"Seryoso ka?! Iyon ang sinabi sayo?" Sumimangot ako lalo sa naging reaksyon ni Yel. Hindi ko naman siya masisisi, kahit naman ako din ay nagulat. But maybe he is just worried, nagtatrabaho ako sa kompanya niya tapos ay magwawalwal lang ako at hindi ko magagawa ng maayos ang trabaho ko? Tumango ako sa kanya at pagod na umupo. "Tama din naman kasi siya." Nilapitan ako ni Yel, nagulat ako nang haplusin niya ang aking buhok. "Sorry, Aurora. Dapat ay hindi ka na namin inaasar kay Mikael na 'yon." "Bakit naman?" Umupo si Yel sa harapan ko at inihilig ang baba sa mesa. "He is not for you. Masyadong malayo ang agwat niyong dalawa." Alam ko naman 'yon. Sa klaseng tao niya? Ang hirap abutin, e. Lalo na sa katulad ko na wala pang napapatunayan, nagtatrabaho lang sa kompany

