala akong pamilyang babaero!”