Hindi ko na sinabi kay Yel ang nangyari sa amin ni Mikael, ayokong magpatayo ang kaibigan ko ng Anti-Mikael fandom. She knows how sensitive I am, kaya pag nalaman niya ang mga sinabi sa akin ni Mikael ay baka mawala sa isip ni Yel na boss niya ito. Sabado ngayon at naghahanda ako sa paglabas namin ni Ervin, sabi niya ay magkita raw kami malapit sa Amber's dahil tapat daw nun ay isang perya. Lagi ko namang nakikita yung perya na sinasabi ni Ervin, hindi ko nga lang mapuntahan. Sinuklay ko gamit ang aking mga kamay ang maikli kong buhok. Simpleng white sando, at denim jacket at shorts lang naman ang suot ko. Tapos ay naglagay ako ng hikaw at relos. Pinares ko sa aking suot ang paborito kong boots, napangiti ako sa salamin nang makita ang aking repleksyon. It's been a while si

