NAKAKUYOM ang palad ni Gio habang hawak sa kabilang kamay ang kopita na may rum. Nakatingin siya sa labas ng bintana, nag iigting ang kanyang panga. Ibinalita sa kanya na hindi na matutuloy ang engagement nila ng kaniyang fiancee.
Kadarating lang niya kahapon para lamang sa engagement. Pagkatapos ay 'di rin pala matutuloy.
"Gio, pasensiya ka na sa ginawa ni Irish. Hayaan mo kakausapin ko siya. Sasadyain ko siya sa bahay nila," sabi ni Leslie sa kapatid.
Si Leslie ay dalawang taon lamang ang tanda sa kaniya. May sarili na rin itong pamilya, mayroong tatlong anak. Nakatira rin sila sa hacienda kasama ang mga anak habang ang asawa nito ay ang namamahala sa tubuhan nila.
"No need. If she doesn't want to marry me, so be it. I just want to go back to America and do what I want to do," madiing saad ni Gio. Nagsasayang lang siya ng oras dito.
Nakakatawa na ang isang Gio Avalon ay tinanggihan na pakasalan ng isang ordinaryong babae. Probinsyana at walang maipagmamalaki sa kanya. Tauhan lang sa kanilang farm at isa pang estudyante.
"Don't stress yourself. Bata pa kasi ang mapapangasawa mo. Intindihin mo na lang mayroon itong sarili niyang gusto. Kilala ko ang batang 'yon, halos nakita ko ang paglaki niya. At mabuti siyang babae at maprisipyo. Kaya nga hindi mo madidiktahan. Kahit ang mga magulang niya ay sinuway. Hinangaan ko siya sa pagiging matapang niya. Honestly, 'di ko kaya ang ginawa niya. Itatakwil ako ni daddy 'pag sinuway ko siya. Biruin mo na tinanggihan niya ang guwapo kong kapatid," natatawang litanya ni Leslie sa naggagalaiting kapatid. At napapailing iling ng ulo.
Narinig ni Gio ang paghagikhik ng sariling kapatid. Napaamang siya na nagawa pang gawing biro ng ate niya ang pag-reject sa kanya ni Irish.
"Ate Leslie, 'di nakakatawa. She gave me an f*cking shamed in the whole Wawa! Hindi ako desperadong makuha siya. She's just a plain senior high student." Kunot ang noong bitaw niya. There's a lot of women who want him. Hindi niya kailangan na maghabol kay Irish para pakasalan lang siya. 'Di siya kawalan sa kanya.
"Oh, I guessed hindi naman nasaktan ang pride at ego mo ni Irish. Sabi mo nga, she's just a plain senior high student. Pero maganda si Irish, maraming nagkakagusto sa kanya rito sa Wawa. Ayaw lang niya dahil dinig ko may boyfriend na," kibit balikat na sabi ni Leslie.
He pays attention to what his sister is telling him. May mga nagkakagusto rin pala sa babaeng 'yon. "I don't think she's pretty and hot. And I can't count my girls that come in my hands," ipinakita pa niya ang mga naglalakihang daliri sa kamay. "Lahat sila sinasamba si Gio Avalon," pagmamayabang pa niya sa kapatid.
"She doesn't know me. At wala na akong pakialam sa kanya simula sa araw na ito," nausal niya pa sa sarili.
Napataas ang sulok ng labi ni Leslie. Kahit kailan talaga ay hambog ang kapatid niya. Pero hindi pa rin siya umuobra kay Daddy. Pareho nilang kilala ang kanilang ama. At kapag sinabi nitong pakakasalan ni Gio si Irish, 'di magbabago ang desisyon nito. Unless, may nakita siyang rason para ayawan ang dalaga. Ngunit, malabong mangyari dahil botong boto ito kay Irish para sa kanyang kapatid.
"Si daddy ang may gusto na pakasalan mo si Irish. At kahit ayaw mo pa o si Irish ang umayaw, pareho kayong walang magagawa. Mapipilitan kayong sundin ang gusto ng mga nakakatanda."
Napabuntong hininga si Gio. Muling tumalikod sa kapatid at uminom sa kopitang hawak niya. Arranged marriage, sucks! 'Di niya gustong matali na babaeng nagtatapang tapangan lang. Pero duwag naman. Ni hindi nito kayang humarap sa kanya. Basta na lamang ito umalis ng walang paalam kagabi para sumama sa boyfriend niya.
"Bakit gustong gusto ni daddy na pakasalan ko 'yon? Sakit lang sa ulo ang mga batang babae."
Natawa na naman si Leslie sa tinuran ng bunsong kapatid saka napailing iling. "Aba, malay ko. Itanong mo kaya sa kanya para malaman mo ang sagot."
Nagsalubong ang kilay ni Gio. He doesn't know what that woman does that his dad wants him to marry her. "Do you have a picture of Maeve Irish Dizon?"
Nagulat si Leslie at nang makahuma, napangiti siya ng nakakaloko. "Oyy... Interesado ka?"
Sunod sunod na umiling si Gio. "Hindi ibig sabihin interesado ako kaya gusto kong makita ang mukha niya. Gusto ko lang patunayan sa sarili ko na hindi siya karapat dapat na babae para sa akin."
"Eh, pa'no kung mapatunayan mong mali ka? Anong gagawin mo? Kukunin mo ba siya sa boyfriend niya at itatanan?" Hindi mapigilan ni Leslie ang hindi kiligin. Bagay naman sina Gio at Irish. Isang arrogant playboy at walang kinakatakutan na babae. Hindi niya ma-imagine silang dalawa na magkasama sa isang lugar . Baka aso't pusa ang mga ito.
"Then, let's see what will happen next..."
ISANG malakas na sampal ang natanggap ni Irish mula sa kanyang ama nang makauwi ng bahay. Suot pa niya ang kanyang white dress na ibinili ng mga Avalon para sa kanya. Wala na rin ang make up niya at nakalugay ang kanyang mahabang buhok.
Masamang masama ang loob ng papa niya dahil sa ginawa niyang pagback out sa engagement at sumama kay Henry. Nagpunta lang sila sa isang restaurant at nag usap. Gusto lang niyang takasan ang gabing ito para sa engagement na labag sa gusto niya. Pero hindi ibig sabihin ay makikipagtanan siya sa boyfriend niya.
Ang mama niya ay nakaupo sa upuan at umiiyak. Napakahina ng kanyang ina. Iiyak na lang sa tuwing nasasaktan ang damdamin. Kaya inis na inis si Irish sa pamilya niya na walang ginawa kundi maging sunud sunuran sa mga Avalon. She really hates that last name Avalon. Hinding hindi 'yon maikakabit sa pangalan niya.
Sapo ni Irish ang pisngi na sinampal ng papa niya. Makirot 'yon, ngunit kaya niya ang sakit. Ang hindi lang niya kaya ay iyong pinipilit siya sa hindi niya gusto.
"Hindi ko alam kung anong gagawin ko sayo, Irish! Dahil sa ginawa mo nagalit sa amin ng mama mo si Senyor Nino! Tatanggalin niya ang scholarship mo sa eskwelahan. 'Di na kita maintindihan, ni hindi mo ipinakilala ang boyfriend mo. Ganyan ba ang gawain ng matinong babae?" Sermon ng papa ni Irish.
"Tanggalin niya na lang ang scholarship ko. Kaya ko naman pong magtapos ng senior high. Magtatrabaho po ako at pagsisikapan. Mahal ko po si Henry, pa. Ipapakilala ko naman po sa inyo, natatakot lang po ako na baka hindi niyo siya matanggap," pangangatwiran na diin ni Irish sa ama. Pinipigilan niya ang mas maging bastos sa ama pero hindi niya talaga kaya. Nasasagot pa rin niya ito.
Wala siyang pakialam sa scholarship, magagawan niya ng paraan ang kailangan niya sa eskwelahan. 'Wag lang nilang ipilit na pakasalan niya ang lalaking hindi niya gusto. 'Di rin siya natatakot na ipaglaban ang taong mahal niya.
"Hindi ko siya kailanman matatanggap na lalaking pakakasalan mo! Si Gio lang ang gusto namin para sayo. Wala na akong mukhang maihaharap sa mga Avalon. Hindi matutumbasan ng boyfriend mo ang lahat ng mga naitulong nila sa atin. Nabubulagan ka lang sa Henry na 'yan, Irish!" Galit na saad ni Rocky sa anak.
Nangilid ang luha ni Irish. Mas nasasaktan pa siya sa mga salita ng ama kesa sa sampal nito. Kaya niyang tiisin ang sakit pisikal pero iyong direkta sa puso. Ang hirap 'non tikisin. Sa mahal niya si Henry. Hindi porket malaki ang utang na loob nila sa mga Avalon ay gagawin na siyang pambayad. Tapos, agad agad papayag siya.