"Twenty papers na ang na check ko, pwede na siguro 'to." Inilapit ko kay Yel lahat ng mga binigay niya sa aking papeles. Puro mga business proposals ang mga 'yon. Mga amateur businessmen na gustong magkaron ng partnership sa We Henius at sa kanilang kompanya. Maraming sangay ang kompanya ng mga Arrhenius, marami rin silang iba't-ibang negosyo. Isa na dito ang pinaka sikat na security agency sa Pilipinas na pinatatakbo ni Sevhire. Stan is more with a business when it comes to raw materials construction. Ang isa nilang business ay tungkol sa mga innovative foods na talagang patok na patok. Alam ko ay si Mikael ang nagpapatakbo naman ng isang 'yon. Si Sir Syche ay kapareha ni Stan kung kaya't salit-salitan sila pag hahandle ng kompanya nito. Hindi ko na nga lang alam ang ibang hil

