Axelle’s POV
Nahinto ako sa paglalakad ng bigla ring nahinto si Kuya Izzie.
“Did you bring pants?” Napatingin ako sa suot kong short saka nagtatakang napatingala ako sa kanya.
“I did, po, bakit?” I asked.
“Good, magpalit ka. May manyak dito,” hindi ko alam kung nagbibiro siya o ano pero seryoso ‘yung pagkakasabi niya, hindi, mali, he was not telling but rather commanding me to change.
“Si Rafa ‘yun, malamang,” singit ni Thirdy.
“Nandamay pa,” angil ni Rafa.
“Sige na, Axelle,” muli’y utos nito.
“Opo,” para akong robot na agad na sumunod sa utos niya. ‘Yung pagkakasabi niya kasi, tila may kaakibat na parusa kapag sinuway.
Nauna na ang tatlo sa dining area habang ako’y tumalikod upang umakyat muli sa kwarto. Nasa gitna na ‘ko ng hagdanan nang mapalingon ako sa likuran ko, narinig ko kasing may nakasunod sa ‘kin. Paglingon ko mga mata ni Kuya Izzy ang nakasalubong ng mga mata ko.
“I’ll change clothes, too,” seryosong saad niya, wala pa akong sinabi ngunit may tugon na siya. Pagkasabi’y nag-alis siya ng tingin, ewan pero may napansin ako sa mga mata niya, tila ba nahuli siyang may ginawang mali.
Hindi ko sinadyang muling dumako ang tingin ko sa bandang dibdib niya na sumisilip mula sa suot niyang roba. Napalunok ako ng wala sa oras.
“Faster, Axelle, so you can eat.”
Naramdaman ko ang paggapang ng init sa pisngi ko. Agad na nag-alis ako ng tingin at nagmamadaling nagpatuloy sa pag-akyat patungo sa silid ni Kuya Xavier. Pagkabukas ko ng pinto ay pumasok ako at agad ko itong sinara. Napasandal ako sa likuran nito. Napapikit ako at ng dalawang palad ang mukha ko. Nahuli kaya niya ‘kong napatitig sa bandang iyon ng katawan niya? God! Baka kung anong isipi niya!
Pinilig ko ang ulo at pilit na winaglit ang isiping iyon. Agad naman akong nagpalit ng pants at nang matapos ay agad rin akong bumaba at dumiretso sa dining area. Ilang minuto pagka-upo ko dumating rin si Kuya Izzie.
Masaya kaming nagkwe-kwentuhan sa hapag. Aliw na aliw ako sa mga banat ni Thirdy. Aminin ko sobrang gwapo nito, actually silang lahat, talagang may mga itsura at may mga dating, walang hindi napapalingon kapag dumaan, walang hindi mapapatili at walang babaeng hindi magpapaloko kahit alam na nilang mga manloloko–except me, ofcourse! Dahil ni isa sa kanila wala akong magustuhan— siguro dahil may gusto na ako. Noon pa man iba na ang tipo kong lalaki. Mas na-aattract ako sa mataas ang agwat sa ‘kin, ‘yung matured na mag-isip, ‘yung siya mismo ang magdadala ng relasyon, gusto ko rin ‘yung pakiramdam na parang baby niya talaga ako, ‘yung alam kong tapos na sa stage ng panloloko, yung dinidate ako hindi para maging girlfriend lang kung hindi para maging asawa. D*mn! Akala mo naman nakaroon na ng boyfriend—ah basta! Gusto ko ‘yung katulad ni Kuya Izzie–hindi! Gusto ko si Si Kuya Izzie, mismo! Si Kuya Izzie lang, siya lang!
Katatapos lang namin kumain. Palabas kami ng dining area nang tabihan ako ni Thirdy.
“Axelle, penge number,” pangungulit muli nito.
“Sige, 09,” panimula ko.
“Good. Saglit, i type ‘ko,” nakahanda na phone nito. “Sige na,” saad pa nito.
“0920, ikaw na bahala sa pito,” narinig kong nagtawanan sina Kiro at Rafa sa likod namin.
“Nice one, Axelle,” saad naman ni Kuya Izzie.
Pumagitna sa ‘ming dalawa si Kuya Izzie. Muli niya ‘kong inakbakyan.
“Sama ka sa ‘kin, sunduin natin Ate Cassy mo,” saad nito.
“Sige po,” saad ko. Ewan ngunit sa kauna-unahang pagkakataon hindi ko makapa ang excitement sa pag-uwi ni Ate. May na-excite pa ako na magkasama kami ni Kuya Izzie. Ang sama-sama ko na bang kapatid?
“Mommy, alis na muna kami ni Axelle, sunduin namin si Cassy.”
“Sige, anak. Mag-iingat kayo.”
Nauna na kami ni Kuya Izzie kina Thirdy, Kiro at Rafa ngunit humirit pa talaga ng isa si Thirdy.
“Axelle! 0920–sa’yo pa rin puso ko,” tinangka kong lingunin si Thirdy ngunit pinigilan ako ni Kuya Izzie. Napatingin ako sa kanya ngunit napakaseryoso ng mukha nitong nasa harapan lang ang tingin. Napasunod na lamang ako sa kanya hanggang sa makasakay kami sa loob ng sasakyan niya.
Pinaandar ni Kuya Izzie ang sasakyan ngunit nang magsimula umabante, narinig ko ang sunod-sunod na pag-beep. Muling hininto ni Kuya Izzie ang sasakyan at halos mahigit ko ang hininga ng biglang nilapit niya ang katawan sa ‘kin. Tila naestatwa ako bigla. Halos magsitayuan ang mga balahibo ko sa batok nang tumama ang mainit at mabango niyang hininga sa balat ko nang abutin nito ang dulo ng seatbelt upang ikabit sa katawan ko. Napapikit ako at dinama ang paglapit niya at ang buga ng hininga niya sa ‘kin ngunit nang imulat ko ang mga mata, natigil ako nang muling magkatitigan kaming dalawa.
Hindi ko alam kung anong gagawin. Hindi ko alam kung anong iniisip niya ngayon. ‘Di ko magawang mag-alis ng mga tingin sa kanya dahil aaminin ko, gustong-gusto ko ang atensyon na binibigay ng mga mata niya sa ‘kin ngayon ngunit hindi nagtagal ang pantasya ko, nauna muli siyang mag-alis ng tingin kasabay ng paglayo ng katawan niya sa ‘kin. Nang sulyapan ko siya, ramdam ko ang tinatago niyang inis.
Napapaisip tuloy ako kung masyado na ba akong halata at napansin na niyang may gusto ako sa kanya? Sana hindi… Baka kasi layuan niya ‘ko.
Tahimik kami pareho habang lulan ng sasakyan niya. Inaliw ko na lamang ang sarili sa tanawin sa labas ng bintana sa gilid ko.
“How are you feeling?” Maya-maya ay basag niya sa katahimikan. Napilitan akong ibaling ang tingin ko sa gawi niya.
“I feel better now, Kuya,” mahinang tugon ko.
“Good.” Saad niya na hindi tumitingin sa ‘kin. Nalipat ang tingin ko sa kamay niyang kay swabeng minamaniubra ang manibela, paliko kami sa kanan. Agaw pansin ang mga ugat nito sa kamay at braso. I'm not sure why, but there's something about the way his veins pop out while he's putting strength into the steering wheel... It's insanely attractive to me.
Maya-maya nga’y kita ko na ang airport. Insaktong tumunog ang cellphone ni Kuya Izzie malapit sa may gear. Nang tingnan ko, nag flash ang mukha ni Ate sa screen at ang word na ‘babe’.
“Izzie, can you answer the call, it’s your ate sabihin mo malapit na tayo,” pakiusap nito sa ‘kin.
“Opo,” tugon ko. Kinuha ko ang phone at sinagot ang tawag ni Ate.
“Ate? Kapapasok lang po namin, sa’n ka po?”
“Hello, baby! How are you?” Bakas pa rin ang pag-alala sa boses niya para sa ‘kin. “I miss you! Narito na ‘ko sa labas, hinihintay ko na lang kayong dumating para ‘di na kayo pumasok sa loob— oh! I see you guys already!” Saad nito. Agad ko nga siyang nakita ng itaas nito ang kamay at kumaway.
Ilang saglit nga lang ay dahan-dahan ng ginilid ni Kuya Izzie ang sasakyan niya malapit sa kung saan naghihintay si Ate. Ate turned off the call. Pagkahinto ng sasakyan ay may pagmamadaling tinanggal ni Kuya Izzie ang seatbelt at bumaba. Ramdam ko ang pananabik niya para sa kapatid ko. Napasunod ako ng tingin sa kaniya. Kakaiba ang kislap ng mga mata niya habang nakangiting nakatitig kay Ate Cassy. Napatakbo si Ate sa kanya.
My eyes didn't miss a thing—I saw how he gripped Ate Cassy's waist, how he drew her into his arms, how her body instinctively arched as Kuya Izzie kissed her, suddenly, deeply, right on the lips. Nakangiting tinugon ni Ate Cassy ang halik niya. Dama ko ang pananabik sa isa’t-isa, tila ba walang ibang tao sa paligid nila, In that very moment, it felt like the world belonged to just the two of them.
Nakagat ko ang ibabang labi nang muli kong maramdaman ang kirot sa puso ko. Nasasaktan ako. Ang sakit masampal ng katotohanan na kailanman hindi siya pwedeng maging akin…