Axelle's POV Hindi natuloy ang balak kong pagtawag ni Ate. Pinunasan ko ang luha at lumabas ng banyo. “Estella, sayo na muna,” nakita kong inabutan ni Zena si Estella ng shot glass. Agad naman itong ininum ni Estella. Pagkaupo ko pabalik sa sofa ay ang pagabot namn ni Zena sa ‘kin ng shotglass. Nahinto ako at napatitig sa kanya. “Shot,” saad nito. “Hindi siya umiinom,” saad ni Ash at akmang kukunin ang hawak na shotglass ngunit inunahan ko si Ash at nilagok ang laman nito. Muntikan ko ng madura ng agad na gumuhit ang init at tapang sa lalamunan ko ngunit mas masakit naman ang naarramdaman ko kaya nagaw ko siyang lunukin. “When did you just learn—” “Just now,” putol ko kay Ash. “Hmm, mukhang magkakasundo naman pala tayo, Axelle,” saad ni Yassi. “O, Ash, sayo,” abot ni Zena sa

