Agad kong tiningnan ang aking email calendar. Nakatakda akong pumunta sa Apex Infrastructure bilang parte ng Vendor Reputational Risk & ESG Compliance Audit sa susunod na linggo. Dahil sa pampublikong aberya ng Apex noong nakaraang taon sa Subic, kailangan kong bisitahin ang mismong headquarters at main site nila upang tiyakin na compliant ang kanilang mga subcontractors sa reputational at crisis standards ng Vance Group
Noon ding hapong iyon, tinipa ko ang numero sa aking desk phone
"Sienna," bati ni Henry, ang Procurement Manager
"Henry, I need to pull in my site visit to Apex tomorrow as part of my regular Vendor Reputational Risk & ESG Compliance audit, which I have already aligned with you before. Can you help me with this?"
"Sienna, this is too short notice. Any reason why we need to move this to tomorrow?" tanong ni Henry sa kabilang linya
"I understand that your team required Apex to complete their preparations early this week, right?" atake ko gamit ang aking PR charm
"Honestly, this is just going through the motions since they won the bidding anyway. I just need to speak with the Apex owner to check their compliance with reputational and crisis standards. I plan to arrive there after lunch so they still have time in the morning,"
Dahil protektado ni Henry ang Apex, inakala nyang magandang pagkakataon ito upang tuluyang malinis ang imahe ng kanilang paboritong supplier. Agad na inutusan ni Henry ang kanyang team na i-coordinate at aprubahan ang aming pagbisita
Kinabukasan, sinundo ako ni Greg sa harap ng lobby ng aking condo
"Ready, Boss?" tanong nya habang pinagbuksan ako ng pintuan ng kanyang itim na SUV
"Ready," tugon ko
Nakabukas ang dalawang itaas na butones ng kanyang puting button down shirt, nakatupi ang mga manggas hanggang siko na nagpapakita ng kanyang maskuladong forearm, at nakasuot sya ng dark aviator sunglasses
Habang nagmamaneho sya palabas ng Manila patungong Pampanga, hindi ko mapigilang sumulyap sa kanyang side profile. Ang matalas nyang jawline, ang matangos nyang ilong, at ang paraan ng paghawak ng kanyang malaking palad sa manibela... napakagwapo at napakatipuno talaga ng ex-FBI na 'to
Biglang huminto ang sasakyan sa isang stoplight. Dahan dahang lumingon si Greg sa akin, ibinaba nang kaunti ang kanyang sunglasses, at ngumiti nang nakakaloko
"Enjoying the view, Sienna?" pabulong nyang tanong sa mababang boses
Mabilis na nag init ang mga pisngi ko at mabilis kong ibinaling ang tingin sa bintana. "I'm just... checking the traffic,"
Narinig ko ang mababa at maamong tawa ni Greg habang muling inaapak ang gas.
Bago kami tuluyang makarating sa main office ng Apex, tumigil muna kami sa isang magandang coffee shop sa tabi ng highway para mag almusal
"Good morning po, Ma'am, Sir!" masayang bati ng waiter sa amin. "Table for couple po?"
Muntik na akong mag-panic. "Ah, no...we're work colleagues,"
"Yes, please," nakangiting putol ni Greg habang mabilis na inakbayan ang likod ng upuan ko. "A nice table for two, for me and my lovely partner."
Nalaglag ang panga ko. Tinitigan ko sya nang masama habang naglalakad ang waiter, pero kinindatan lang ako ni Greg. Nagwala ang t***k ng puso ko sa sobrang inis!
"Partner?" pabulong at irita kong asik sa kanya. "You're enjoying playing with fire, aren't you?"
"I'm just being helpful, Boss," pilyong ngiti ni Greg habang ini-enjoy ang pamumula ng pisngi ko. "Besides, we are partners in this assignment,"
Inirapan ko sya at pilit na kinalimutan ang pang aasar nya nang ihain ng waiter ang aming order. Nakatitig ako sa aking mainit na kape habang nakapalibot ang aking dalawang kamay sa gilid ng tasa
Unti unting napawi ang inis ko at napalitan ng kaba sa aking dibdib. Kahit pinalabas naming regular PR audit lang ito, hindi ko mapigilang mag alala sa magiging komprontasyon namin sa may ari ng Apex. Sanay ako sa crisis comms at media inquiries, pero ang makipagharap sa isang posibleng corrupt na supplier para mangpiga ng ebidensya? First time ko 'to
Napukaw ang aking pansin mula sa malalim na iniisip nang maramdaman ko ang mainit at makapal na palad ni Greg na dahan dahang humawak sa ibabaw ng aking kamay
"Hey..." marahan nyang tawag
Napatingin ako sa kanyang mga hazel eyes mula sa ibabaw ng kanyang salamin. Nawala ang pilyong aura nya kanina—napalitan ito ng matalas, seryoso, at napakaprotektibong tingin
"Everything's gonna be fine. Don't worry," paniniguro nya sa mababang boses
Pilit akong huminga nang malalim. "Greg... what if he denies everything? What if we push too hard and it backfires on us? Paano kung magpanic sya at magsumbong agad kina Henry?"
Isang banayad na pisil ang ibinigay ng kanyang palad sa kamay ko
"Then I'll handle the heat," walang alinlangan nyang sagot
"You focus on reading his body language and taking field notes. Leave the interrogation to me. I got you, Sienna. We have each other's backs. Right, Boss?"
Napatitig ako sa kanya. Ang matatag na tiwala sa kanyang boses ay tila isang angkla na mabilis na nagpatahimik sa kaba ko
Dahan dahan akong tumango at nagpakawala ng maliit na ngiti. "Right. Let me show you how a PR Lead does field work,"
Pagdating namin sa opisina ng Apex Infrastructure sa Pampanga, agad kaming pinapasok sa executive boardroom. Sinalubong kami ng may ari ng Apex, si Mr. Arnaldo
Halatang halata ang matinding kaba sa kanyang mga mata. Akala siguro nya ay narito ako para ipakansela ang kanilang accreditation dahil sa nakaraang Subic incident
"Ma'am Sienna! Sir Greg! Welcome to Apex!" pilit ang ngiti ni Mr Arnaldo habang nanginginig ang kamay na nakipagkamay sa amin
"Nakahanda po ang lahat ng aming safety manuals at compliance certificates para sa PR audit nyo,"
Umayos ako ng upo at binuksan ang aking notebook. "Salamat, Mr. Arnaldo. As part of our Crisis and Reputational Check, we just need to clarify a few operational details. How would you rate the current transparency between your field team and Vance Group's project managers?"
"N-Napakaganda po! Smooth po ang koordinasyon natin!" mabilis nyang sagot habang pinupunasan ng panyo ang kanyang leeg
Bumuntong hininga si Greg. Dahan dahan syang sumandal sa kanyang upuan, tinanggal ang kanyang salamin, at tinitigan si Mr. Arnaldo nang malamig at diretso
"Mr. Arnaldo," malamig na pumasok si Greg. "Let's cut the PR script. How much are you paying Procurement and Facilities Management of Vance Group to ensure you keep winning these multi million contracts?"
Nalaglag ang ballpen ni Mr. Arnaldo. Namutla ang kanyang mukha
"S-Sir Greg! What are you saying?! We...we don't have—"
"Mr. Arnaldo," mahinahon at malumanay akong pumasok sa Tagalog
Inabot ko ang aking mga kamay sa mesa. "Naiintindihan po namin na ginagawa nyo lang ito para maprotektahan ang negosyo at ang mga tauhan nyo. Pero alam din namin ang tungkol sa harassment complaint na idinismiss ng HR namin. Nalaman namin kung paano ginagago ng Facilities Engineer ang mga tao nyo sa site,"
Napatigil si Mr. Arnaldo. Unti unting nanginig ang kanyang mga labi. Ang matigas nyang porma ay tuluyang gumuho
"Diyos ko..." pabulong na daing ni Mr. Arnaldo habang napahawak sa kanyang mukha. "Ayoko naman talagang gumawa ng masama, Ma'am Sienna... pero gipit na gipit na kami,"
Dito na tuluyang umamin ang may ari ng Apex
"Si Mr Castro, ang inyong Facilities Manager... sila ang nagbibigay sa amin ng leaked technical specs at sample costing template bago pa mag bidding," salaysay ni Mr. Arnaldo. "Si Sir Henry naman, ang inyong Procurement Manager... itinuturo sa amin ang exact lowest bid target. Kapalit niyon, hinihingan nila kami ng sampung porsyentong kickback buwan buwan. At 'yung isang Facilities Engineer... si Engr Reyes, hinaharass at tinatakot ang mga tauhan ko sa site. Pag nagreklamo kami, tatakutin kaming tatanggalan ng kontrata!"
Habang nanginginig si Mr. Arnaldo, mabilis kong itinala ang bawat detalye sa aking notebook. Si Greg naman, gamit ang kanyang kasanayan bilang dating imbestigador, ay mabilis na nag-draft ng isang confidential Sworn Statement / Affidavit of Disclosure
Ipinatala at ipinapirma ni Greg kay Mr. Arnaldo ang bawat pahina ng dokumento.
"Hindi po ako pwedeng sumama sa inyo pabalik sa Maynila," takot na pakiusap ni Mr. Arnaldo
"Papatayin nila ang negosyo ko pag nalaman nilang kumanta ako!"
"We won't force you to come with us today, Mr. Arnaldo," paniniguro ni Greg habang itinatago ang napirmahang affidavit sa kanyang leather folder
"But when the Executive Committee convenes, I will need you as our primary witness. I give you my word—I will personally guarantee your safety and your company's protection,"
Nang makalabas kami sa opisina ng Apex, madilim na ang kalangitan. Biglang bumuhos ang napakalakas na bagyo.
Habang nagmamaneho si Greg pauwi sa Maynila, naging zero visibility ang daan dahil sa matinding ulan at baha. Napilitan kaming lumihis ng daan at pumasok sa isang maliit na boutique hotel sa tabi ng bayan para magpalipas ng gabi
"I'm sorry, Ma'am, Sir," mahinang bati ng receptionist sa front desk. "Dahil po sa bagyo, marami pong na-stranded. Isang Executive Deluxe Suite na lang po ang natitirang vacant room natin,"
Napatitig ako sa receptionist. "I-Isang kwarto lang?"
Tumingin sa akin si Greg nang may pag aalala. "It's okay, Sienna. We need to stay safe from the storm. I'll sleep on the couch,"
Pagkapasok na pagkapasok sa kwarto, unang pumasok si Greg sa banyo para maligo matapos mabasa sa ulan. Pagkalipas ng labinlimang minuto, bumukas ang pinto ng banyo. Napatulala ako at halos malaglag ang panga ko
Lumabas si Greg na tanging ang puting tuwalya ang nakatapis sa kanyang baywang habang pinupunasan ng maliit na towel ang kanyang basang ulo at leeg. Nakalitaw ang kanyang malalapad na balikat, matitigas na chest muscles, at malinaw na abs kung saan pumapatak pa ang mga natitirang patak ng tubig
Mabilis akong tumalikod sa sobrang taranta!
"S-Sorry! Akala ko nakabihis ka na!" sigaw ko habang nagmamadaling humakbang pabalik
Subalit sa sobrang taranta ko, hindi ko napansin ang gilid ng coffee table! Napatid ako at mabilis na nawalan ng balanse!
"Sienna!"
Bago pa ako humalik sa sahig, isang malaking braso ang mabilis na yumakap sa bewang ko at humatak sa akin pataas. Sumalpak ang mukha ko at ang buo kong katawan sa hubad at mainit na dibdib ni Greg!
Napatigil ang mundo ko. Amoy na amoy ko ang sabon at ang maskuladong init ng kanyang balat. Ang palad nya sa baywang ko ay napakahigpit at napakaprotektibo.
Iniyuko ni Greg ang kanyang ulo. Nakatitig ang kanyang hazel eyes sa mga labi ko, mababa at mabilis ang kanyang paghinga
"Are you alright?" pabulong nyang tanong, his voice thick and dangerously low
"I... I'm okay," nauutal kong sagot, nakatitig sa kanyang mga mata, hindi makagalaw sa sobrang lapit ng aming mga mukha.
Dahan dahan akong itinayo ni Greg. Huminga sya nang malalim at ngumiti nang bahagya. "Go take a shower, Sienna. I'll get dressed,"
Dahil wala kaming baong damit para sa overnight stay, ginamit ko ang ikalawang hotel bathrobe sa ibabaw ng aking silk camisole. Gaya ng ipinangako nya, sa malaking sofa sa dulo ng kwarto nahiga si Greg habang ako naman ay nasa malaking kama
Subalit habang lumalalim ang gabi, lalong lumakas ang bagyo sa labas. Biglang gumuhit ang isang napakatalim na kidlat na nasundan ng napakalakas at nagreragasa na kulog!
BOOM!
"Ahh!" napatili ako sa gulat at takot. Mabilis akong nagtalukbong ng kumot sa aking ulo at napapikit habang nanginginig ang buong katawan ko. Takot na takot ako sa kidlat bata pa man
Mabilis kong narinig ang yabag ng mga paa sa sahig. Naramdaman ko ang paglubog ng gilid ng kama. Dahan dahang inalis ni Greg ang kumot sa mukha ko. Nakaupo sya sa tabi ng kama, nakasuot ng kanyang whirt shirt at ang loungewear pants na ibinigay ng hotel amenity kit, nakatingin sa akin nang may matinding pag aalala at lambing
"Hey..." marahan nyang tawag. "It's just thunder, Sienna. You're safe."
Nanginginig pa rin ang mga labi ko habang nakatingin sa kanya. "J-Just... stay close, please?"
Isang napakalambing na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Greg. Nahiga sya sa tabi ko. Dahan dahan nyang ipinasok ang kanyang malaking braso sa ilalim ng aking ulo at inipit ako sa kanyang dibdib
Ibinaba ko ang aking ulo sa kanyang dibdib at pikit matang kumapit sa kanyang damit. Naramdaman ko ang dahan dahang paghablot ng kanyang mga daliri sa buhok ko habang hinahagkan nya nang bahagya ang tuktok ng aking ulo
"You don't have to be strong all the time, Sienna," pabulong nyang sabi habang nakatingin sa akin sa gitna ng dilim. "You can let your walls down with me,"
Isiniksik ko ang aking mukha sa kanyang leeg. At sa kauna unahang pagkakataon sa loob ng maraming taon... naramdaman kong ligtas ako