Axelle’s POV He pulled away in an instant sa sandaling lumapat ang labi ko sa labi niya. Bakas ang magkahalong galit at gulat sa mga mata niya. Tila hindi makapaniwala sa nagawa ko. “What the f*c—What was that, Axelle?” Inis niyang sita sa ‘kin. Nagitla ako sa biglang pagtaas ng boses niya. Ito ang unang beses na tinaasan niya ‘ko ng boses. He was always gentle with me. And honestly, sobrang nasindak ako. I never thought he had this side of him when he gets mad, sobrang nakakatakot ‘yung galit niya. Hindi ako nakasagot agad dahil na rin sa takot na nararamdaman ko. Tila nalunok ko ang sariling dila. “What the heck was that!” Untag niya sa ‘kin. Nanatiling galit ang boses nito. “I-I’m sorry…” Nanginginig ang mga labi kong sagot sa kanya. Sobra ‘yung hiyang naramdaman ko. Nag-alis ak

