Axelle's POV
“Anong pumasok sa kukuti mo para magpatuloy ng mga taong kakakilala mo pa lang!” Napayuko si Kuya nang idut-dut ni Papa ang hintuturo sa sintido nito. Nasa bahay na kaming lahat. Nakauwi na rin si Ate mula ibang bansa. “Paano kung may nangyaring masama sa kapatid mo? Hindi mo man lang ba ‘yon naisip ha? Casper!”
Hindi sumasagot si Kuya nanatili lamang siyang tahimik. Bakas ang pagsisisi at galit sa kanyang mukha. Galit para sa akala niya ay mga kaibigan niya.
Nakakulong na ang dalawa at may restraining order na rin upang ‘di makalapit sa ‘kin at kay Kuya. Sila lamang ang nakakulong dahil base sa statement nina Kuya at ibang mga kasama niya ay wala silang alam tungkol sa drogang nakita nila sa bahay at hindi nila alam na may droga na pala sa mga iniinom nila.
Napauwi ng wala sa oras ang mga magulang namin nang ipaalam ni Ate ang nangyari. Siya na ang tumawag kina mama at papa na papauwiin dahil sa nangyari sa ‘kin.
“Paano kung hindi dumating ang kuya Izzy mo? Hindi ko alam kung anong magagawa ko sa iyo kung sakaling may nangyari sa kapatid mo! Hindi ka na nga maaasahan dito sa bahay. Hindi mo na nga maasikaso ang pag-aaral mo! Gagawa ka pa ng katarantaduhan! Ikaw na nga lang itog nag-iisang lalaki, dapat ikaw ang nagpo-protekta sa kapatid mo, ikaw pa ang nagpapahamak sa kanya!” Singhal ni Papa. Galit na galit si Papa. Nabigla kaming lahat ng bigla na lamang niyang kweyuhan si Kuya at akmang susuntukin.
“Tito, tito, wag,” mabilis na pinigilan ni Kuya Izzie si Papa.
“Castro! Maghunusdili ka nga! Papatayin mo ba anak mo?” Inawat rin ni mama si Papa at pumagitna sa kanilang dalawa. Bakas ang kaba sa mukha ni Mama.
Pabalang na binitiwan ni Papa si Kuya Casper at galit na lumayo.
“Hindi ko na alam kung anong gagawin ko d’yan sa anak mo Anita!” Galit na tinuro niya si Kuya. Nanginginig ang boses ni Papa, tila naiiyak. “Naging pabaya ba kaming mga magulang? Pinagdadamutan ka ba namin? Pinaghihigpitan ka ba namin? Wala ba kaming mga kwenta?” Hindi ko na napigilan ang sariling maluha. Dama ko ang nararamdamang pighati ni Papa. Napaiyak na rin si Mama.
“S-sorry, pa,” sambit ni Kuya Casper. Napatingin ako sa kanya. Nakayuko habang isa-isang pumapatak ang mga luha sa suot niyang khaki pants.
Ilang saglit na natahimik si Papa. Maya-maya’y lumalam ang mga mata nito habang nakatingin kay Kuya Casper.
“Mahal kita, anak, alam mo ‘yan. Pilit naming ibinibigay ng mama mo lahat kahit wala ng matira sa ‘min. Kahit na kapos, ginagapang namin ng mama mo, ng ate mo ang pag-aaral niyong dalawa ni Axelle. Kahit na hirap, pinag-aral namin kayo sa maganda at prestihiyosong unibersidad para lang makasiguro na magkakaroon kayo ng magandang kinabukasan. Hindi ka namin inoobliga na tumulong dito sa bahay, ang sa amin lang naman, mag-aral ka ng mabuti at umiwas sa mga bisyo at barkada. Hindi mo naman siguro ikamamatay iyon. Mataas ang pangarap namin sayo bilang nag-iisang anak naming lalaki. Sana man lang makita mo ‘yung hirap namin ng mama mo at ang maging matino lang ang sukli mo sa lahat ng sakripisyo namin sayo.”
Napayuko na rin ako habang patuloy na umiiyak.
“Mahirap ba ang hiling namin, ha? Casper?”
“Sorry, po,” tanging tugon nito.
“Hindi na namin alam kung anong gagawin namin sayo. Hindi na namin alam kung paano ka namin patitinuin o kung magtitino ka pa ba. Pagod na ‘ko, Casper. Magtitino ka lang siguro kapag isa sa ‘min ng mama mo ang mawala–”
“Pa,” awat ni Ate. Lumapit na siya kay papa para aluin ito. Naiiyak si Ate ngunit pinipigilan lamang nitong wag pumatak ang luha sa mga mata. “Ako na kakausap kay Casper, okay? Wag papadala lalo’t may karamdaman ka na.” Binalingan nito si Mama. “Mama, dalhin mo na sa kwarto si papa, magpahinga na kayo, ako na bahal kay Casper.” Agad namang tumalima si Mama at nilapitan si Papa upang dalhin sa kwarto.
“Axelle, you go to your room now. Susunod ako, sa tabi mo ako matutulog pagkatapos namin mag-usap ng Kuya mo,” malumanay na saad ni Ate Cassy.
“Opo, Ate.”
Tumayo ako. Napatingin ako kay Kuya. Alam kong mali ang ginawa niya ngunit hindi ko mapigilang makaramdam ng awa habang tahimik itong umiiyak. Hindi ko napigilan ang sarili. Lumapit ako at niyakap siya.
“Sorry, Axe,” bulong niya.
“You’re forgiven po, Kuya. I love you.”
Bumitaw ako sa yakap niya upang pumanhik na sa kwarto ko. Napatingin ako kay Kuya Izzie. He smiled at me saka inabot ang tuktok ng ulo ko at bahagyang ginulo ang buhok ko.
“Good night,” saad niya.
“Good night, po.” Nilagpasan ko siya. Nang makaakyat ok sa hagdan ay nilingon ko pa si Kuya Izzie. Gusto ko lang matitigan siya saglit bago matulog. Baka ilang araw na naman na ‘di ko siya makita muli…
Nasa loob na ‘ko ng kwarto ko. Ilang oras na ‘kong nakahiga ngunit nanatiling mailap sa ‘kin ang antok. Wala pa si Cassy, baka nag-uusap pa sila ni Kuya Izzie hindi ko pa narinig ang pag-alis ng sasakyan nito. Napatingin ako sa alarm clock ko sa gilid ng kama. Mag-hahating gabi na.
Hanggang sa marinig ko ang boses nina Ate Cassy at Kuya Izzie sa labas ng bahay. Mukhang uuwi na si Kuya Izzie.
Nagmamadaling bumangon ako dahil gusto ko pang masilayan si Kuya Izzie. Sumilip ako sa bintana ko. Nakita ko silang parehong nakatayo sa gilid ng sasakyan ni Kuya Izzie. Medyo madilim sa parteng iyon ng bakuran namin ngunit kita ko kung anong ginagawa ng dalawa.
Bahagyang umupo si Kuya Izzie sa gilid ng hood ng sasakyan niya. Inabot nito ang dalawang kamay ni Ate Cassy at dinala niya iyon sa mga balikat niya. Hinawakan niya sa baywang si Ate Cassy at swabeng hinila niya ito palapit sa kanya. He made her stood in between his thighs D*mn! Hindi ako ‘yung ginawan niya ngunit nagawa niyang paliparin ‘yung mga paru-paru ko sa tiyan.
He smiled at her, ‘yung ngiting mapapahubad ka na lang talaga. They were talking, he was so sweet with her. Tinaas nito ang isang kamay at maharang hinawakan ang pisngi ni Ate. I wasn’t hurt, the truth was, I was enjoying it.
Nakita ko kung paano niya dahan-dahan nilapit ang mukha ni Ate sa kanya hanggang sa maglapat ang mga labi nilang dalawa. Saka ko lamang naramdaman ‘yung pamilyar na kirot sa puso ko ngunit ganun pa ma’y hindi ko maalis ang mga mata ko sa kanila. I was staring intently with the way his lips moved, d*mn! It was so hot.
Kakaiba ang pinagsasaluhan nilang halik ngayon kaysa doon sa airport. Hindi ko alam ngunit nakaramdam ako ng init sa katawan, katulad nung naramdaman ko noong niyakap ko si Kuya Izzie habang nakahiga kami pareho.
Napasunod ang mga mata ko sa kamay niya nang magsimulang gumalaw ito. Napalunok ako ng makita kung paano swabeng pinasok niya ang kamay sa loob ng suot na blouse ni Ate Cassy at kung paano gumalaw ang palad niya sa ilalim nito.
Napapikit ako ng mga mata at sa muling pagbuka ng mga ito, I already saw myself….
That it was me he was kissing…
That it was me he was caressing with…
Unti-unti akong natangay sa sensasyong gawa lamang ng isipan ko. Unti-unting gumapang ang init sa buong katawan ko.
Natagpuan ko na lamang ang kamay kong nasa ibabaw ng isa kong dibdib at marahang pinisil iyon, ginagaya kung paano niya hawakan ang ate. Napapikit akong muli, tuluyang nawala ako sa sarili. I was imagining it was his palm touching me, kneading it, squeezing it habang dinadama ang mga halik niya, and I swear, I felt his lips against mine and his palm against my skin…
“Izzie,” hindi ko napigilan ang sariling dumaing. Nanatiling nakapikit ang mga mata ‘ko habang patuloy na pinagpantasyahan siya ngunit ewan, tila may bumubulong sa ‘king mag-mulat ng mga mata. Pakiramdam ko may mga matang nakatitig sa ‘kin. Natukso akong magmulat at sa sandaling binuka ko ang mga ito, agad na nagtama ang mga mata naming dalawa. Nagulat ako, agad na uminit ang magkabila kong pisngi sa hiya ngunit siya? I couldn’t see the surprise on his face. Hindi ko lang mawari kung ang nakikita ko sa mga mata niya ay galit o inis lalo’t naka-igting ang panga nito.
Para akong natulos sa kinatatayuan ko, ‘di ako magalaw, para bang may mahika ang mga titig niya at ‘di ko magawang itago ang sarili. He was staring at me while kissing her…
Nag-alis siya ng tingin sa ‘kin. Ang kanina’y malumanay na halik niya sa Ate ay naging mapusok, tila gigil. Inalis niya ang kamay sa ilalim ng blusa ni Ate at niyakap ito, mahigpit. Alam kong kailangan ko ng mag-alis ng tingin ngunit ‘di ko magawa, I was still enjoying it, ngunit bigla siyang nahinto. Nakita ko kung paano sila hiningal pareho. Hindi na niya ako tinignan muli. May binulong siya sa ate ‘ko. Kay bilis kong nagtago sa gilid ng bintana ng mapalingon si Ate sa bahay.
Napapikit ako. Kinakabahan na baka sinumbong niya ‘ko kay Ate. Ngunit ilang segundo ang lumipas, narinig ko na lamang ang pag-andar ng sasakyan niya. At nang sumilip ako muli. Paalis na ito at nasa loob ng sasakyan niya si Ate…
“What the F8ck is wrong with you, Cassiane Axelle!” Sita ko sa sarili. Kay lakas ng kalabog ng puso ko. Alam kung nakita niya ‘ko. Nababahala na ako kung ano na lang ang isipin niya sa ‘kin.
Bumalik ako sa kama at humiga. Lumipas ang ilang oras ngunit nanatiling mulat ang mga mata ‘ko.
Agad naagaw muli ang atensyon ko ng makarinig ng sasakyan. Hindi na ako bumangon. Malamang hinatid na niya si Ate.
At maya-maya nga’y narinig ko ang mga yapak ni Ate palapit sa kwarto ko. Tumalikod ako at nagpanggap na tulog ng buksan niya ang pinto. Narinig ko ang paglapit niya sa kama ko. Naramdaman kong inayos niya ang kumot ko. Marahan niyang hinaplos ang buhok ko at marahang kinintalan ng halik sa noo.
Oo, ganito niya ko ka mahal, ka alaga, ka protektado pero nakuha ko pa rin siyang traydorin. Bakit naman kasi sa dinami-raming pwede kong magustuhan, pagpantasyahan, sa dinami-raming pwede kong mahalin, ‘yung mahal pa niya ang napili ng puso ko.
“Sleep tight, baby Axe,” malambing niyang bulong sa ‘kin. Bago siya humiga sa tabi ko at maramdaman ang yakap niya sa ‘kin.
Tumunog ang phone niya. Sinagot niya ito.
“Babe,” malambing niyang saad. Mahina lang pagkakasabi niya ngunit narinig ko pa rin iyon.
“Si Axelle?” He asked about me?! Naging alerto ang tenga ko.
“Tulog na,” saad ni Ate. “Why?”
“So I can talk dirty with you–”
“Babe!” Sawa’y ni Ate. “That was wild…” bulong ni ate. Parang naging ibang tao siya sa pandinig ko. Nang-aakit ang tono ng boses sa pagkakasabi nito.
“If only you didn't need to go home, I would've already worn you out 'till you couldn't walk or move.”
D8mn! Paano pa ‘ko makatutulog nito!