Kinabukasan, isang email mula kay Greg ang naging bungad sa akin pagkapasok ko sa opisina. Ang buod ng mga tinukoy na keyword at sentiment patterns mula sa script ni Leo kagabi
Agad akong nagpunta sa aming intranet site upang idownload ang organizational charts ng Facilities at Procurement departments. Pagkaraan ng ilang sandali, nasa loob na ng opisina ko si Greg. Pinagtabi namin ang dalawang charts sa mesa ko
"Here," turo ko sa isang pangalan sa Procurement Department. "Albert. Senior Procurement Officer. Siya ang nakatoka sa pagmamanage ng mga biddings para sa malalaking Capital Expense at Construction Projects ng Vance Group,"
Tumango si Greg, nakatingin sa chart habang pinaiikot ang kanyang ballpen sa mga daliri. "Let's bring him in, Sienna. But we keep it soft,"
Agad akong nagpadala ng calendar invite kay Albert para sa isang interview. Ang alibi: "Crisis Comms & Employee Engagement Feature: A Day in the Life of Procurement." Ipinabalot ko ito bilang paghahanda sa gagawing internal storytelling material para sa intranet ng kumpanya
Pagkalipas ng ilang oras, pumasok si Albert sa opisina ko—medyo pormal ngunit halatang kumportable dahil sa ginamit kong dahilan. Kasama ko si Greg bilang aking Senior Operations Adviser
"Salamat sa oras mo, Albert," nakangiti kong simula. "Gusto lang naming maunawaan ang workflow ng Procurement para sa bagong comms feature natin. Can you walk us through your typical day and how you handle vendor relationships?"
Nakahinga nang maluwag si Albert at proud na nagkwento. "Naku, Ma'am Sienna, napakasipag ng team natin. Maraming biddings araw araw. Pero bago mai award ang kahit anong project, may malinaw tayong proseso,"
Dito na dahan dahang pumasok si Greg sa usapan. Isinandal nya ang kanyang mga braso sa mesa at nagtanong sa napakahinahon at pormal na tono
"Albert, for major Construction Projects, what are the roles and responsibilities of Procurement and end users?" tanong ni Greg. "How do you screen the bidders?"
"Ah, hati po yun, Sir Greg," mabilis na sagot ni Albert. "Kami sa Procurement, kami ang bahala sa Commercial Screening...meaning cost evaluation, payment terms, at commercial compliance. Pero ang mga Facilities Engineers, ang mga Project Managers natin sa site, sila ang humahawak ng Technical Screening gaya ng engineering specs, equipment capability, at past performance scoring,"
"I see," tango ni Greg. "Is there a specific external vendor that consistently wins high-value facility contracts?"
Bahagyang napatigil si Albert, ngunit pilit na napanatili ang ngiti. "Ah, may panalo naman pong iba iba. Pero ang pinakakilala talaga natin is Apex Infrastructure & Build Corp. Sila ang madalas maka-comply sa criteria."
"What criteria makes them stand out?" tanong uli ni Greg
"Competitive sa cost, mataas ang technical rating mula sa Facilities Engineers, at stellar ang past performance record," sagot ni Albert
Bago natapos ang interview, siningitan ko pa sya ng ilang mas magagaang tanong tungkol sa kanyang career bilang Procurement professional para hindi sya makahalata na iniimbestigahan na namin sya. Nagpasalamat kami ni Greg kay Albert bago sya umalis
Pagkaalis ni Albert, naiwan kaming dalawa ni Greg sa opisina. Napahawak ako sa aking sentido habang nakatitig sa pangalang Apex Infrastructure sa notepad ko
"Greg... wait," pabulong kong sabi habang inaalala ang nakaraan. "Apex Infrastructure isn't 'stellar'. A year ago, their subcontracted project had a major structural delay at safety failure sa Subic site. Ako ang halos nagpakapuyat para i-manage ang external media at protektahan ang pangalan ng Vance Group mula sa malaking kapalpakan na yun!"
Lumapit si Greg sa bintana, tila mabilis na inaalisa ang mga bagay. "If their project failed a year ago, how did they get high scores on past performance to win recent bids?"
"Someone cooked the technical evaluation records," tugon ko
Bago umalis si Albert kanina, nag iwan sya ng listahan ng mga Facilities Engineers na nagsisilbing Project Managers para sa mga proyekto ng Apex. Agad naming ipinatawag ang isa sa kanila...si Engr Reyes
Kinahapunan, tinagpo namin ni Greg si Engr Reyes sa aking opisina. Tulad kay Albert, ginawa ko ulit alibi ang tungkol sa Comms feature. Halatang kinakabahan ito at papaling paling ang tingin sa amin nang umupo sya sa harap ng mesa
"Engr Reyes, can you tell us what your typical workday looks like and how you handle suppliers supporting our major construction projects?" nakangiti kong simula
Bumuntong hininga nang malalim si Engr Reyes bago umayos ng upo. "A-Ah, halos nasa site po ako palagi, Ma'am Sienna. As Project Manager for our high capacity expansion sites, ako po ang nagsu supervise sa civil at structural works. Kasama na po doon ang pakikipag coordinate sa Apex Infrastructure sa araw araw na construction activities,"
"And what's your overall feedback on Apex's work performance?" seryosong tanong ni Greg
"Maganda po!" mabilis na sagot ni Reyes, tila masyadong handa ang sagot
"Professional po ang Apex. Naipapadala agad ang heavy equipment at sumusunod sa timeline,"
"How does the performance rating process work?" usisa pa ni Greg. "Paano sinusuri ng end user ang supplier?"
"May quarterly evaluation form po tayong ginagamit," paliwanag ni Reyes. "Ako po bilang Project Sponsor ang nag aassess sa kanila based on quality of work, site responsiveness, and corporate values. Pagkatapos po, kino consolidate yun ng Facilities Manager at ipinapasa sa Procurement para sa final assessment,"
Sumandal ako sa aking upuan at tumitig nang madiin sa kanya
"Engr Reyes..." mahinahon ngunit matalim kong hirit. "If Apex's ratings are consistently near perfect, paano nyo isinama sa assessment yung major structural delay at safety failure nila sa Subic project last year? Because as the Crisis Comms Lead who handled that disaster, I don't recall that project being rated as 'maganda',"
Agad na namula ang leeg ni Reyes. Bahagya siyang napa iwas ng tingin at napakrus ang mga braso...isang classic defensive body language
"Ah... eh...kasi Ma'am Sienna, magkaibang site po yun!" kabadong rason ni Reyes. "Normal lang naman po sa malalaking construction ang kaunting aberya sa lupa at weather conditions sa Subic. Pero mabilis gumawa ang Apex! Kung may kaunting delay man o aberya sa site, maliliit na bagay lang yun kumpara sa bilis nilang mag turnover,"
Pilit syang tumawa nang bahagya, pero halatang halata ang panginginig ng kanyang boses
"I see," malamig na tango ni Greg habang tinititigan si Reyes sa pamamagitan ng kanyang glasses. "Thank you for your time, Engr Reyes. That would be all for now,"
Nang makalabas si Reyes ng opisina, mabilis kong isinarado ang pinto at humarap kay Greg
"He's hiding something," pahayag ko. "Presko, masyadong defensive, at halatang pinoprotektahan ang Apex,"
"He didn't just defend Apex, Sienna—he practically recited a scripted excuse," sang ayon ni Greg habang nakahalukipkip
"There’s a deeper arrangement between Facilities and Apex. Request the Disciplinary Action Tracker and Employee Relations Case Logs from HR. Let's see if anyone tried to blow the whistle on him before,"
Para makakuha ng iba pang opisyal na record, nagrequest ako sa HR ng Disciplinary Action Tracker & Employee Relations Case Logs. Dahil busy si Macy, isang Senior HRBP ang naghandover sa amin ng confidential files
Pinasadahan namin ni Greg ang mga record sa loob ng tatlong taon. Dalawang kwestyonableng kaso ang agad na pumukaw sa aming pansin:
Case File #2025-08: Anonymous Hotline Complaint
Subject: Unexplained Wealth against a Procurement Personnel (Multiple high-end vehicles and recent property acquisitions).
Status: CLOSED / DISMISSED.
Reason: Dismissed due to lack of substantiated evidence and specific details.
"Look at the second one, Sienna," turo ni Greg sa kasunod na pahina:
Case File #2025-11: Workplace Harassment & Coercion
Complainant: Sub-contractor / Supplier representative (Apex Infrastructure Personnel).
Respondent: Facilities Project Engineer.
Allegation: Severe verbal abuse, harassment, and unreasonable site coercion.
Status: NO SANCTIONS ISSUED / CASE DISMISSED.
Justification: HR Note signed off by Management: "Complaint unsubstantiated. Issues stemmed from supplier's documented project delays and performance failures."
Napatitig ako kay Greg. "Nireklamo ng tauhan ng Apex ang isa sa mga Facilities Engineers natin para sa harassment, pero ang HR pa natin ang nagdismiss sa kaso at ibinagsak ang sisi sa supplier?"
Pinagmasdan ako ni Greg, ang kanyang mga mata ay nagningning sa matalas na konklusyon
"Think about it, Sienna," malamig at kalkulado nyang paliwanag. "The paper trail inside this building is heavily sanitized. The HR logs are being used to shield perpetrators and the Procurement evaluations are rigged,"
Sumandal si Greg sa aking mesa, tinitigan ako nang diretso sa mga mata
"If we want the unscripted truth—he raw evidence of how Apex operates and why their complaints were buried—we can't find it inside Vance HQ," patuloy nya. "We need to visit Apex Infrastructure's main office ourselves. Out of town."
Napatitig ako sa kanya, dahan dahang tumango habang mabilis na tumitibok ang aking puso