Kinabukasan, agad akong nagpadala ng email kay Macy. Naka-CC sa email si James at ang HRIS Manager:
“Hi Macy, per James' approval below, Greg and I will be working directly with the HRIS team starting today to scan and digitize the physical raw files in the Retention Records Room for our qualitative review,”
Dahil nakakabit ang mismong go-signal ng CEO, wala nang nagawa si Macy. Agad na inatasan ng HRIS Manager si Rhea para tumulong sa amin sa pagscan ng libu libong physical forms gamit ang High-Speed OCR System
Napabuntong hininga ako at nagpasyang maglakad patungo sa washroom. Habang dumadaan sa admin area, napansin ko si Greg na nakasandal sa counter ni Rhea
"Rhea," masuyong paalala ni Greg, pabulong na para bang may ibinabahaging napakalaking lihim. "This raw data review is high-priority for James. Can I trust you to help us pull this off smoothly today?"
Kilig na kilig na tumango si Rhea, feeling special operative sa tabi ni Greg. "Naku, Sir Greg! Walang problema po! Ako na po ang mag-e-encode at mag-ii-scan ng lahat ng physical forms!"
Halos tumirik ang mga mata ko sa pag irap sa loob loob ko. Alam ko namang trabaho lang iyon, pero hindi ko mapigilang mairita sa flirty banter ng dalawang ito—umagang-umaga!
Pagkaharap ko sa salamin sa washroom, naalala ko ang kwento ni Greg nung kumakain sya ng lumpiang shanghai sa canteen—na paborito nya iyon dahil madalas silang gawan ng kaibigan ng partner nya nito noong pulis pa sya sa US. May partner pala sya roon, tapos kung makipag flirt sa mga empleyado rito, ganun ganun na lang?
Nang makabalik ako sa aking opisina, pilit kong itinuon ang pansin sa pagtitipa sa aking laptop, pero hindi ko mapigilang sumulyap sa nakabukas kong pinto. Mula sa kinalalagyan ko, kitang kita ko si Greg na nakatayo sa tabi ng scanner platform sa labas. Nakalupi ang mga manggas ng kanyang button down shirt habang tumatawa at tila naaaliw sa mga pinagsasabi ni Rhea habang masipag itong nagpapasok ng mga papel sa scanner
Napakipot ang mga labi ko at napahigpit ang hawak sa aking ballpen. Napakapresko talaga ng AFAM na 'to! May pinagkakaabalahan nang partner sa US, pero naghahasik pa ng alindog dito sa Pinas!
"Lunch?"
Napukaw ang aking pansin ng isang pamilyar na boses mula sa aking computer screen. Nakasandal si Greg sa hamba ng pintuan ng aking opisina
Napatingin ako sa orasan—alas dose na pala. Kahit iritable ako kanina, tila biglang nabawasan ang inis ko nang maalala nyang ako ang yayaing kumain
"Alright," agad kong kinuha ang aking wallet at tumayo
"You looked like you almost wanted to punch someone while you were working at your computer," hirit ni Greg habang nakaupo kami sa isang medyo tahimik na mesa sa gilid ng cafeteria
Nabilaukan ako at napa ubo nang bahagya. Nahalata nya pala ang inis ko kanina! Agad nag init ang magkabila kong pisngi. I couldn't believe na ganoon na pala ang hitsura ko. Nairita lang naman ako... wala namang dapat ikaselos!
Narinig ko ang mababang tawa ni Greg. Tila naaaliw pa ito sa pamumula ko. Ilang sandali pa ay unti unting naging magaan ang usapan. I found myself telling him about the most ridiculous public relations crises I had to manage in my early years at Vance Group
"Wait, so you actually had to face a dozen angry media reporters in the rain just because a delivery truck crashed into a billboard?" natatawang tanong ni Greg, leaning his elbow on the table, his hazel eyes completely fixed on me with pure amusement
"Yes! At nakabalot pa ako sa trash bag noon dahil wala akong dalang payong!" nakangiti kong kwento
Isang napakalambing at malalim na tawa ang pinalabas ni Greg. There was a soft, genuine warmth in his gaze that made my chest tighten in the most dangerous way possible
"Sir Greg! Ma'am Sienna! Pwedeng makitabi?"
Nabasag ang aming usapan nang biglang lumapit ang isang HR Manager kasama si Rhea, hawak ang kani kanilang mga tray
"Sure, go ahead," magalang na alok ni Greg.
Habang kumakain kami, hindi napigilan ng HR Manager na suriin si Greg. "Sir Greg, ang kisig at ang gwapo nyo po talaga. Kung hindi lang nakakahiya... tanong lang po galing sa team, single pa ba kayo?"
Nabilaukan ako sa iniinom kong juice at mabilis na napahawak sa aking dibdib bago inabot ang baso ng tubig!
Dahan-dahang ibinaba ni Greg ang kanyang kubyertos. Isang kaswal at pormal na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. "Yes, I am completely single,"
Pagkasabi niyon, halos manlaki ang mga mata ko. Single?! Eh ano yung kwento nya tungkol sa partner nya sa US?! Nagsisinungaling ba siya o talagang wala siyang pakialam?
"Ma'am Sienna, may problema po ba?" Napansin ata ng HR Manager ang biglang paninigas ng mukha ko
"N-Nothing," tanggi ko sabay inom muli ng tubig
Mabilis na lumipat ang tingin ni Greg sa akin. Nakatitig sya sa mga mata ko na para bang gustong hulihin ang reaksyon ko, kaya agad akong nag iwas ng tingin
"Naku!" hirit ng HR Manager sabay siko kay Rhea. "Wala rin pong boyfriend tong si Rhea! Single na single din! Bagay na bagay kayong dalawa, Sir Greg! Baka naman!"
Tuksuhan at tawanan ang sumunod sa mesa
"Rhea is a very lovely and hardworking woman," magalang at charming na sagot ni Greg habang nakangiti nang bahagya sa kanila
Si Rhea naman ay halos maging kamatis na ang mukha sa sobrang pamumula. "Yes, Sir Greg! Sinasagot na kita!" sabay tili nito.
Napalingat ako habang si Greg naman ay tumawa lang nang mahina
"Huy, Rhea!" natatawang sita ng HR Manager
Bilang isang Communications Specialist na sanay magbasa ng body language, alam kong Greg was just politely complimenting Rhea without committing an inch, and his eyes remained completely detached. Halatang hindi nya type si Rhea at ginagamit lang ang kanyang pormal na alindog para maging magalang. But still... bakit niya sinabing single sya kung may nabanggit syang partner sa US?!
Kahit pilit na nagrarason ang utak ko, ang dibdib ko ay parang nilalagyan ng kumukulong mantika sa matinding inis. Gusto ko nang tapusin ang lunch at bumalik agad sa opisina
Alas otso y media na ng gabi at tahimik na ang buong gusali. Umuwi na si Rhea matapos mai upload sa isang secured local drive ang huling batch ng mga digitized raw exit interview files at raw survey comments.
Pumasok sa opisina ko si Leo, ang Senior Data Analyst mula sa IT Department at isa sa mga pinagkakatiwalaan kong kaibigan sa kumpanya
"Sienna, naisaayos ko na ang local server kung saan nakaimbak ang digitized raw data," balita ni Leo. "Gagawa ako ng custom Python script para mag run ng Sentiment Analysis at Keyword Matching sa libu libong comments,"
"How long will the script run, Leo?" tanong ni Greg
"Aabutin ng mga 30 to 45 minutes bago mailabas ang full cluster report, Sir Greg," sagot ni Leo habang nag tatype sa kanyang laptop
"Great. Take your time, Leo," tango ni Greg bago bumaling sa akin. "Sienna, let me buy you a coffee,"
Bumaba kami sa isang quiet break corner sa dulo ng executive floor kung saan nakapwesto ang vendo machine at ang malaking glass window na nakadungaw sa maulang skyline ng syudad
Habang nakatayo kami sa harap ng vendo machine, hindi ko na napigilan ang inis na buong araw kong dinala. Pilit kong itinaas ang pader ko bilang kanyang Host Assignment Manager
"Greg, I really think you should set professional boundaries with HR," pormal ngunit irita kong simula habang nakahalukipkip ang aking mga braso. "We are in the middle of a delicate corporate operation, and distracting staff members like Rhea with your constant flirting isn't—"
Bago ko pa matapos ang sasabihin ko, humarap si Greg sa vendo machine. Pinalampas nya ang sinabi ko at itinuro ang mga umiilaw na button
"Are those lighted buttons the ones available?" seryoso nyang putol sa akin, na para bang wala syang narinig na paninita.
Napatigil ako, bahagyang naunsyami ang nakahanda kong litanya. "I... yes. The green ones are hot coffee, the orange ones are warm tea."
Pumindot si Greg ng dalawang tasa ng black coffee. Habang pumapatak ang mainit na kape sa loob ng makina, dahan-dahan syang humarap sa akin
Bagaman pilit kong pinanatili ang matigas kong mukha, unti unti syang lumapit patungo sa kinalalagyan ko. Dahan dahan niyang ipinatong ang kanyang malaking palad sa aking balikat—his touch firm, grounding, and dangerously warm through my blazer
Iniyuko nya nang bahagya ang kanyang ulo para pantayan ang paningin ko, looking at me right through his dark-rimmed glasses with a low, playful grin
"Sienna..." pabulong nyang tanong habang nakatitig sa mga mata ko, "...what are you saying again?"
Napatigil ako sa paghinga. Pakiramdam ko ay nagwala ang t***k ng puso ko sa loob ng dibdib ko. Nawala ang lahat ng inis, ang pader na itinayo ko, at maging ang mga tanong ko tungkol sa partner nya sa US. Namula nang husto ang aking leeg at mga pisngi sa sobrang lapit ng kanyang mukha.
Isang mababang tawa ang pinalabas ni Greg nang makita ang reaksyon ko. Inalis nya ang kamay sa balikat ko at kinuha ang dalawang tasa ng kape mula sa vendo machine. Inabot nya sa akin ang isa
"I only used my charm on Rhea to get the work done, Sienna," pabulong nyang paliwanag habang dahan dahang humihigop ng kape. "No one in this building is stealing my attention from you,"
"That's not what I meant!‐" protesta ko
"You take your work way too seriously, Sienna. Have you ever considered letting your guard down?"
Napatitig ako sa tasa ko, pilit na ibinabalik ang normal na paghinga. "I don't think about those things, Greg. I don't want to get hurt. Staying focused on my career is safer."
Tumingin sa akin si Greg nang may matinding lalim sa kanyang mga mata
"Avoiding love to protect yourself from pain is like avoiding living to protect yourself from dying," marahan nyang paalala. "You built high walls, Sienna. But walls don't just keep the pain out... they keep the warmth out, too."
Bago pa ako makasagot, tumunog ang celpon ko sa aking bulsa
Leo: “Sienna, Sir Greg, tapos na ang script run. Ready na ang report.”
"L-Leo's done," nauutal kong sabi habang mabilis na tumalikod para itago ang pamumula ng aking mukha
Pagkabalik namin sa aking opisina, pinaligiran namin ang kanyang screen
"I ran the data through two levels of filtering," paliwanag ni Leo habang itinuturo ang mga chart sa screen
"Here is the First Level Analysis—ang High Level Qualitative Summary o ang general sentiments ng resignees at survey respondents,"
Tinitigan iyon ni Greg. "As expected. The first level data perfectly matches the sanitized summary Macy presented to us yesterday. Top reasons are still work-life balance, competitive pay, and remote work options,"
Kaya naman pala kampante si Macy! Malinis ang mga numero sa ibabaw at mukhang walang anumang kababalaghan.
"Pero..." bitin ni Leo habang nagki click ng panibagong tab
"Nung inextract ko ang Second Level Analysis—kung saan in analyze ng script ang exact qualitative raw comments at confidential notes mula sa physical exit forms na na scan ni Rhea... may lumabas na magkakaugnay na pattern."
"What pattern?" seryosong tanong ni Greg.
Itinuro ni Leo ang tatlong magkakahiwalay na quotes mula sa mga nagresign na Senior Engineers at Logistics Supervisors:
“Management is completely ignoring the warnings of project engineers regarding supplier compliance.”
“A specific external supplier always gets awarded with high-value facility contracts without thorough or transparent bidding. Check Facilities and Procurement.”
Napatigil ako. Nanlaki ang mga mata ko habang binabasa ang mga linyang iyon.
"Facilities and Procurement..." pabulong kong ulit. "So the fraud isn't just a general HR issue... someone is rigging the bids,"
"Sienna, Sir Greg, nakasave na ang analysis na ito sa confidential drive folder ni Sienna. Una na ako," paalam ni Leo.
Nagpasalamat kami kay Leo. Nang makaalis na ito, tumingin sa akin si Greg. Ang kanyang pilyong aura kanina ay tuluyang napalitan ng matalas, malamig, at kalkuladong aura ng isang beteranong imbestigador
"The leak from Spy007 is just the tip of the iceberg, Sienna," malamig na sabi ni Greg. "The Facilities and Purchasing management are likely having questionable transactions from an external vendor. And tomorrow, that's where we start digging,"