Axelle’s POV Hindi ko namalayan. Isang taon na pala ang mabilis na lumipas. Magtatapos na ang unang taon ko sa kolehiyo at proud akong sabihin na consistent dean’s lister ako simula first sem hanggang ngayong second sem. At ngayon ika dalawampu’t isang kaarawan ko. Sabado ngunit may klase pa rin ako. Sabi nina mama sa pag-uwi ko na lang i-celebrate ang birthday ko. Hindi ko mapigilang maalala ‘yung birthday ko noong nakaraang taon. I spent it alone in my room, madilim, umiiyak, nasasaktan, at durog na durog. Isang taon ang lumipas at kay laki ng ipinagbago. Hindi ko inakala na malalagpasan ko ang mga araw na ‘yun, I felt so small and helpless back, then. Awang-awa sa sarili. Dumating rin ako sa punto na gusto ko na lang mamatay o ‘di na magising pa. But God is so Good, hindi niya ‘k

